Sheena's POV
I am currently here outside James' cheap school. Inaantay ko siyang lumabas like I always do everyday. Lagi ko siyang inaantay umuwi. Humahanap ako ng tiyempo para paghiwalayin sila ng malanding babaeng yon. Tulad ngayon. Nakita ko na naman siya. Kasama niya yung babae. Magka-holding hands pa!
" Bwisit! Hindi pwede to! Akin lang si James! Akin lang siya! "
" Hi Princess! " –Si Leaving
" Ah!! " Tili ko. " Ano na namang masamang balita ang dala mo?! "
" Woah! Chill ka lang jan. I am here to inform you na you can never break those two up. "
" Manahimik ka! "
" Wala ka pa rin bang tiwala sa mga sinasabi ko? Haha. Remember last time we talked? Tama naman ako diba? "
Naalala ko yung pag-uusap namin.
*Flashback*
Nandito ko ngayon sa sasakyan. Nakikita ko si James sa tapat ng pipitchuging school nila. May inaantay siya. Palabas na sana ko nang biglang may nagbukas ng kabilang pinto at pumasok.
" Hi princess! "
" Anong ginagawa mo dito?! "
" Funny. I was about to ask you the same thing. "
" Wala kang pakialam. "
" Actually, meron. As long as pinakikialaman mo mga kaibigan ko, pakikialaman ko rin buhay mo. Trust me girl. Mas masama akong magalit. "
" Wala akong pakialam sayo. Lumabas ka na ng kotche ko! "
" Oh? This is your car? Sure ka ba? "
Kinabahan ako. May alam ba tong lalaking to?
" Anong ibig mong sabihin?! Malamang akin to. "
" Sure! Haha. " Pero halatang di siya naniniwala. " Look princess. Kahit anong gawin mo, huli ka na. Nakikita mo si Cael? "
" James! James ang pangalan niya! "
" Whatever princess. As of this moment inaantay niyang lumabas si Bella... na GIRLFRIEND niya. " Diniinan pa talaga yung word na girlfriend.
" What?! Gi-girlfriend?! It can't be! "
" Wanna bet? Haha. "
" Hindi ako naniniwala sayo. "
" Wag ka maniwala kung ayaw mo. Pero sinasabi ko lang sayo yung alam ko kaya kung ako sayo, lubayan mo na sila. Okay? Ciao! " Pagsabi non ay lumabas na siya ng kotche at kumatok sa bintana na binuksan ko naman. " And btw, if you ever tried to break those two up again, you could kiss this car of... YOURS... " Tiningnan at himimas niya yung kotche at tumingin ulit sakin. "...goodbye. " Kumindat pa muna bago siya umalis at pumasok sa school nila.
" Argh! Buwisit! " Tiningnan ko ulit si James at wala pa rin siyang kasama. Hindi siya nilapitan nung demonyong lalaki. " Manong wait here. I'll be back. " Lumabas ako ng kotche at nilapitan si James.
" Hey! Princess! "
" Ano ba?! "
" Flashback much?! Haha. "
" What do you want?! "
" I want you to stay away from them. "
" Hoy! Mister! Kung akala mo natatakot ako sayo, nagkakamali ka. Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo. " Pananakot ko sa kanya.
YOU ARE READING
#Torpe
Novela JuvenilThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!