Chapter 1: TORPE # 1

99 5 0
                                    


Micael's POV

" Micaeeeeel! "

" Po? "

" Anong po?! Anong oras na?! Bumangon ka na jan at male-late ka na! "

" Teka lang Ma. Paunahin mo na muna si Faye maligo. "

" Anong paunahin si Faye? Kanina pa wala yung mga kapatid mo! First day na first day late ka! Ano ka ba namang bata ka?! Bumangon ka na jan! "

" Ughh! Eto na po. Babangon na. " Pag bangon ko, saktong napalingon ako sa orasan.

" Putcha! Alas 8 na! " Nagmadali na lang akong maligo at nag-ayos sabay takbo. Mag-aalas nueve na ko natapos mag-ayos. Malayu layo pa naman yung sakayan mula dito samin. Bakit kasi sumama sama pa ko sa mga ugok kong pinsan kagabi e? Haaay! Badtrip! Sinabayan ba ng traffic!

Magsisimula na second subject ng napansin kong nakatingin tong tukmol na katabi ko sakin.

" Hi! " Sabi nung tukmol na nakangiti pa. Tiningnan ko lang siya.

" Ako nga pala si Jacob. Anong pangalan mo? " Hindi ba marunong makaramdam tong taong to na ayaw ko siyang kausapin?

" Alam mo bang nakakabaho ng hininga ang hindi pagsasalita ng matagal? "

" Huh? " Baliw ba to?

" Yeah. Kase tingin ko yun yung buong araw mong gagawin e. I know your type. I mean, ikaw yung taong parang galit sa mundo kase may nangyari sa past mo na ayaw mong pag-usapan kase sobrang private at yung magiging girlfriend mo lang ang makakaalam. "

" Andami mong sinasabi. Makinig ka na lang. "

" Ayoko kasi mapanis laway ko e. Tutal wala naman din tayong gagawin dahil first day at wala namang sasabihin yung prof natin na hindi pa nasasabi nung prof kanina e. All their rules and regulations? Parepareho lang naman. Mabuburyo ka lang. "

" Absent ako kanina. Hindi ko alam yung mga sasabihin niya. Gusto ko makinig. "

" Weh? Haha. Pupusta ko bente hindi ka makikinig! "

" Bahala ka sa buhay mo. "

" Okay! " Hay salamat. Natapos din.

Maya-maya pumasok na yung prof. Napahikab ako. Aga-aga inaantok na naman ako. Mukang tama nga tong mokong na to ah? Boring nga.

" Sabi sayo boring e. Hahaha. " Huh? Napakunot noo ako. Kanina pa ba to nakatingin sakin?

" Brad. Wag kang assuming. Di kita type. Di tayo talo. Hahaha. " Nababasa niya utak ko? Wirdo.

" Hindi ko nababasa utak mo. Wag ka mag-alala. Yung reaksyon mo kase. People are easy to read you know? " Ah. Kaya pala. Tumingin na lang ulit ako sa board.

" Hey bro. Kilala mo ba yung babaeng naka-blue dress na katabi nung babaeng naka-pony tail? "

Tiningnan ko yung tinuturo niya. " Hindi. Bakit? "

" Huh? Wala lang. She seems in to you. I mean, she likes you. "

" Pano mo naman nasabi? "

" Hindi naman ako siguradong sigurado. Sigurado lang. Haha. "

" Wirdo mo. "

" I know. Hahaha. " Tumingin na siya sa board.

Maya-maya napahikab na naman ako. Kausapin ko na nga lang tong mokong na to. " Saang bansa ka galing? "

" Huh? Panong saang bansa galing? "

" Kanina ka pa kasi English ng English e. "

" Ah. Hahaha. Sorry. Hindi ako foreigner kung yun yung tinatanong mo. My parents are both Filipinos. "

#TorpeWhere stories live. Discover now