Kim's POV
Kanina ko pa tinitingnan si Christelle. Text siya ng text. Tawa pa ng tawa. Sino kayang kausap nito? Nang ilapag niya phone niya, kinuha ko.
" Uy! Kim! Wait! "
" Bakit? "
" Ah-- Ano. A-anong gagawin mo? "
" Makiki-text? " Sabi ko.
" Hindi pwede! " Nagulat ako sa sagot niya.
" Bakit? "
" Kasi ano... ahm... kasi... "
" Please be ready for a quiz next meeting. Mag-review kayo ah! Okay? Class dismissed. " - Prof.
" Oh. " Inabot ko na sa kanya phone niya. " Wag na lang. " Tumayo na ko. Parang makiki-text lang hindi pwede? Tss.
" Kim! " Di ko siya pinansin. Sinundan niya ko. " Kim! Sandali! "
" Ano?! " Sabi ko at humarap na sa kanya.
" Oh. Ayan na. Maki-text ka na. " Sabi niyang inaabot yung phone niya sakin.
" Hindi na. Magpapa-load na lang ako. " Tapos tumalikod na ko.
Pinigilan niya ko. " Sorry na. To naman e. "
" Anong to naman?! " Naiinis na talaga ko. " Alam mo kase Christelle, hindi na kita ma-gets. Best friends tayo diba? "
" Oo naman! " Mabilis na sagot niya.
" Oh? Yun naman pala e! Bakit parang may tinatago ka sakin? Wala ka bang tiwala sakin?? "
" Hindi sa ganon Kim. It's just that... it's complicated. "
" Complicated? "
" Oo. " Sabi niya. " Basta sasabihin ko rin sayo. Basta hindi muna ngayon. "
Naguluhan ako pero naisip kong kahit pala mag-best friends kami, kailangan pa rin niya ng privacy. Huminga ko ng malali. " Okay. "
" Okay? As in di ka na galit? "
" Ano ka ba?! Hindi naman ako galit e. Nagtatampo lang. Feeling ko kasi wala ka nang tiwala sakin. "
" Hindi sa ganon. "
" Oo na. Gets ko na. " Nakangiting sabi ko sa kanya. Tapos niyakap niya ko.
" Thanks Kim. "
" Okay. Tara. Kain na tayo. "
" Sige. "
Christelle's POV
*Sa canteen*
Pano ba to? Nakakahalata na si Kim na may tinatago ako sa kanya. Nakakainis. Ayoko rin naman kasi ng ganito e. Feeling ko may ginagawa akong masama. Pero wala nga ba? Lagi kong kausap at ka-text si Shawn. Magiging impokrita ko kung sasabihin kong wala akong nararamdaman sa tao. Masaya ko kapag ka-text siya. Kapag magkausap kami sa phone halos ayaw kong ibaba. Nako namaaaan. Hindi pwede to e. Minahal siya ni Kim. I cannot have feelings for my best friend's past lover.
" Tel! Ano? Okay ka lang ba? "
" Ha? Ano yon? "
" Bayaaan! Kanina pa ko kwento ng kwento dito e. "
" Sorry. Ano ba yon? "
" Sabi ko, feeling ko naka-move on na ko kay Jacob. "
" Ah. Talaga? Mabuti naman kung ganon. "
YOU ARE READING
#Torpe
Fiksi RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!