Micael's POV
*Flashback*
" Hi! " Bati ko sa estudyanteng babae na mukang naliligaw.
" H-Hi? " Alanganing sagot niya.
" Kailangan mo ng tulong? "
" Ah. Oo e. Alam mo ba kung san nakatira si... " Tiningnan niya yung papel na hawak niya. " Mercedes Hidalgo? "
" Ah. Hindi e. Pero teka. Tatanong ko sa mama ko. " Pumasok muna ko sa bahay. " Ma!! Ma! May Mercedes Hidalgo ba dito sa lugar natin? "
" Ah. Oo. Bakit? Sinong nagtatanong? "
" Yung batang babae sa labas. Naliligaw yata. "
Sumama na si mama palabas samin. " Iha, bakit mo hinahanap si Cedes? "
" Ah. E. Ano po... Ako po si Sheena. Sheena Franci--- Hidalgo po. Anak po ako ni Mercedes. "
" Naku iha! Huli ka na. Hindi na rito nakatira si Mercedes. "
" Ho?! " Halatang gulat at dismayadong sabi nung nagpakilalang Sheena. " Alam niyo ho ba kung saan na sila nakatira ngayon? "
" Ang alam ko kinuha na sila ng asawa niyang foreigner kasama yung dalawa niyang anak e. "
" Nako po. Pano na to? " Mas sarili niya yung kinakausap niya.
" Bakit iha? May problema ba? "
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. " Anak niya po ako. "
Nang malaman ni mama na walang ibang matutuluyan yung babae, pinatuloy niya muna samin yung babae hangga't hindi pa niya nakakausap ang nanay niya. Nalaman rin naming na iniwan siya ng nanay niya sa ampunan noong bata pa siya at nang lumaki ay inampon daw siya ng mag-asawang hindi magkaanak.
" Iha, kung wala kang matutuluyan pwede ka munang tumira rito sa amin tutal nama'y matagal ko ring naging kumare ang nanay mo. "
" Maraming salamat po. "
" Dude! Lalim ng iniisip mo ah! " - Unggoy
" Huh? "
" Nakatatlong lipat na ko ng pwesto sa kaliwa at kanan mo pero di mo ko pinapansin. Pi-picture-an na nga sana kita kaso baka maubos film ng phone ko. "
" May film yung phone mo? "
" Siyempre wala! Tiningnan ko lang kung nasa earth ka na. Mukang wala pa. Hahahaha! "
" Tukmol ka talaga! "
" Ano ba kasing iniisip mo? " Sabi niyang halos natatawa pa.
" Wala. "
" Ah. Akala ko binasted ka na e. " Binasted? Ah. Oo nga pala. Yung kahapon. " Ano na nangyari sa plano mo? "
" Plano ko? Diba ikaw nag-suggest non? "
" Anong ako? Ikaw nakaisip non tanga. Haha. So ano na nga? "
" Hindi ko pa alam. "
" Huh? Bakit? Akala ko ba gusto mo? "
" Gusto ko nga. Mahal ko na nga e... yata. "
" Yata? Di ka pa sigurado? "
" May problema. "
" Alam ko! Kanina ko pa tinatanong sayo kung ano yun ayaw mo sabihin! Ughh! Ang hirap kumausap ng alien. "
" Dami mong sinasabi! Eto na. Bumalik na siya. "
" Sinong siya? "
" Si Sheena pare. Bumalik na siya. "
" Sheena na bumalik who? "
" Yung babaeng unang minahal ko. Yung babaeng sumira rin ng pagkatao ko. "
" Woooow! Deep! Hahaha. Akala ko kanina knock knock joke! " Sinamaan ko siya ng tingin.
" Ay! Sorry na. Sorry na. Just trying to lighten up the mood kaso mukang sobrang laki nga ng problema mo. "
" Anong gagawin ko pare? "
" Bakit ako tinatanong mo? "
" E ikaw yung may alam ng lahat e. Bida-bida ka kaya! "
" Wooow! Heavy! Salamat ah?! " Sarkastikong sabi niya. " Dude, honestly hindi ko makita yung problema. Ano ba kasing pinakaproblema mo? "
" Hindi ko alam kung ano nang mangyayari. Hindi ko alam kung bakit siya bumalik. "
" Yun ba talaga problema mo o yung nararamdaman mo? "
" Huh? "
" Bro, when a zombie appears shoot it in the head and get on with your life. "
" Ayan ka na naman e! Ano na naman ibig sabihin niyan?! "
" Tanong mo kay Mayor. Tara na! "
" Labo naman neto! "
Bella's POV
Papasok na sana ko ng bahay pagkagaling ko kila Nikka nang may napansin akong kotche sa tapat ng gate namin. Lalagpasan ko na sana yung kotche nang biglang bumukas yung bintana sa likod.
" Ikaw ba si Isabella? " Sabi nung babaeng nakasakay sa likod.
" Ako nga. Bakit? "
" Pwede ka bang makausap? " Binuksan nung lalaking nakabarong yung pinto ng kotche na parang sinasabing pumasok ako. " I won't ask again. " Dagdag pa nung babae nang mapansin siguro niyang nagdalawang isip ako.
" Teka. Ipapasok ko lang tong libro. "
" No need. Di naman tayo magtatagal. "
" Okay. " Pumasok na ko.
Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant. Nakatingin siya sa librong hawak ko.
" You like to read foreign novels? "
" Ah. Hindi. Para sa kapatid ko to. Napanood niya kasi yung movie ni Perc--- "
" Ah. Okay. So, the reason why I wanted to talk to you is that I want you to break up with James. "
" Huh? Sinong James? "
" James Micael Villareal? Isn't he your boyfriend? "
" Ah. Haha. Hindi kami. "
" Well that's better because he's mine and I want you to stay away from him. " Aba kanina pa tong babaeng to ah? Sino ba to?
" Teka nga. Sino ka ba? "
" I am James' girlfriend. "
YOU ARE READING
#Torpe
Novela JuvenilThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!