Christelle's POV
*School*
Katatapos lang ng second subject namin. Palabas na kami ni Kim ng classroom nang biglang tumawag si Shawn.
" Hi! " Masiglang bati niya.
" Hi! "
" Kamusta? Haha. "
Nakita kong nakatingin si Kim. " O-okay na-naman. Ha-ha. " Alanganin pang tawa ko.
" Sure kang okay ka lang? "
" O-oo naman. Uy! Mamaya ka na tumawag. May klase pa kasi kami e. "
" Ay. Ganun ba? " Medyo nalungkot na sabi niya. " Sige. Text na lang. Haha. " Biglang sumiglang sabi niya.
" Okay. " Tapos binaba ko na.
" Sino yung Tel? " – Kim
" Ah. Wa-wala. Yung lalaking c-criminology lang yon. " Pagsisinungaling ko.
" Yung kumuha ng number mo last week?! " Gulat na sabi ni Kim.
" O-oo. "
" Ine-entertain mo yon? Ayan Christelle ah?! Di mo sinasabi sakin lumalandi ka na. Hahaha. " Biro pa ni Kim.
" Baliw hindi. Haha. " Sabi ko na natatawa.
" Okay. Sabi mo e. Haha. "
Habang naglalakad, pasulyap sulyap ako kay Kim. Hindi ko alam pero pakiramdam ko mali. Mali na pinaglilihiman ko siya, pero mali rin naman na nagkakausap kami ni Shawn. Pakiramdam ko tinatraydor ko siya. Haaaay. Sorry Kim...
Shawn's POV
*Sa canteen*
Magkakasama kami ngayon nila Jacob sa canteen. Ang saya lang. Okay na kami. He forgave us that easily. Ngayon, tuwang tuwa siyang kumakain ng manok at may softdrinks siya. Parang bata.
" Jake! Dahan-dahan lang! Walang aagaw sayo niyan! Haha. " Biro ni Bella.
" Awoko nga. " Sabi niyang may laman pa ang bibig. " Minsam ma nga lang kawo manlibre e. " Halos di namin siya maintindihan. Nagkatawanan na naman kami.
" Tama lang yan Beb. Ngayon lang yan di na mauulit. Haha. "
Lumunok muna si Jacob bago nagsalita. " Aba dapat lang! Sakit kaya sa muka! Kayong tatlo kumo-quota na kayo sa sapak! Haha. "
" Sorry na nga e. Haha. " Sabi ko. " Jacob bakit ang bilis? "
" Ang bilis ng? " Nagtatakang tanong niya.
" Pagpapatawad mo. "
" Ah. Haha. " Natatawang sabi niya. " Kapag sumabit ang damit mo't nagkabutas anong gagawin mo? "
" Ah? Itatapon? " Nagtatakang tanong ko.
Natawa naman siya. " Grabe ka! Yaman niyo pala! Haha. "
" Hindi ah! Haha. " Natatawang sabi ko na ulit. " Ano bang konek ng sinsabi mo? "
" Wala ba? Hahaha. " Natawa na kaming lahat.
" Baliw ka talaga. "
" Wirdo. " – Cael
Tinawanan lang kami ni Jacob tapos kumindat. Maya-maya naalala ko yung nasa TV kahapon.
" Jacob bakit ka nga pala nasa TV kahapon? "
" Pogi ko kasi e. Hahaha. "
" Kapal mo. Bakit nga?? "
" Cael kwento mo na. Kumakain ako e. "
" Bakit di ikaw? "
" Kumakain nga kasi ako.
" Kumakain rin ako. "
" Mas marami yung kinakain ko. "
Huminga nang malalim si Cael tapos humarap sakin tapos nagkwento na. Tawa ko ng tawa pagkatapos.
" Seryoso Jacob?! Hahaha. Grabe! Lagi mong papaalala sakin na wag kang gagalitin ah?! " Biro ko.
" Yan mismo yungsinabi ko sa kanya. Hahaha. " Tumatawang sabi ni Cael. Nagkatawanan kami.
" Ang cute niyong dalawa. " Bigla kaming napatingin kay Jacob.
" Huh? " Sabay na sabi naming ni Cael.
Natawa si Jacob. " Tignan niyo. Sabay na kayo kumakain. Nagkakatawanan na kayo. Friends na kayo! "
Nagkatinginan kami ni Cael. Nag-iisip rin siya.
" Over the last 2 months ang hirap niyo kayang pagsabayin. I mean, kaibigan ko si Cael. Kaibigan kita. "
" Pero hindi kayo magkaibigan dalawa. " Dugtong ni Bella.
" Exactly! " Sabi ulit ni Cael. " Magkakaklase tayo pero mas madalas na nagbabangayan kayo kapag nag-uusap kayo. "
" Napapansin mo pa yon? " – Cael
" I have eyes and ears you know. " Nakangiting sagot ni Jacob.
Napatingin ako kay Cael ulit. Tama si Jacob. Tama na naman siya. Magkaibigan sila, magkaibigan kami pero hindi kami magkaibigan ni Cael. Haha. Madalas pa kaming magsagutan.
" Okay! Ngayon, friends na kayo. Tropa na tayo! Astig! " Sabi ni Jacob. " Right Shawn? " Tumango ako. " Cael? " Tumango rin siya tapos nagkangitian kami. " Good! Haha. Salamat naman at hindi niyo na ko pahihirapan. "
Nagkwentuhan pa kami bago naming maisipang bumalik ng kanya-kanyang classroom. Naalala ko si Christelle. Oo nga pala tatawagan ko nga pala siya kapag nagkaron na ng balita kay Jacob.
" Hi! " Masiglang bati ko.
" Hi! " Sabi niya.
" Kamusta? Haha. "
" O-okay na-naman. Ha-ha. " Utal-utal na sabi niya.
" Sure kang okay ka lang? " Paniniguro ko.
" O-oo naman. Uy! Mamaya ka na tumawag. May klase pa kasi kami e. "
" Ay. Ganun ba? " Medyo na-disappoint ako pero pinasigla ko ulit boses ko. " Sige. Text na lang. Haha. "
" Okay. " Tapos binaba na niya. Nakatingin lang ako sa phone ko.
" Hey Bro! Okay ka lang? " – Jacob. Nauuna si Bella at Cael.
" Yeah. Why? "
" Muka kang nalugi e. Haha. "
" Hindi. Si Christelle kasi. "
" Christelle? " Parang may inaalalang sabi niya. " Yung kaibigan ni Kim? "
" Oo. "
" Oh? What about her? "
" Parang di siya okay. " Natigilan siya sa sagot ko.
" Hey bro? How's Kim? " Nagtaka naman ako sa tanong niya.
" Huh? Ewan ko e. " Nakatingin lang siya sakin.
" Ikaw? Kamusta ka? "
" Okay naman. Bakit? Haha. " Natatawang sabi ko. " Sabog ka ba? Kanina pa tayo magkausap. "
" Wala lang! Masama ba mangamusta? Haha. " Natatawang sabi niya. " Yung lola mo kamusta? Yung ate mo? Kung kuya mo? Mama mo? Papa mo? Kamusta chairman niyo? "
Natawa ako. " Baliw ka talaga! "
" To naman. Dali na. Sagutin mo na! kamusta sila? " Seryosong sabi niya. Seryoso siya?
Bigla siyang tumawa. " Tanga. Siyempre joke lang yon. Hahaha. Tara na! Bagal mo! " Tapos hinatak niya na ko pasabay kila Bella.

YOU ARE READING
#Torpe
Fiksi RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!