Chapter 3: TORPE # 1

61 2 0
                                    


Bella's POV

*Sa Bar*

" Hey Jake! "

" Oh! Bella! Andito na pala kayo e. " – Jacob. Katabi niya si Micael na hindi man lang tumingin samin.

" Sorry. Naghintay ba kayo ng matagal? "

" Nah! Kararating lang rin namin. "

" Hi Dominique. Hi Joyce. " Bati ni Jacob.

" Hi! " Sabay na bati nila.

" Upo na kayo jan. I'll just order us some drinks. "

" Okay. " Sabi ko. Nag-unahan naman yung dalawa dun sa dalawang upuan na katapat nila Jake. Ang natirang upuan tuloy yung nasa kaliwa at kanan ni Micael. Wala na kong choice.

" Hi Cael. " – Nikka.

Tango lang sinagot.

" May girlfriend ka na? " – Joyce.

" Huy! Joyce! Ano ka ba? Wag mong pansinin yan Micael. To talaga! " Suway ko kay Joyce. Nakakahiya. Ayaw na nga kaming kausapin nung tao pinipilit pa nila.

" Wala pa. " Biglang nagsalita si Micael at pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya saken.

" Yiiiiie! " – yung dalawa.

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Ang guwapo niya pala talaga.

" Okay! Guys! What did I miss? " – Jacob. Dala na niya yung mga inumin.

" Wala. " Sabay na sagot naming ni Micael.

" Hihihi. " Tawa nung dalawa.

" O... kay. So. Bella, sabi mo kahapon wala kang boyfriend diba? "

" Yeah. Wala. Bakit? "

" Nothing. " Tumingin siya kay Micael while smirking.

" Ahm.. Nikka, Joyce gusto niyong magpahangin sa labas. Kase parang masiyadong mausok dito e. " – Jacob

" Tara! " – Joyce.

" Uy! Teka! "

" You'll be fine Bella. Haha. " Tapos kumindat pa siya bago umalis.

" Baliw talaga yung unggoy na yun. " Bulong ni Micael.

" Anu yon? "

" Huh? Wala. "

" Ah. Okay. " Tapos wala na. Wala nang nagsalita samin. Galing no? Kung bakit ba naman kasi ako iniwan ng mga yun sa taong galit sa mundo e. Nilibot ko yung mata ko, di ko sila makita.

" Ang awkward na. " Lakas loob na sabi ko. Nung tiningnan ko siya, umiwas siya ng tingin.

" Ganyan ka ba talaga? "

" Huh? " Sabi niya.

" Galit ka pa rin ba kase napalakas yung sigaw ko kanina? "

" Hindi. "

" E bakit parang galit ka samin? Sakin? "

" Di ako galit sayo. "

" E ano? "

" Ang--- "

" Guys! I'm sorry but we have to go. Something... unexpected came up. "

" Teka. Kararating lang natin halos e. " – Nikka.

" Sorry talaga guys. Next time na lang. Cael. Tara! "

Micael's POV

" Hoy! Anong nangyari sayo? Bakit ka nagmamadali? "

#TorpeWhere stories live. Discover now