Chapter 12: TORPE # 1

25 2 2
                                    


Bella's POV

" Ano-anong sa-sabi m-mo?? "

" You heard me. I am his girlfriend kaya kung ako sayo, I'll stay away. "

" Hi-hindi yan to-totoo. "

" To-to-totoo. " Sarkastikong sabi niya na ginagaya pa ang pagkautal ko. " Okay this is too dramatic. " Tumayo na siya at lumapit ng konti sakin. " Hey. Kung gusto mo pang magtagal dito, okay lang. Bayad na lahat ng kakainin mo. Ciao! "

Wala na kong nagawa kundi umiyak na lang.

" Manloloko siya. " Huling sinabi ko bago ko umalis ng restaurant.

Micael's POV

*Sa Tapat ng School*

" Hi Bro! Looks like someone's happy. " – Unggoy

" Oo pre. Nagkausap na kami ni Bella. Sinama ko siya sa zoo nung nakaraan. "

" Wow. Nakausap na niya mga kamag-anak mo?! Aww. Ang swe—Aray! Bakit ka ba namamatok?! Hahaha. "

" Wag mo sirain araw ko. Masiya ko ngayon. "

" Bakit nga kasi? "

" Hihintayin niya raw ako pre. Gusto niya rin ako! "

" Oh? Astig! Okay na pala e next chapter na! "

" Huh? Anong next chapter? "

" Wala. Hahaha. So pano? Ano nang plano mo? Kelan mo sisimulan ang panlilgaw? "

" Hindi ko alam. " Naalala ko na naman si Sheena.

" Oh? Bakit biglang lumungkot yung muk--- " Natigilan siya ng maalalang may problema pa. " Right. That Sheena girl. "

" Oo pre. "

" Hey bro. Yung Sheena nay un ba maputi? Maiksi buhok? Chinita tas may nunal sa gilid ng mata? " Nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya si Sheena?

" Kilala mo si Sheena?! "

" Hindi. "

" E pano mo nalaman yung itchura niya? "

" Ayan siya oh. Papalapit satin. " Paglingon ko sa kanan ko, nandun nga si Sheena.

" Teka pano mo nalaman na siya yan? "

" Feeling ko lang. Haha. Una na ko mukang importante yang sasabihin niyan. "

" Iiwan mo ko?! "

" Wala naman akong gagawin dito e. "

" Talagang iiwan mo ko? "

" Ano ba? Miss na miss mo ba ko? "

" Pare naman--- "

" Hi James. " – Sheena

" Hi! " – unggoy

" And you are?? "

" Leaving. Bye! " At iniwan na nga ko nung unggoy.

" Anong ginagawa mo dito? "

" I missed you too James. "

" Pwede ba Sheena?! Tigilan mo na ko! "

" Not gonna happen James. You. Are. Mine. "

" Ang kapal din naman ng muka mo! Pagkatapos mo kong pagpalit dun sa mayamang engkanto na yon sasabihin mo ngayon sayo ako? "

" I'll pretend I did not hear that. So, nasan sila mama? "

" Wala kang karapatang tawaging mama ang nanay ko. "

" You are very hospitable James. Kaya mahal na mahal kita e. "

" P*tang inang pagmamahal yan. Saksak mo sa baga mo. " Akmang aalis na ko ng pigilan niya ako sa braso.

" Kahit anong gawin mo James, akin ka. Akin ka lang! Too bad for your Isabella, she found out about us the wrong way. "

" Anong ibig mong sabihin? "

" Why don't you ask her? Hahaha. Ciao! Manong tara."

Tinatawagan ko si Bella pero hindi siya sumasagot. Sinubukan ko rin siyang puntahan sa room nila pero hindi ko siya naabutan. Sa canteen, wala rin. TInawagan ko na lang si unggoy.

" Pre. May number ka ba nung naka-braces na kaibigan ni Bella? "

" Meron bakit? "

" Pasa mo sakin. May mas malaking problema ngayon. "

" Wait. Where are you? "

" Nasa canteen ako. Palabas na ng school. "

" Okay. Let's meet outside the school. "

" Sige. " Pagkatapos ng tawag, dinial ko agad yung numerong pinasa ni unggoy. " Peste! Ayaw rin sagutin! "

" Hey dude! What's the problem? Naglalaro ako ng LOL kasama si--- "

" Alam na ni Bella yung samin ni Sheena. "

" So? What's wrong with that? "

" Kilala ko si Sheena. Alam kong iba yung sinabi niya kay Bella. "

" Tara puntahan na natin sa kanila. "

" Hindi nga sumasagot e. Baka wala yung sa kanila. "

" Trust me. Nandun yon. "

" Pano mo nalaman? "

" Feeling ko lang. Basta! Tara na! " At umalis na nga kami.

Sheena's POV

Nandito ko ngayon sa loob ng kotche ko at pinapanood kung pano mag-panic si James at yung kasama niyang si Leaving.

" Tignan natin ngayon James kung tanggapin ka pa ng babaeng yon. Sakin ka rin babagsak. Tandaan mo yan. Manong tara na. "

#TorpeWhere stories live. Discover now