Chapter 19: TORPE # 1

26 1 0
                                    


Bella's POV

" Good morning Philippines! " Sigaw ko pagbangon ko.

" Good morning anak. Mukang masigla ka ngayon ah? " – Papa

" E wala lang po. Haha. Trip ko lang sumigaw ng good morning Philippines. Haha. "

" Nako ka talagang bata ka. " Napapailing na sabi ni papa. " Oh. Kumain ka na. " Inabutan niya ko ng sandwich.

" Thanks pa! Pa, may tanong pala ko. "

" Ano yon? "

" Si Micael po, alam niyo po ba kung ano ko siya? "

Natawa si papa. " Kung gusto mo malaman kung aprub ako sa kanya, oo anak. Aprub ako. Pero parang mas okay sakin si Jacob, anak. "

" Si Jacob po? " Natawa ko ng malakas. " HAHAHAHA! "

" Oh? Bakit ka natatawa? "

" Wala lang po. Haha. Hindi ko po kasi maisip na magiging kami ni Jacob. " Natatawa pa ring sabi ko.

" Bakit naman? Mabait na bata naman siya. "

" Kung bait ang pag-uusapan papa, nako! Lahat ng babae ginahasa na si Jacob. Pero pa, hindi talaga e. Haha. "

" Hindi ko naman siya ipinipilit sayo anak. Alam ko naman na mahal mo si Micael. Nakwento na ni Jacob sakin ang istorya nyo. "

" Ang daldal talaga non! Haha. "

" Nagtanong kasi ako anak. Haha. Nakakatuwa nga talaga ang batang yun e. Napakagaling magpayo. "

" Pinayuhan niya kayo? "

Natawa si papa. " Nakakahiya mang aminin anak pero oo. Humingi ako ng payo sa isang disisiyete anyos na bata. Haha. Siya ang naging parang kumpare ko. "

" Grabe. Ang galing pala talaga ni Jacob. "

" Oo anak. Pero kung si Micael talaga ang mahal mo, okay siya sakin. Okay sakin kahit sino anak basta masaya ka. "

" Salamat po Pa! " Niyakap ko si papa. " Nga pala Pa, aalis pala kami ni Nikka mamaya. Pupunta kaming mall. Maggagala lang. "

" May pera ka ba? "

" Nako Nicolas, ini-spoiled mo yang anak mo ah! " Biglang dating si mama.

" Hindi naman sa ganon. Pambawi ko lang sa labindalawang taon kong pagkawala. "

" Ano ka ba Pa? Sabi ko diba okay na yon? Wag mo na parusahan sarili mo. "

" Hayaan mo na anak. Dito lang magiging maluwag ang kalooban ko. " Kumuha siya ng pera. " Oh. Kasya na ba ito pang-shopping mo? "

" Joke ka ba Pa?! Ang laki kaya nito! " Nagdalawang isip pa muna ko at tumingin kay mama. Nang tumango siya, ngumiti ako at niyakap si papa. " Thanks Pa! "

Nang matapos kaming kumain ay nag-ayos na ko. Tinawagan ko na rin si Nikka.

" Chups? Asan ka na? "

" Chups! Di na ko makakasama. Nasa Makati kami ni mama. "

" Anong ginagawa mo jan? "

" E nagpasama si mama e. "

" Sige. Try ko na lang ayain si Joyce. "

" Sige Chups! Sorry! "

" Okay lang. ingat kayo. Bye! " Pagbaba ko, tinawagan ko agad si Joyce.

" Joyce? "

#TorpeWhere stories live. Discover now