Bella's POV
*Flashback*
" Hindi pwede to Nicolas! Wag mo kaming iwan! " – Mama
" Kailangan kong gawin to Isabel. " – Papa
" Bakit? " Hawak ni mama si papa sa sleeves.
Kinulong ni papa yung muka ni mama gamit yung dalawa niyang kamay. " Para sa mga anak natin. Para satin. "
" Mas kailangan ka naming lahat dito. " Bumitaw si papa.
" Papa? Iiwan mo na kami? " Lumabas na ko sa piangtataguan ko.
" Hindi anak. Aalis lang muna ang papa. Pero babalik din naman ako. Hintayin mo ko anak ah? "
" Kelan ka babalik? " Hindi sumagot si papa. Naiiyak na na sabi ko. Umiiyak na rin si mama.
Niyakap niya ko tapos si mama. Humalik siya noo ni mama tapos lumapit ulit sakin. " Basta anak, hintayin mo si papa ah? Mahal na mahal ko kayo ni mama at Tristan. " Yun lang ang umalis na siya.
" Papa! " Tawag ko. Pero hindi siya lumingon. Nakita ko pang nagpunas siya ng mata niya.
" Anak! " Naputol yung pag-alala ko sa nakaraan nang may marinig akong pamilyar na boses. Napatingin ako sa likod ko.
" Pa? "
" Anak. " Hindi ko na napigilan. Tinakbo ko na si papa at niyakap. " Anak patawarin mo si papa ah? Patawarin mo si papa. " Hinalikan ni papa yung ulo ko at nakayakap rin siya sakin. Humagulgol na ko. " Sorry anak. Sorry. "
Micael's POV
" O... kay. That went well. " Parang relieved na sabi ni unggoy sa tabi ko.
" Unggoy ka talaga. "
" Bakit? " Inosenteng sabi niya.
" Kelan pa? "
Tumingin ulit siya sa mag-ama. " Last month. "
" Bakit hindi mo sinabi? "
" Si Mr. Alvarez ang may ayaw. Nahihiya raw kasi siya kay Bella. "
Binatukan ko siya. " Aray! Para san yon? "
" Wala lang. Pinaiyak mo mahal ko e. "
" Bakit ako?! Yung tatay niya kaya yon! "
" Alaga'y batukan ko yung tatay niya?! "
" Haaaay! " Iritang sabi niya. Wala na siyang nagawa. Natawa na lang ako.
" Ano yung inaarte arte mo kaninang may paseryoso-seryoso ka pa? Kala mo naman bagay sayo. "
" Tungaw. Kinabahan kasi talaga ko. Ayokong magalit sakin si Bella. Mamaya isipin pa niyan napakapakialamero ko't pati pribadong buhay niya pinakialam ko. "
" Alam mong hindi ganon si Bella. "
" Yeah. I know. Ayoko lang rin kasi pangunahan si Mr. Alvarez. Everything has it's right timing and tonight looks like the right time for them to meet. "
" Pano mo nasabi? "
" Feeling ko lang. Hahaha. " Natawa ko sa sagot niya. Yun na lang ang laging sagot niya pero di ko siya masisi. Tama naman kasi siya. Laging tama yung pakiramdam niya. Kakaibang tao.
Bella's POV
*Next Day*
" Anak, papasok ka na? " – Papa
YOU ARE READING
#Torpe
Novela JuvenilThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!