Shawn's POV
*Sa Bahay*
" Oh? Christian? Kamusta ang first day? " Sabi ng lola ko.
" Mamaya na natin yan pag-usapan Nay. " Dumiretcho ako sa kusina. Paglabas ko may dala na kong platong puno ng pagkain.
Hindi na nabigla lola ko nang makita ako. " May nangyari ba sa eskwela mo? "
" Wala naman Nay. " Pagsisinungaling ko. Hindi na naman niya kailangan malaman pa yung pagkapahiya ko.
" Nagkaron ka ba ng mga kaibigan? "
Nag-isip ako. Naalala ko si tingting. " Ahm... opo. "
" Aba'y mabuti naman at nang hindi lang pagkain ang laging kausap mo. "
" Nanay naman. Ang sarap kaya kumain! "
Natawa si lola. " Nako kang bata ka. Kaya hindi ka pumapayat e. "
" Nay, hindi ko ho kailangang pumayat. Mas masarap kumain kaysa magpapayat. "
" Aba'y pano ka makakahanap ng gelpren niyan? " Natigilan ako sa sinabi ni nanay.
" Nay, kakapasok ko lang girlfriend agad iniisip niyo? " Natawa ulit si nanay tas pumasok sa kwarto. Maya-maya pumasok naman si Kuya JayJay.
" Shawn, tumawag si Daddy. Tinatanong kung ayos daw ba first day. "
" First day? Kuya, late enrollee ako. Nagsimula na first day last week pa. "
" Tanga. First day mo kinakamusta hindi naman sa mga kaklase mo e. " Ay. Oo nga.
" Okay naman. " Sabi ko na lang.
" Mabuti naman. " Tinitigan niya ko.
" Oh? Bakit? " Tanong ko.
" Magpapayat ka nga! Nakikita mo ba yang tiyan mo?! " Sabay turo niya sa tiyan ko.
" Oh? Anong meron? "
" TABA SHAWN! MARAMING TABA! " Sigaw ni kuyang natatawa.
" Kala mo siya ang payat. " Ganting asar ko.
" Hoy. Kahit malaki ako, may girlfriend ako. E ikaw? "
" Sino naman nagsabing wala akong girlfriend? " Natigilan siya.
Binato ko niya ko ng unan. " Bakit hindi mo pinapakilala dito?! "
" E magulo pa. "
" Panong magulo? "
" Basta! Matulog ka na nga don! " Mangungulit pa sana siya nang lumabas galing sa kwarto si lola.
" JayJay tigilan mo na yang kapatid mo. Magpahinga ka na't pagod ka galing sa trabaho. Nakaayos na higaan mo. "
" Salamat Nay. " Sabi ni kuya at pumasok na sa kwarto.
" Christian, yung selpon mo kanina pa natunog! Kunin mo nga. " Ay oo nga pala! Lagot!
" Sige Nay. Salamat po. " Dali-dali akong pumasok sa kwarto para kunin phone ko.
" Patay. " Bulong ko. Andaming text.
Mahal nakauwi ka na?
Mahal?
Mahal sabi mo magte-text ka kapag nakauwi ka na?
Nakauwi ka na ba mahal? Mag-reply ka naman oh. Nag-aalala na ko e.
Marami pang text pero hindi ko na binasa. Nag-reply na agad ako.
Mahal, pasensiya na. Opo nakauwi na ko.
Okay lang. Patay. Galit to.
Galit ka mahal?
Hindi.
Sorry na mahal. Naiwan ko kasi sa kwarto phone ko.
Okay nga lang. Matutulog na ko.
Sige mahal. Goodnight.
Nyt.
Patay na. Nakalimutan ko kasi phone ko dahil sa gutom e. Bahala na nga. Babawi na lang ako bukas.
*Kinabukasan*
Good morning mahal. Sorry pala kagabi ah?
Hindi siya nag-reply. Baka tulog pa to. Naligo na ko at nag-aayos. Pagtingin ko sa phone ko wala pa ring message.
Mahal, papasok na ko ah? Ingat ka rin sa pagpasok ah?
Hindi pa rin nag-reply. Galit pa rin yata.
Pagdating ko sa school, kakaunti pa lang ang tao. First subject kasi. Nandito na yung sulsol na tingting pero si Jacob wala pa.
Maya-maya dumating na yung prof. Dumating na rin si Jacob. Halos kasabay lang ng prof.
" Uy! Pre. Dito tayo. " Bulong niya sakin. Pinapalipat ako sa kabilang tabi niya.
" Hindi na. Sige. Dito na lang ako. "
Narinig kong nagsalita yung sulsol. " Tropa na kayo? "
" Oo. Haha. " – Jacob
" Bilis ah! Kahapon lang halos lamunin ka niyan. Haha. "
" Kasalanan ko naman kasi. Plus, LOL player din siya. " Masigla ngunit masiglang sabi ni Jacob.
" Wala kong paki sa kanya. Laki ng tiyan niya. "
" Kelan ka pa naging mapili sa kaibigan? "
Humarap ako sa kanila. " Nandito lang ako sa harap niyo at naririnig ko kayo. Alam niyo naman siguro yun no? "
" Sorry. " Sabi ni Jacob na naka-peace pa tapos humarap na ulit ako sa board.
Maya-maya napansin ko tong katabi ko. Ang sama ng tingin sakin.
" Bakit? " Ngumisi lang siya tapos humarap na sa board. Wirdo neto.
![](https://img.wattpad.com/cover/68214042-288-k379848.jpg)
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!