Shawn's POV
Nakaupo ako ngayon sa bleacher sa tapat ng school namin.
Niloko niya ko. Niloko nila ko. Pinagkatiwalaan ko siya. Kaibigan ko siya. Akala ko kaibigan niya rin ako. Ang kapal ng muka niya!
" Kung umpisa pa lang nakinig ka na sakin, edi sana di na umabot sa ganito. " – Freeman
" Umalis ka nga dito. Hindi kita kailangan. " Sabi kong hindi man lang siya tiningnan.
" Hindi naman ako nandito para sayo e. Nandito ko para sa school. Kung ayaw mong mawalis ng mga streetsweepers, wag kang pakalat kalat dito sa tapat ng school. "
" Ano ba?! Sinabi nang umalis ka e! " Tumayo na ko.
Nakita kong palabas ng school si Jacob. Pinupunasan niya yung dugo sa bibig niya. Agad? Wag muna, dadagdagan ko pa yan e. Tumakbo ko papunta sa kanya. Nang makarating siya sa parking lot, sinugod siya.
" Ang kapal ng muka mo! " Sinuntok ko siya.
" What the f*ck?! Punching day ba ngayon?! God! " Hawak niya yung pisngi niya.
" Hayup ka Jacob! Mang-aagaw ka! "
" What?! Ikaw rin?! What's happening to the world?! "
" Rin?! So tama pala yung narinig ko kanina. Pati yung best friend mo inagawan mo?! Kakaiba ka rin e no?!
" Ano bang pinagsasasabi mo Shawn?! "
" Wag kang magmaang maangan! "
" Just get to the point already! I've had enough punches and accusations for one day! "
" Inagaw mo sakin si Kim! "
" What?! "
" Wag mo kong ma-what what jan! Tigilan mo na pagpapatay malisya mo! "
" Ano bang pinagsasasabi mo?! Adik ka ba?! " Sigaw niya sakin. " Hoy bansot! Anong sinasabi nito?! " Tanong niya kay Freeman na sumunod pala samin.
" Wag niyo nga kong idamay sa away niyo! Nag-eenjoy akong manood e. Continue. " - Freeman
" Shawn! Shawn tama na! "
" Kim diba sabi ko umalis ka na?!
" Kim?! " Gulat na sabi ni Jacob.
" Shawn please? Tama na. Makinig ka muna. " – Christelle
" Makinig?! Anong papakinggan ko?! Mga kasinungalingan ng dalawang to?! "
" Christelle, ako na. " Sabi ni Kim. " Shawn, walang kasalanan si Jacob. "
" Anong wala?! Niloko niyo ko! Pinagplanuhan nyo to! "
" What are you talking about Shawn?! " - Jacob
" Don't play dumb MisterNiceGuy! E alam natin na nagkukuwari ka lang na mabait. "
" Tama na Shawn! Walang kasalanan si Jacob! " Sigaw nung Christelle. " Ako. Ako yung may kasalanan. Ako yung tumawag sayo. Mali ako Shawn. Mali yung sinabi ko sayo. Mali na binigyan kita ng rason para pagdudahan si Jacob. "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Nung mga panahon na yon, napapansin kong napapadalas ang pag-uusap ni Kim at Jacob sa phone. Napapadalas din ang texts nila pero mali ako Shawn. Akala ko naglalandian sila. Na-judge ko si Jacob. "
" Obviously. " Sabi ni Jacob.
" Sorry. " Sabi nung Christelle kay Jacob tapos humarap ulit sakin. " Wala silang relasyon. "
" Anong wala?! Pinagplanuhan nila to. Galing na mismo kay Kim! Pinagplanuhan nilang lokohin ako. "
" No. Shawn. Hindi ganon. Oo nagplano kami ni Jacob pero para yun sayo. Nagplano kami na sorpresahin ka. Pinlano namin na dadalhin niya ko sa birthday mo dahil gusto mo daw akong makita and that time Shawn, gustong gusto rin kitang makita non. Kaso... kaso... " Sabi ni Kim na maiiyak na naman.
" Kaso she fell inlove with Jacob. " Yung Christelle na ang nagtuloy. Napapikit si Kim.
" What??! " Gulat na sabi ni Jacob.
" Hindi mo alam? " Tanong ko.
" No! All these time na tinatawagan ko siya puro plano sa birthday mo ang pinag-uusapan namin except... "
" Pero? " Sabi ko.
" Remember that time nung nasa mall tayo? Nung sinusundan mo ko? Alam ko nakita mong may tumawag sakin non. Si Kim yon. She said she wants to talk about us. I had a special person to talk to non kaya I rejected her. Hindi ko naman alam na... she felt different na pala. "
" Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba malakas ka makaramdam? Bakit hindi mo naramdaman?! Sana simula pa lang pinigilan mo na! Iniwasan mo na! "
" Shawn, I don't know everything. " Tama nga naman siya. Siguro alam ko naman na talaga yon pero hindi ko pa rin kasi matanggap. Hindi ko matanggap na niloko ko. Kailangan ko ng taong masisisi... bukod sa sarili ko.
" Wag mong sisihin si Jacob, Shawn. Biktima siya dito. Ako ang may kasalanan. " Christelle.
" No Tel. Ako, Shawn. Ako yung may kasalanan pero hindi ko sinasadya. Hindi ko naman pinlanong mainlove sa kanya e. Walang kasalanan si Jacob sayo. Ang gusto niya lang sumaya ka. " natahimik kaming lahat. Tama. Gusto niya kong pasayahin pero anong ginawa ko?
" I'm sorry Jacob. " Sabi ko.
" It's okay. "
" No. It's not. " Sabi ko. " Dalawang beses ka nang napagbintangan ngayon araw. Dalawang beses kang nasuntok. Hindi okay yon. "
Natawa siya. " Don't worry. Haha. Walang wala tong mga to sa pinagdaanan ko. " Kumindat pa siya.
" Yung nasa loob? Anong nangyari don? " – Freeman
" Ay. Andito ka pala?! " Sarkastikong sabi ni Jacob.
" Sagutin mo na lang!! " Sigaw ni Freeman.
" Ano bang pakialam mo?! " – Jacob
" Sagutin mo na lang. Please? " Nabigla si Jacob sa pag-please ni Freeman.
" Just like here, napagbintangan din ako. May secret admirer si Bella. Binibigyan siya ng gifts and ako yung inakala nilang nagbibigay. "
" Hindi nga ba? " Si Freeman pa rin.
" Hell NO! Hindi ko gagawin yon sa kaibigan ko. " Natigilan si Freeman.
" Okay na ba? " Tanong ni Jacob saming lahat. " Pwede na ba kong umalis? I have something important to do. " Paalis na si Jacob nang magsalita ulit si Freeman.
" Si Hayley. " Nakita kong nagulat si Jacob sa binaggit ni Freeman na pangalan. " Kilala mo siya diba? Anong nangyari sa kanya? "
Humarap si Jacob kay Freeman. " I don't know where you heard that name or what you know about that story but Hayley is none of your concern. " Lungkot? Galit? Yun yung nakita ko sa mata ni Jacob bago siya tuluyang umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/68214042-288-k379848.jpg)
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!