Shawn's POV
July. Habang tumatagal parami ng parami ang ginagawa sa school. Hindi ko alam pero bakit parang si Jacob pa-easy-easy lang? Madalang siya pumasok pero kapag nasa klase naman ang galing. Kapag may quizzes mataas ang scores niya. Tulad ngayon. May quiz kami.
" Jacob? "
" Yup? "
" Pakopya. "
" Here. Kaso mag-ingat ka ah? Baka mahuli ka."
" Hindi diyan. Sa kodigo mo. "
" Huh? Wala kong kodigo. Haha. " Natatawang sabi niya.
" Ay. Sige. Sa papel mo na lang. "
" Eto oh. " Nakangiting sabi niya.
Okay. Wala siyang kodigo. Baka naman matalino lang talaga siya? Kahit sa advice magaling siya e. Grabe. Bilib na talaga ko sa taong to. Hindi ko alam kung bakit ako naniwala sa maliit na to na may tinatagong sikreto si Jacob. Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sakin. Tapos sinoli ko na kay Jacob yung papel. " Jacob oh. Salamat. " Sa totoo lang, hindi ko naman kinopya. May sarili naman kasi akong sagot.
Paglabas, nilapitan ako ni Cael.
" Hoy taba. "
" Bakit? "
" Kanina habang nagku-quiz. Bakit hinanapan mo ng kodigo si Jacob? "
" Huh? " Pano to? Anong sasabihin ko? " Ano. Kasi kesa mahuli kaming papel niya yung hawak ko, mas okay na kung kodigo na lang diba? "
" Wag mo kong lokohin. At lalong hindi mo siya maloloko. Alam ni Jacob kung bakit ka nanghingi ng kodigo. Ni hindi mo nga kinopya yung sagot niya. Pinagdududahan mo siya. "
" Si-sinabi niya yan sayo? " Kinabahang tanong ko. Ayokong ma-offend si Jacob. Napakabait nung tao sakin.
" Hindi. Kung ako napansin ko, malamang mas napansin niya. Walang ibang ginawang mali yung tao sayo para pagbintangan mo siya. Napakabait nung tao. Sa susunod gamitin mo yang utak mo hindi yung puro tiyan pinapagana mo! " Binangga niya pa ko bago umalis.
" Tss. Ang yabang talaga! " Pero tama siya. Napakabait nga ni Jacob. Ang tanga nga talaga para pagdudahan siya.
Kim's POV
*Sa school*
" Hoy! Anong nginingiti ngiti mo jan? Kilig na kilig ah! " – Christelle
" Baliw hindi ako kinikilig. Ka-text ko kasi si Jacob. "
" Jacob? Yung kaibigan ni Shawn? " Gulat na sabi niya. " E si Shawn ka-text mo? "
" Hindi e. May ginagawa yata? " Nagtuloy ulit ako sa pagte-text.
" Yata? Hindi mo alam? "
" Hindi e. " Napatingin ako sa kanya. " Bakit ba? "
" Wala. Sige una na ko. " Paalam ni Christelle.
" Sige. Bye! " Sabi ko.
Shawn's POV
*Sa Bahay*
Nakapagtataka naman. Parang di nagte-text si Kim? Text ko nga.
Mahal?
Hindi siya nag-reply. Ilang minuto pa kong nag-antay per wala pa rin. Isa pa nga.
Mahal busy ka?
Wala pa ring reply.
" Ano kayang nangyari dun? Baka wala ulit load? Haha. Tawagan ko nga. " Busy tone lang ang naririnig ko. " May kausap? Pero sabi ni Jacob wag daw nega. Baka importante yung kausap niya. " Mamaya ko na nga lang kausapin. Nanood muna ko ng TV. Maya-maya tumunog phone ko.
Shawn, matutulog na ko. Gdnyt!
Ayun lang? Wala man lang rason kung bakit di siya nagparamdam buong araw?
Okay ka lang ba?
Shawn, pagod na ko. Bukas na lang. Matulog ka na rin.
Shawn? Shawn na lang tawag niya sakin?
Shawn? Shawn na lang tawag mo sakin?
Oh? Ayun naman pangalan mo diba?
Pero diba mahal tawagan natin?
Ang corny e. Mas okay na yung pangalan na lang.
Corny? Diba ikaw nagpumilit non?
E nakokornihan na ko ngayon. Matulog na tayo. Gabi na oh.
Kim, okay ba tayo?
Okay ako. Sige na. Matutulog na ko.
Ah. Sige. Goodnight mahal.
Nakatitig lang ako sa phone ko. Anong nangyayari? Oo napapansin kong netong mga nakaraang araw hindi kami gaanong nagkaka-text. Busy ako. Busy rin naman siya. Ay. Oo nga pala. Tama. Busy lang siya kaya ganyan. Pagod nga lang siguro. Ipagpapabukas ko na nga lang. yun lang at natulog na ko.
*Kinabukasan*
Good morning mahal.
Hindi siya nag-reply. Baka tulog pa. Nag-ayos na ko at pumasok na.
Mahal, nasa school na ko. Ikaw?
Wala pa rin. Wala na naman sigurong load. Tatawagan ko na lang. Pag-dial ko, busy tone na naman. Napapadalas yata siyang busy ah. Kinakabahan na ko. Ayokong magduda pero may mali na talaga.
Maya-maya pumasok si Jacob. May kausap sa phone. Ngiting-ngiti.
" Sige na andito na ko sa school. Text na lang. Basta yung plano ah? Tuloy na tuloy na yon. Sige. Bye. "
" Ngiting-ngiti ah? Haha. Sinong kausap mo? " Tanong ko.
" Secret. " Nakangiti siya sabi sakin. " Malalaman mo rin. Makikita pa nga actually. Haha. " Kumindat pa.
" Ah. SIge. Looking forward to that. " Siguro girlfriend niya yon. Tong mokong na to, may tinatago rin palang kalandian. Haha.
" Oh. You should be! Haha. Tingin ko magiging masaya ka kapag nangyari yon. " Naguluhan naman ako don. Bakit ako? Diba dapat siya? Haha. Baliw talaga. Pagtingin ko kay liit, nakatingin siya sakin. Ano na naman problema nito?
YOU ARE READING
#Torpe
Ficção AdolescenteThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!