Chapter 2: TORPE # 1

73 3 0
                                    


Micael's POV

Pagdating ko ng school, wala pa yung unggoy. Buti naman. Walang maingay kaso sobrang boring naman ng subject. Sobrang nakakaantok naman kasi magsalita to si sir.

" Pre. Anong oras na? " Tanong ko sa lalaking maliit na nasa harap ko.

" Wala ka bang relo? " Aba't ang angas netong punggok na to ah?

" Kung meron magtatanong ba ko? " Naiinis na sabi ko.

" 8:22 na. " Sasagot rin pala andami pang sianasabi.

" Salamat. " Matatapos na rin pala yung first subject.

Alas dies na next class ko. Makatulog nga muna.

" Hey bro! " Anak ng—

" Oh? "

" Sama ka mamaya. After class. Bar tayo. "

" Ayoko. Tinatamad ako. "

" Okay lang. Maaga pa naman. Mamaya di ka na tatamarin. " Nakangiti pa ang mokong. Kala mo walang ginawang kasalanan.

" Ayoko nga sabi. Bahala ka sa buhay mo. " Yumuko na ko.

" Someone's in a bad mood. Haha. " Panong di ako mababadtrip e panira ka ng araw? " Sayang kasama pa naman si Bella. " Huh? Sinong Bella?

" Ayoko nga. Wala rin akong paki kung sino yung Bella na yon. "

" Jake! "

Bella's POV

" Jake! "

" Uy! Bella! Ikaw pala! "

" Anong oras nga pala ulit yung mamaya? May kasama pala ko ah? Eto nga pala si Dominique and Joyce. "

" Hi Dominique! Hi Joyce! I'm Jacob. You can call me Jake. "

" Ang englishero mo naman. Haha. " – Joyce

" Oo nga nakakadugo ka ng nose! Haha. " – Dominique pero Nikka tawag namin sa kanya.

" Sorry. Nasanay kasi ako. Hahaha. Anyway, May isasama rin ako. Bella, naalala mo yung sinasabi kong lalaki sayo kahapon? Ayun yun oh. " Sabay turo niya sa lalaking nakayuko sa armchair.

" Sino naman siya? " – Joyce

" That my friend is--- " – Jacob

" Kung mag-iingay kayo pwede sa malayo kase--- " – Yung lalaking nakayuko na ngayon ay nakatayo na at nakatingin... sakin?

" Pfft. Haha. Cael. Lika na nga dito. " Lumapit si Jacob dun sa tinawag niyang Cael. " Ladies, this is my friend James Micael Villareal. "

" Hi! " Sabay na sabi ni Nikka at Joyce.

" Ahm.. sorry. Napalakas yata yung tawag ko kay Jacob. Ako nga pala si Bella. " Nilahad ko yung kamay ko sa kanya kaso di niya kinuha kaya binawi ko na lang.

" O... kay. So, you guys already know each other. Magkita kita na lang tayo mamaya sa bar. Mga 7PM. See you later girls! " Sabi ni Jacob na hinila na yung lalaking kasama niya palabas.

" Okay. " Sabi ko.

" Ang guwapo nila chups! " – Nikka

" Oo nga! Lalo na si Jacob my loves. Yiiie! " – Joyce

" Ewan ko sa inyong dalawa! Haha. Tara na male-late pa tayo e. "

" Teka. Teka. Di ka naggwapuhan sa kanila? " – Nikka

" Sakto lang. "

" Sinungaling!! Titig na titig ka nga dun sa Micael e. " – Joyce

" Huh? Baliw. " Naramdaman ko nag-iinit yung muka ko.

" Tanggi mo pa. Di halata e. Hahaha. " – Nikka

" Ewan ko sa inyo! Tara na nga! "

Okay. Aaminin ko. Napatitig ako sa kanya kanina kase... cute siya. Ay hindi. Guwapo siya. Kaso parang masungit tas galit. Or siguro baka naingayan lang talaga samen. Yun nga siguro yun.

Micael's POV

" Oy! Ano?! Tulala ka pa rin? Hahaha. " – Si unggoy.

" Siya yung kahapon! "

" Oo. Siya yung kahapon. Haha. "

" Close kayo? "

" Hindi. "

" E ba't kayo magkausap? "

" Kahapon kinausap kita, close ba kita? "

" Hindi. "

" Oh? Anong problema dun? Pfft. Hahaha. "

Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtataka pa rin talaga ko.

" Okay. Kahapon, I saw her outside the school bago ako umuwi. I talked to her. Tulad mo, kinaibigan ko rin. Then I asked her if we could hang out. Sinabi ko rin na I'll bring friends and she could bring some of her friends too. " Ah. Yun pala yung dahilan kaya sila magkausap kahapon. Na-guilty tuloy ako bigla kase pinag-isipan ko pa siya ng masama. Okay pala talaga tong unggoy na to.

" Ah. " Yun lang nasabi ko. Grabe ah? Ang bilis ng unggoy na to.

" Tara na. Di pa ko nag-aalmusal e. Libre mo ah! Hahaha. "

" Ulupong. Magse-second subject na pagkain pa nasa isip mo? "

" Ughh! Di na ko umabot. Hayaan na nga. Mamaya ka na lang bumawing lunch. "

#TorpeWhere stories live. Discover now