Micael's POV
Ang saya. Sobrang saya ko ngayon. Nakahiga ako ngayon at para kong baliw na nakangiti lang. Hindi ako makatulog. Hahawakan ko phone ko tapos ibabagsak ko ulit. Paulit-ulit. Haha. Ganito yata talaga kapag inlove. Teka inlove? Oo nga yata. Inlove na nga yata ako. Hahaha. Bumangon ako para uminom sana ng tubig nang biglang magsalita si Faye.
" Kuya alam mo para kang tanga. "
" Huh? Inaano kita? "
" Kanina ka pa kasi galaw ng galaw e. Kung gusto mo i-text yung kung sino man yon, i-text mo. Hindi yung para kang baliw na nakangiti jan mag-isa. " Nabigla ako sa sinabi ni Faye. Kanina pa pala niya ko napapansin.
" Ay. Haha. Sige na matulog ka na. "
Gaya nang sabi niya tinext ko nga si Bella.
Hi Bella.
Hello.
Uy. Buti gising ka pa.
Di ako makatulog e. Ikaw? Bakit gising ka pa?
Di rin makatulog.
Ah. Bakit?
May iniisip lang.
Nako. Wag ka na mag-isip. Matulog ka na. Pass 12 na kaya?
Oo nga e. Sabado naman bukas e. Ikaw ang matulog na.
Sige. Matutulog na ko. Matulog ka na rin.
Sige. Goodnight.
Goodnight din.
Pagkatapos kong uminom ng tubig, humiga na nga ako't nagsimula nang matulog.
Bella's POV
" Isabella! Ano? Walang kasama?! " Sigaw ni Nikka.
" Huh? Ano yun? "
" Anong ano yun? Kanina ka pa naming kinakausap text ka ng text jan. "
" Ay. Haha. Sorry. "
" Sino ba yang ka-text mo?! Akin na nga! " Sabay agaw ng phone ko. " Kumain ka na ba? Wag ka magpapagutom ah? Ingat ka. "
" Hoooy! Sino yaaan?! Landi ah! " – Joyce
" Sino pa ba? Edi si Micael! " – Nikka
" Yiiiie! So ano? Kayo na ba? " – Joyce
" Hindi ah! Ano ba kayo? Issue kayo. " Sabi ko. " Hindi nga nanliligaw e. " Bulong ko na sa kasamaang palad e narinig ni Nikka.
" Ayuuuun! Hindi daw. Kaya pala hinde kasi hindi nanliligaw. " – Nikka
" Ay talaga? Ang bagal naman pala ni Papa Miks. " – Joyce
" Papa Miks?! " – Nikka
" Oo. Bakit ba? Haha. " – Joyce
" Oo na. Hindi siya nanliligaw. Ni hindi ko nga alam kung may balak siyang manligaw e. "
" Pano kung manligaw nga? Sasagutin mo naman ba? " – Nikka
" E pano kung hindi? " – Joyce
" Alam mo ikaw nega ka talaga kahit kelan e. " – Nikka
" Hindi sa nega Niks. Ayoko lang paasahin tong friend natin sa wala. " – Joyce
Ayan na naman sila. Nagtatalo na naman. Hindi ko na naman alam tuloy kung sino paniniwalaan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/68214042-288-k379848.jpg)
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!