Micael'POV
*Saturday*
" Brad! Ang tagal mo naman! " Bagal ng unggoy na to.
" Teka lang! Excited ka naman masiyado e! Hahaha. "
" Ano ba kasing ginagawa mo jan?! "
" Edi naghahanap ng bulaklak? Ano bang ginagaw sa flowershop?! Engot talaga! "
" Bilisan mo na nga lang jan! "
" Eto na! Eto na! Pare can I have this please? " Sabi niya sa nagtitindang... teka. Babae yung nagtitinda bakit pare tawag niya?
" Brad... babae yan bakit pare? " Bulong ko sa kanya.
" Sabi ko sayo last time diba? Hindi lahat ng nakikita mo, totoo. " Bulong rin niya.
" Oh! Hi mga pogi! Bibili kayo? " – Sabi nung tindera.
" Ay hinde. Maglalaba kame dito sa flower shop niyo. " Sagot nung unggoy na ikinainis naman nung tindera.
" Bakit mo ginanun yung babae? "
" Trust me. Hindi babae yan. "
" Pano mo nasabi? "
" You'll see. " Naguluhan naman ako sa sagot niya.
" Ilan ba bibilin niyo? " Boses ng lalaki. Pagtingin ko yung tinderang babae yung nagsalita.
" Sabi ko sayo e. " Bulong ni unggoy. Pfft! Hahahaha! " We'll take one yellow rose, one white and one red. "
" Sige PARE. Teka lang. " Talagang diniinan nung tindera--- tindero pala yung salitang PARE.
" Pfft! Hahaha. Pano mo nalaman? " Tanong ko.
" Feeling ko lang. Hahaha. " Grabe. Kakaiba talaga pakiramdam ng unggoy na to. Haha.
Maya-maya dumating na yung babae--- este. Bading pala dala yung three stems ng magkakaibang bulaklak. " PARE oh. "
" Thanks PRE! Keep the change. "
" Wala nang sukli to. " Sabi nung tindero.
" Exactly! Haha. " Kinindatan pa niya yung tindero bago kami umalis.
" Oh. " Abot niya sakin dun sa binili niyang bulaklak.
" Anong gagawin ko jan? Par! Di tayo talo! "
" Tanga! Ibigay mo kay Bella mamaya. Bobo neto. "
" Ay. Lilinawin mo agad kase. " Medyo pahiya ako konte.
" Bro, don't forget what I said last time ah? "
" Oo. Be myself. Be honest. Be komportable. "
" Pfft! Yeah. Be komportable. "
Bella's POV
*Bahay nila Joyce*
" Chups, asan na daw sila? " – Nikka
" On the way na daw e. "
" Kakain daw ba sila? " – Joyce
" Joyce, malamang pakainin natin. Bisita yon e. " – Nikka
" Sabi ko nga e. May graham naman jan. Yun na lang kainin nila. "
Habang inaantay naming yung dalawa nanood muna kami ng horror. Ewan ko ba sa mga to. Nanonood nood mga takot naman. Haha. Teka. Hala. Ayan na. Ayan na! Tumakbo ka babae! Takbo!! Ayan naaaaa!!!
*Tok!* *Tok!* *Tok!*
"Aaaaay! " Sabay-sabay na tili naming tatlo.
" Tao pooo? Joyce? Bella? "
YOU ARE READING
#Torpe
Fiksi RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!