Micael's POV
Nag-text si Bella na papunta na siya sa meeting place nila ng classmates niya at nagpasalamat siya sa pagtawag ko raw kay Jacob.
" Huh? Tinawagan ko si Jacob? " Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
" Ku-kuya! Ma-may bisita ka-ka! "
" Sabihin mo teka lang. Bababa na! " Sino kaya yun?
" Hi James! "
Anak ng—" Ano na namang ginagawa mo dito?! "
" Why? Can't I visit my family? "
" Wala kang pamilya dito! Umalis ka na! "
" Look! James! I'm sorry! I'm sorry if I left you. Mahal na mahal kita! " Nilapitan niya ko at niyakap.
" Saksak mo sa baga mo yang pagmamahal mo! "
" Ano bang gusto mong gawin ko para mahalin mo ulit ako?! "
" Wala dahil hindi na kita mamahalin. May mahal na ko. Kaya pwede ba?! Tigilan mo na kami! "
" Sino? Yung girlfriend mong nilalandi ng best friend ng bayan? "
" Anong pinagsasasabi mo? "
" So hindi mo pala alam? " Nakangising sabi niya. " Try to observe James. "
" Ano bang pinagsasasabi mo?! Ano na namang kasinungalingan to?! "
" I am not lying James. Your best friend is inlove with your girlfriend. " Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pwede yon. Hindi ganon si Jacob. " Tell me James. How well do you know this... Jacob? Do you even know where he lives? Kahit kelan ba dinala ka na niya sa kanila to meet his family? "
" Umalis ka na. "
Tumawa siya. " Trust me James. You have a snake in the group and kanina? Sinumulan na niyang agawin ang girlfriend mo. " Natigilan ako. " Oh! You didn't know again? Haha. Your best friend went to the mall with your girlfriend. " Tinalikuran ko siya.
" Umalis ka na Sheena bago pa kita kaladkarin palabas. "
" SIge James! Magbulag bulagan ka! Pagkatiwalaan mo yung taong hindi mo naman gaanong kilala! "
" Umalis ka na sabi e! " Hinarap ko siya at inambahan ng suntok.
" What? You're gonna punch me? Do it. "
" Umalis ka na Sheena please?! "
" Okay! Pero sinasabi ko sayo. Bantayan mo ang girlfriend mo. " Yun lang at umalis na siya.
Sa sobrang inis, sinuntok ko yung pinto ng kwarto ko tapos huminga ko ng malalim.
" Hindi yon totoo. Hindi gagawin ni Jacob sakin yon. "
Bella's POV
Pauwi na ko nang may matanggap akong text mula kang Jacob.
Hey B! Thanks pala kanina. I enjoyed a lot plus I love this new shoes! Ang ganda talaga! Haha. Yun lang. Ingat!
Ni-reply-an ko naman siya.
You're welcome. Thank you rin sa pagsama.
" Ang babaw talaga. Haha. " Bulong ko sa sarili ko.
Pagpasok ko, napansin kong may paper bag sa likod ng gate namin. Kaparehas ng paper bag na dala ni Jacob kanina. Pagbukas ko nagulat ako sa laman.
" Eto yung dress na nakita ko sa mall kanina! " May note pa kong nakita.

YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!