Kim's POV
Pagkatapos kong tanguan si Jacob, dumiretcho na ko sa labas ng mall. Hindi ko na sila tiningnan pa baka kasi yakapin ko si Christelle at mag-sorry e. Masira lang yung plano. Next time na ko magso-sorry sa kanya kapag okay na sila ni Shawn. Besides, we're doing it for them naman.
Sasakay na sana ko nang jeep pauwi nang tumunog phone ko. Si Jacob, tumatawag.
" Hey Kimmy, where are you? " Matamlay na tanong ni Jacob. This is a first.
" Ahm.. pauwi na ko. Bakit? "
Huminga muna siya nang malalim. " Pwede wag ka muna umuwi? " Napaisip ako sa tanong niya. Na-curious tuloy ako sa nangyari. Fail kaya? Malungkot si Jacob e.
" Sure. Nasan ka? "
" I actually don't know. When Shawn.. " Huminga ulit siya nang malalim. Problemado nga.
" Hey. What happened? Wait for me. Puntahan kita. Anong nakikita mo sa paligid? "
" I can see a store. A gasoline station... karinderyas... tapos-- "
" Ah! Nasa likod ka. Wait mo ko jan. " Tapos binaba ko na.
Makalipas ang ilang minuto nakita ko siyang nakaupo sa gutter. Nakayuko. Pinaglalaruan yung maliliit na bato sa paanan niya.
" Jacob? Anong nangyari? " Sabi ko pagkalapit ko.
" I'm stupid Kim. I'm very stupid. "
" Huh?! Bakit? Ano ba nangya—"
" Can you take me somewhere? Somewhere... " Tumingin siya sa paligid. " ...quiet? " Nabigla ako sa sinabi niya. I never thought Jacob and the word quiet would match.
" S-sure. Tara " Yaya ko sa kanya.
Dinala ko siya sa playground malapit sa school namin. Tahimik siya buong oras ng pagpunta namin dito.
" Hey. Jacob. " Tawag ko sa kanya. " Magsalita ka. You being quiet... it's just not... normal. "
Natawa siya nang bahagya. " Sorry. Haha. It's just that... I hate what I did. I just feel so stupid right now. I'm so stupid thinking that that plan would work. Nasaktan ko lang si Christelle. Mas nakasakit ako kesa sa nakapagpasaya ng tao. "
" Why? Jacob? What happened back there? "
" The plan failed. Shawn figured it out and now... he hates me. Christelle surely hates me more though. "
" We don't know that. Malay mo okay naman sila?? Pano ka nakakasigurong failure nga nangyari?? "
" I don't know. I just walked straight with no specific destination the moment Shawn told me to leave. "
" Well, that explains why you were at the back of SM kanina. " Sabi ko. " Pero anyway, ayun nga. Sabi mo umalis ka agad. So pano ka nga nakakasiguro na fail nga? "
" I don't know Kim. It just feels wrong. Feeling ko lang failed. "
" Jacob, hindi lahat ng feeling mo tama. " Nakita kong nabigla siya.
Huminga siya ng malalim. " I guess you're right. I just hope okay sila. I really feel sorry for Christelle. Napahiya siya kanina. Hindi ko inisip yun. "
" You're not the only one at fault here Jacob. Wag mong sarilihin lahat ng kasalanan. Ako yung sumigaw sa kanya kanina diba? Hindi naman ikaw. "
" I planned for all of this Kim. Kung hindi kita sinabihan, hindi mo naman gagawin yun e. "
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!