Shawn's POV
Tuesday ngayon. Tinatamad akong pumasok. Ewan ko. Siguro kase ang boring ng prof namin. Pero kailangan. May quiz nga pala kami ngayon. Pagkatapos ko mag-ayos, dumiretcho na ko pasok. Wala rin si nanay ngayon. Nasa Pampangga. Si kuya naman ayun. Halos kadarating lang. Nag-DOTA na naman magdamag.
Pagdating ko ng school, nandun na si Jacob. Nakangiti siya sakin.
" Aga mo ah! " Bati ko sa kanya.
" Ganun talaga. Haha. "
" Bakit? "
" May quiz e. " Sabi niya pero di ako naniwala.
" Sus, midterms nga natin late ka tapos sa quiz na to maaga ka? "
" E gusto ko e. Paki mo? Haha. " Nakangiti na naman siya. Hinarap ko na lang si Cael.
" Cael, nag-review ka? Pakopya ah? "
" Kay Jacob ka kumopya. Mangongopya nga lang ako e. Haha. "
" Sabi ko nga e. "
" Pako— "
" Pakokopyahin kita basta pupunta tayong Bulacan mamaya. " Sabi niya.
" Bakit?? " Nagtatakang sabi ko.
" Magtu-toothbrush tayo. Baho ng hininga mo e. " Sarkastikong sabi niya.
" Bakit nga?! " iritang sabi ko.
" Ano pa? Edi sisimulan na natin panliligaw mo! "
" Bakit?? "
" Isa pang bakit mo pepektusan na kita. "
" Bakit? " Pang-aasar ko sa kanya. Tapos bumwelo siya para pukpukin ako sa ulo ng niroltong notebook.
Tumayo ako. " Kaya mo? "
Tumayo rin siya. " Hinde. " Tapos natawa kaming dalawa.
" Ingay! " – Freeman
" May naririnig ka? " Sabi ko.
" Meron. "
" Ako wala e. "
" Luh? Narining mo nga sagot ko e. Hahahaha. "
Sinamaan ko siya ng tingin. " Ewan ko sayo. " Umupo na ko.
" Basta mamaya ah? Bago magklase si Mam Bautista. "
" Ayoko umabsent. "
" Sus! Para namang nakikinig ka! Reporting lang naman mamaya e. "
" Makikinig ako. "
" Si mam nga hindi nakikinig sa mga nagre-report tapos ikaw makikinig?! Dakila ka pa?! Hahaha. " Natawa rin si Cael.
" E! Ayoko nga. Ikaw na lang pumunta. "
" Bahala ka. Magkikita pa naman ngayon sa SM Baliuag si Christelle at yung crim student. "
" Hoy! Basta uuwi rin agad tayo ah? " Sabi ko.
" Oo na. Hahahahaha! " Sagot niya.
" Demonyo ka talaga. Hahaha. " Narinig kong sabi ni Cael kay Jacob.
" Hindi ako demonyo. Anghel ako, remember? Haha. " – Jacob
" Oo na lang. Haha. " - Cael
" Okay class. Get one whole sheet of paper. " – Prof
Kim's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kunsino man tong tumatawag na to, aba nakakahiya naman sa kanya. Wala bang 6AM!
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!