Jacob's POV
Hay salamat! Natapos rin. I cannot believe na nakaligtas kami kay Sheena. Grabe yung babaeng yun! Nakailang ulit kaya ng nood ng Mean Girls yun? Feeling niya yata siya yung reyna ng mga kontrabida sa mga teleserye e. Magbabayad daw ako e wala naman akong utang sa kanya? Baliw ata yun e. Haha. Well anyway, she's done.
Now let's move on to our next story. This one is a lot different than most of the love stories in the world. Kung tingin niyo lahat ng kwento ay may gwapo at machong bida, try skip this part and move on to the last story. Pero kung gusto niyo ng kakaiba, nakakabaliw at makatotohanang istorya, you are reading it now. All you have to do is continue.
Minsan ba buhay niyo naisip niyo kung bakit tayo magkakaiba? Kung bakit may maganda at gwapo? Kung bakit may pangit at hindi pangit? Kung bakit may maitim at maputi? May bulag? May pipi? May bingi? Bakit may mapayat? Bakit may mataba?
Minsan rin ba naisip niyo kung bakit may mga taong judgmental? Yun bang kapag gwapo ka or maganda ka, paniniwalaan ka agad. Kapag pangit ka naman, pagdududahan ka na, lalaitin ka pa sa mga utak nila.
Naisip niyo rin ba kung bakit ko tinatanong tong mga bagay na to? May relasyon ba to sa susunod na kwento? Sa totoo lang, wala. Naitanong ko lang yan kase biglang pumasok sa utak ko yan. Random thoughts lang. Nabubuang na ba kayo kase kung hindi pa, okay lang yan. Mahaba pa naman to. Marami pang pangyayaring bubuang sa inyo.
So, anyway. Andami ko na namang sinasabi. Simulan na nga natin to!
Ang susunod na kwento ang tungkol sa ating pinakamatakaw na torpe... si Shawn Christian Cruz.
YOU ARE READING
#Torpe
Roman pour AdolescentsThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!