Chapter 32: TORPE # 2

14 0 0
                                    


Shawn's POV

Pauwi na sana ko nang makita ko si Bella na tumatakbo kasama yung dalawang kaibigan niya papunta sa classroom namin. Sinundan ko sila at nakita ko si Jacob na nakahiga sa lapag. Pumutok yung labi niya. Nagulat ako at mas nagulat ako kase si Cael yung sumapak sa kanya.

" Beb! Beb! Please? Tama na! " Inawat niya si Cael.

" Bella what's this?! " Sigaw ni Jacob.

" Jacob ano ba?! Hindi ka pa rin ba aamin?! " Yung naka-braces.

" Anong aaminin ko?! " Sigaw ulit ni Jacob.

" Binigyan mo ng roses si Bella diba? Isang white, isang yellow, isang red. Diba? "

Sa narinig ko, mas nagulat ako.

" Still don't belive me? " – Freeman

Napatakbo ko sa labas. Habang tumatakbo, naalala ko yung sinabi ni Freeman sa canteen.

*Flashback*

" Anong it's happening again? " Umupo siya.

" Last year, fourth year high school ako, lagi kong nakikita si Jacob sa tapat ng school namin. Lagi siyang may inaantay na isang babae. Lagi silang sabay umuuwi. Sobrang sweet nila. Kung titingnan sila para silang magkasintahan talaga. "

" Parang? So hindi sila? "

" Makinig ka muna. Mamaya na tanong. " Natahimik naman ako. " So, ayun nga. Lagi silang nagkikita nung babae. One time narinig ko mga kaklase kong may pinag-uusapang Jacob ang pangalan. Ang sabi nila, yung babaeng laging kasama raw nung Jacob na tinutukoy nila, si Hayley, nagpakamatay. " Nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita. " Ngayon, hinahanap ng boyfriend ni Hayley si Jacob. Ang balibalita para daw gantihan. "

" Pano ka nakakasiguro na si Jacob na Jacob Villareal ang tinutukoy sa kwento? "

" Walang ibang sikat na Jacob sa school namin. "

" Pero sabi mo inaantay niya lang si Hayley sa labas ng school. Meaning, hindi siya estuyante don. "

" Hindi nga pero maraming babae ang may gusto sa kanya kaya laging talk-of-the-school si Jacob. "

" Ano daw dahilan? Bakit nagpakamatay yung babae? "

" Ang sabi nabuntis daw ni Jacob. " nagulat ulit ako. Grabe naman pala yung nangyari.

" Binuntis niya kahit may boyfriend?! "

" Yun ang sabi sa kwento. "

" Sigurado ka ba sa sinasabi mo?! "

" Wag kang maniwala kung ayaw mo. Pero yung tawag? Hindi pa ba senyales yon na dapat ka nang mag-ingat? " Napaisip ako. Oo nga. Siguro nga tama siya. " Kung ako sayo lalayuan ko na siya. " Yun lang at umalis na siya at sakto naman ang dating nila Cael at Jacob papasok ng canteen. Nakita ako ni Jacob.

" Hindi pwede to. Hindi kaya ni Jacob yon e. "

" Shawn. "

" Kim?! "

Kim's POV

*Sa School ni Shawn*

" Kim, sigurado ka na ba sa gagawin mo? "

" Oo Tel. He deserves this. Ayoko na siyang paasahin at lokohin. "

Nandito kami ngayon ni Christelle sa labas tapat ng school ni Shawn. Ngayon ko na aaminin sa kanya na hindi ko na siya mahal.

" Tama yan Kim. Don't worry. Andito lang ako sa tabi mo. " Hinawakan niya yung magkabilang braso ko at niyakap ako. Makalipas ang ilang minuto, nakita kong lumabas si Shawn. Parang naguguluhan siya. Parang may iniisip.

" Tel, mukang wrong timing ata tayo. "

" Huh? Bakit? "

" Ayun siya oh. Parang... problemado. "

Palapit na sana kami nang magsalita si Shawn.

" Hindi pwede to. Hindi kaya ni Jacob yon e. " Nagulat kami. Alam na niya?

" Shawn. " Kinakabahang tawag ko sa kanya.

" Kim?! " Halatang gulat na gulat siya. Maya-maya, tumakbo siya at niyakap ako. " Kim?! Ikaw ba talaga yan? "

" O-oo. Shawn. A-ako nga to. "

" Wow. Grabe. Anong ginagawa mo dito?! Anlayo ng Bulacan! May klase ka ngayon diba? "

" Shawn. Kailangan natin mag-usap. " Natigilan siya.

" O-okay. " Pilit ang ngiting sabi niya.

" Tel... "

" It's okay. I'll be there. " Turo niya sa isang puno. Tapos umalis na siya.

" Sh-shawn... "

" Kim... si Jacob ba? " Nakayukong sabi niya.

" O-oo Shawn. " Naiyak na ko. " So-sorry Shawn. "

" Okay lang Kim. " Sabi niya pero halata yung galit sa boses niya.

" Shawn, gusto kong malaman mo na hindi kasama sa plano namin to-- "

" Plano?? Pinagplanuhan niyo to?! Matagal na kayong nagkakausap?! " Napalakas yung boses niya kaya napatingin samin yung gwardiya sa tapat ng school nila.

" Anong nangyayari jan? Ayos lang ba kayo jan? "

" O-opo sir. " Sabi ko. Inikot ko yung mata ko at nang makita ko yung parking lot, hinila ko siya papunta don.

" Kelan pa? " Tanong niya pagkarating namin.

" Matagal na. Look Shawn—"

" Okay na Kim. Okay na. Umalis ka na. "

" Pero—"

" Kim umalis ka na! " Wala na kong nagawa at umalis na nga ko.


#TorpeWhere stories live. Discover now