Chapter 24: TORPE # 2

25 1 0
                                    


Shawn's POV

" Bilisan mo. Bilisan mo. " Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa orasan.

Maya-maya may dumukwang na ulo sa kaliwa ko. " Hoy taba. Masakit tiyan mo? "

Tiningnan ko siya. Ako ba kausap nito?

" Oo. Ikaw kausap ko. Sayo ko nakatingin diba? " Di ko siya sinagot. Bumalik ulit ako sa pagtingin sa orasan.

" Sir! Sir! Sir! " Ano ba naman tong tingting na to?! Napakaingay. Papansin masiyado!

" Yes Mr. Del Villar? "

" Sir natatae po tong nasa harap ko! " Napatingin lahat ng kaklase ko sa direksyon ko. Sh*t ako ba tinutukoy niyang natatae?!

" Uy taba! Diba natatae ka? Okay na pwede ka na lumabas. " Inosenteng sabi nung tingting na nasa likuran ko.

" Mr. Cruz, if you are feeling... something, you can always ask permission. You may go. "

" Pero sir—"

" Sige naa. Umalis na kaaa. " Natatawang sabi nung katabi nung tingting. Gatong pa tong isa pang tingting na to. Tss.

Tiningnan ko ng masama yung maingay na tingting saka ko lumabas. Naglakad lakad muna ko dahil fifteen minutes pa naman bago matapos yung klase.

" Nagugutom nga pala ko. " Sabi ko sa sarili ko saka dumiretcho sa canteen.

Maya-maya pumasok yung maingay na tingting kasama yung katabi niyang isa pang tingting sa classroom. Nilapitan ko.

" Hoy payatot! " Binitiwan ko yung binili kong sandwich. Sigaw ko.

Tumingin siya sa likod niya tapos sa kaliwa't kana niya tapos naglakad ulit at nilagpasan ako.

" Hoy! "

" Pare may problema ka ba? " Sabi nung tingting na sulsol.

" Ako wala. Pero yang kasama mo, may problema sa pag-iisip. " Sabi ko na nakatingin dun sa maingay na tingting.

" What? " Sabi niya.

" Sabi ko may problema ka sa utak! " Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

" Tara Cael. Hahaha. Iwan mo na yan. " Sabi niya sabay alis.

" Aba't—Hoy! Kinakausap pa kita! " Sigaw ko.

Tiningnan niya ko tapos sa kasama niya. " Tapos ayun nga. Grabe pinalakas si Garen ngayon ang kati! " Umupo sila sa isang table sa canteen. Nilapitan ko sila.

" Hoy! Ang kapal ng muka mo! Bakit mo sinabing... natatae ako?! " Hininaan ko yung salita ko pero madiin.

Nagtinginan yung dalawa. " Pfft! HAHAHAHAHA! " Natawa yung sulsol. Yung maingay naman nakatingin na sakin. " What's wrong with that? "

" Bakit mo sinigaw yon?! Hindi naman totoo yun e! "

" You were talking to yourself, staring at the clock telling to make time fast. Diba gawain yun nang apuradong lumabas? I just did you a favor. No need to thank me. " Nakangiting sabi niya.

" HINDI AKO NATATAE! " Napalakas boses ko kaya lahat ng tao sa canteen napatingin sakin. Galing. Dalawang beses na kong napahiya sa araw na to at dahil yon sa maingay na tingting na to. Sa sobrang hiya, tumakbo na lang ako paalis ng canteen.

" Hey! " Tawag sakin nung maingay pero di ko siya pinakinggan dumiretcho ako sa field pero sinundan niya pa rin ako. " Hey! Fatboy! "

Sa sinabi niya, napahinto ako." Ano bang problema mo?! Gusto mo ba talaga ng gulo?! "

" Wala akong problema. Pero ikaw mukang meron. " Seryoso ba to?! Hindi niya ba talaga alam ginawa niya?

" Umalis ka na nga! "

" Ayoko nga. Sayo ba tong field? "

" Alam mo? Gusto na kitang sapakin. "

Natawa siya. " You won't do that. "

" Aba't—" Inambahan ko na siya ng suntok. Hindi man lang siya kumurap.

" Kung kaya mong gawin yan, kanina mo pa dapat ginawa. Pinahiya kita sa classroom kanina pero di mo ginawa instead you just confronted me. " Natigilan ako sa sinabi niya. " I'm Juan Jacob Del Villar. " Inabot niya yung kamay niya sakin. Hindi ko tinaggap. " Okay. I'm sorry kung pinahiya kita sa classroom kanina. Alam ko kasing gusto mo nang lumabas. Kung magpapaalam ka naman na nagugutom ka, hindi ka papayagan. "

" Kaya mas pinili mong ipahiya na lang ako? "

" That's not my intention. Yun lang yung nakita mong side. " Tiningnan ko lang siya. Maya-maya nagsalita ulit siya. " So... are we okay now? " Huminga ako ng malalim tapos tumango. Muka namang totoo yung sinasabi niya. Kahit naman naiinis ako sa tingting na to nakikita ko yung point niya. Ngumiti siya.

" You can call me Jacob. "

" Shawn. " Inabot ko na yung kamay niya. " LOL player ka? "

" Yeah. Why? "

" Narinig ko usapan niyo nung kasama mo kanina e. "

" Ah. Oo. LOL player ka rin? " Nang tumango ako natuwa siya. " Cool! Tara laro tayo! " Nagdalawang isip ako. Binili ko na ng pagkain pera ko kanina. " My treat. "

Napangiti ako sa sinabi niya tapos tumango.

#TorpeWhere stories live. Discover now