Chapter 30: TORPE # 2

14 0 0
                                    



Shawn's POV

*Sa Canteen*

Habang kumakain ako, biglang tumunong ang cellphone ko. May tumatawag. Unknown caller.

" Hello? " Sabi ko.

" Ah... He-hello? "

" Sino to? "

" Ah. Ano. Ahm... Ako si Christelle. "

" Sinong Christelle? "

" Hindi na mahalaga kung sino ako. Pero sana pakibantayan yung kaibigan mong si Jacob. Alam ko mahal mo si Kim. Bantayan mo si Jacob kung ayaw mo siyang mawala sayo. " Nagulat ako.

" Anong ibig mong—"

" Yun lang. Salamat. " Tapos ibinaba na niya. Ano yon? Hindi ko maintindihan?

" Anong bantayan si Jacob? " Bulong ko sa sarili ko.

" Looks like it's happening. " Yung maliit na tao.

" Anong it's happening? " Ikinkwento niya sakin yung dahilan kaya ayaw niyang palapitin ako kay Jacob.

" Sigurado ka ba sa sinasabi mo?! "

" Wag kang maniwala kung ayaw mo. Pero yung tawag? Hindi pa ba senyales yon na dapat ka nang mag-ingat? " Napaisip ako. Oo nga. Siguro nga tama siya. " Kung ako sayo lalayuan ko na siya. " Yun lang at umalis na siya at sakto naman ang dating nila Cael at Jacob papasok ng canteen. Nakita ako ni Jacob.

" Grabe! Pagkain na naman kaharap mo! Haha. " Nakatingin lang ako sa kanya. " What? "

" Ah. Wala. "

" Hey! I have a good news! " Tiningnan ko lang ulit siya. " What? You're not gonna ask me what the news is? Haha. C'mon. Ask me. " Nakangiting pilit niya.

Dahil mapilit siya, nagtanong na ko. " Ano yon? "

"Si Bella at Cael na!! " Masiglang sabi niya.

" Ah. Talaga? " Matamlay naman na sabi ko.

" Hey. Okay ka lang ba bro? " Teka. Nakahalata yata. Tama nga si Cael. Malakas nga makaramdam to. " You look sick. "

" Ah. Oo. Masama nga pakiramdam ko. " Pagsisinungaling ko.

" You know? You should rest. " Tapos tumingin siya sa pagkain ko. " Or eat. A LOT. Haha. Para maging okay ka. "

" Okay naman ako e. " Parang ikaw. Okay na okay kase may relasyon ka na namang sisirain.

Christelle's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Kim at inaabangan ko siyang umalis at iwan ang cellphone niya. Nang tawagin siya ng nanay niya nakakuha ako ng tiyempo. Kinuha ko yung phone niya sa kama. Tinignan ko ang messages niya. Burado lahat ng messages nila nung Jacob. Magaling talagang magtago tong babaeng to. Hinanap ko naman ang number ni Shawn at tinawagan gamit ang phone ko.

" Hello? " Sabi niya.

" Ah... He-hello? " Sabi kong kinakabahan pa.

" Sino to? "

" Ah. Ano. Ahm... Ako si Christelle. " Halos di ako makapagsalita.

" Sinong Christelle? "

" Hindi na mahalaga kung sino ako. Pero sana pakibantayan yung kaibigan mong si Jacob. Alam ko mahal mo si Kim. Bantayan mo si Jacob kung ayaw mo siyang mawala sayo. " Narinig kong natigilan siya.

" Anong ibig mong—" Narinig kong paakyat na si Kim.

" Yun lang. Salamat. " Hinagis ko yung phone niya sa kama at nagmadaling bumalik ako sa upuan ko kanina.

" Ayun! Naiwan ko pala to dito! Haha. "

" Ano naman kung maiwan mo yan? " tanong ko.

" Huh? " Nagulat siya. " Wala lang. Haha. " Alanganing tawa pa niya.

" Kim, may tanong ako sayo. "

" Nako Tel, kung tungkol na naman yan sa pakikipagkita ko kay Shawn e pwede ba tigilan mo na? Naka-set na siya. "

" Hindi yon. "

" E ano? "

" Anong meron sa inyo nung Jacob? " Nabigla siya sa tanong ko.

" Samin?? Wa-wala ah! "

" Sakin ka pa talaga magsisinungaling Kimberly?! " Hinawakan ko siya sa braso

" Ano bang pinagsasasabi mo jan Christelle?! " Binawi niya yung braso niya. " Umuwi ka na. May gagawin pa pala ko. " Yumuko siya. Nakatingin lang ako sa kanya.

Kinuha ko na yung gamit ko at humarap ulit sa kanya. " Kim... "

" Ano na naman?! "

" Sana alam mo yung ginagawa mo. Sana wala kang masaktang tao. Friendship yung masisira mo. " Tiningnan niya lang ako. At yumuko uli. Nang hindi siya magsalita, umalis na ko.


#TorpeWhere stories live. Discover now