Sheena's POV
*Sa Mansyon*
" Mam! Mam Sheena! May mga pulis po sa baba hinahanap ko ang mama at papa niyo."
" What?! Bakit daw?! "
" Hindi ko ho alam. Mabuti pa ho bumaba kayo. "
Pagbaba ko, nakita ko si mama at papa sa sala. Sumilip ako sa labas. May mga pulis nga sa labas ng gate namin.
" Anak, patawarin mo kami ng papa mo. Oscar only wanted what's best for us. " Si Papa Oscar ang aking stepdad.
" What are you talking about mom? "
" Yung mga pulis sa labas, sigurado akong pumunta sila dito para hulihin na kami. "
" It can't be mom! Tagung-tago ang business niyo ni Papa Oscar! It's like under the underground market! " Naiyak na ko.
" Well, I guess it is not so deep afterall. " – Si Leaving.
" Ikaw?! "
" Mrs. Mercedes Smith and Mr. Oscar Smith, you are both under arrest for selling smuggled and stolen vehicles. " Sabi nung pulis.
" Anak. Anak patawarin mo ako anak. "
" Wait! Wag niyong hawakan ang mommy ko! Wala silang kasalanan! " Sabi ko sa pulis ngunit hindi sila nakikinig. Isinakay na nila si mama at papa Oscar.
" Ikaw?! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Magbabayad ka sa ginawa mo!! " Sinugod ko siya pero mas malakas siya sakin. Niyakap niya ko at inikot patalikod sa kanya. Ang nagsalita malapit sa tenga ko.
" I've told you to stay away pero anong ginawa mo? Pati ako siniraan mo sa mga kaibigan ko? Pathetic. Dahil feeling mo nasa teleserye ka at ikaw yung kontrabida, ayan na. Pinagbigyan na kita. Payback's a bitch. " Pagkatapos non ay tinulak niya ko at sumakay na siya sa police car.
" Hayop ka! Magbabayad ka! " Umiiyak na sigaw ko. " Magbabayad ka Jacob! Magbabayad ka! "
Micael's POV
*Sa Bahay*
" Kuya! Kuya! Si Ate Sheena pati yung classmate mong pogi nasa TV bilis! " Tawag sakin ni Faye.
" Mag-asawang Oscar at Mercedes Smith hinuli ng mga awtoridad sa salang pagbebenta ng mga nakaw na sasakay... " Biglang tumunog ang phone ko. Si Bella.
" Beb, napanood mo ba yung balita? "
" Oo. Pinanonood ko siya ngayon. "
" Bakit nandon si Jacob? "
" Hindi ko rin alam Beb. Hindi ko rin alam. " Tapos pinindot ko na yung end button.
Pagkatapos kong mapanood yung balita, agad kong tinawagan si Jacob pero hindi siya sumasagot. Balak ko sana siyang puntahan pero naalala kong kahit kelan pala'y hindi niya nabanggit sakin kung san sila nakatira. Wala na kong choice kundi antayin ang kinabukasan para sa school ko na lang siya kausapin.
*Kinabukasan*
" Beb, ano? Nakausap mo ba? "
" Hindi siya pumasok e. "
" Pano yan? "
" Tingin mo ba galit pa yon? "
" Hindi ko alam Beb. Sana hindi na. "
" Sana nga. " Niyakap ko siya at saka hinalikan sa ulo.
" Aww. How sweet! "
" Jacob?! " Sigaw ni Bella. Ako, nakatingin lang sa kanya.
" Wala nang iba. " Nakangiting sabi niya.
" Jacob, sorry. Sorry kase pinagbintangan ka-- "
" Okay na yon. Haha. You! Seriously man! Stop staring! It freaks me out! " Sigaw niya sakin.
Natawa ako. " Sorry pre. "
" Like I said, okay na yon. "
" Teka, yung sa TV? " – Bella
" Oh! Oo nga pala! " Yumuko siya tapos tumingin samin at nagsalita. " Saan yung angle na mas gwapo ako? Sa kanan ba o sa kaliwa? "
Natawa kami ni Bella. " Siraulo! " Sabi ko.
" Seryoso na nga kasi Jaake. Ano nga yon?? " – Bella
" Okay. Okay. Ikkwento ko na. "
Nakatingin kami ni Bella sa kanya. " Ano na? "
" Ay ngayon na ba? "
" Tss! Dali na!! "
" Oo na. Oo na. Ganito kasi yon. Remember last time Cael nung sinabi mong bumalik si Sheena? I asked you about Sheena with her details. "
" Oo. Sa tapat ng bahay naming yon nung pumunta siya. "
" Nung paparating siya non, napansin ko yung lalaking kasama niya. "
" Yung driver nila. "
" Oh. No. Hindi niya basta driver yon. Kapatid niya yon. "
" Huh? "
" That man is Jaime Hidalgo Jr. anak ni Mercedes Hidalgo at Jaime Hidalgo Sr. Of course. Wanted yon. "
" Pano mo naman nalaman yon? " – Bella
" Feeling niya lang! " Sabi ko.
" Tungaw. Hindi. Haha. I watch news din naman siyempre. So ayun nga. After asking diba umalis agad ako? Nagpunta ko sa computer shop to check. Tapos nalaman ko na wanted pa rin nga siya then I also googled his mom. Kaka-research ko, nalaman ko rin yung dahilan ng break up niyo ni Sheena. " Tiningnan niya ko na parang nagpapaalam kung sasabihin niya bas a harap ni Bella. Tumango ako.
" Sumama siya sa isang lalaki dati at sinama siya sa ibang bansa. Yung lalaking yon, akala mo other man niya pero hindi. Yung sumundo sa kanya, ayun nga. Si Jaime nga. Pinasundo siya ng mama niya nung nalaman na dito siya nakatira sa inyo.
" Dating nasa ampunan si Sheena. Inampon siya ng mag-asawang di magkaanak. Sina Mr. Richard and Mrs Celine Francisco. Parehon Pilipino. That day na pumunta siya sa inyo para hanapin ang nanay niya, nakatanggap na siya ng sulat non. Lumayas siya sa Francisco Family kasi mahirap lang yung dalawa. "
" Grabe. Nalaman mo lahat yan?? "
" Well, I have resources. " Kumindat pang sabi niya.
" Pero teka. Ano ngang ginagawa mo sa TV? "
" Ah yon? Nalaman ko rin kasi na alam na ng mga pulis kung saan nagtatago yung mag-anak. E tutal naman drama queen si Sheena, pinagbigyan ko siya. Kunyari ako nagsumbong sa mga pulis tungkol sa pamilya niya. "
" HAHAHAHAHA! " Natawa kami ni Bella.
" Hindi ka man lang ba natakot na baka gantihan ka ni Sheena? " - Bella
" Hindi. Haha. She tried to threaten me nga e kaso engot siya. Nadala siya sa pananakot ko. Edi talo siya. Hahahaha. "
" Grabe! Lagi mong papaalala sakin na wag kang gagalitin ah? " Biro ko.
" Sinapak mo nga ko e! Actually, pareho kayo! "
" Sorry na nga diba? Haha. "
" Pasalamat ka mabait ako. Haha. "
" Ehem. Ge na lang. "
" Wag ka nang kumontraaa. Haha. Ano? Di pa ba tapos to? Gutom na ko e. "
" PG talaga! " Sabi ko.
" E ang dami niyo kayang pinakwento sakin! "
" Oo na. Oo na. "
" Libre niyo ah?! Gusto ko manok! "

YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!