Shawn's POV
Dumaan pa ang mga araw at binantayan ko nga ang mga kilos ni Jacob. Lagi siyang nag-tetext. Lagi siyang may kausap sa telepono. Lagi siyang umaalis. Napapdalas na hindi siya nakakasama kila Cael. Ayoko naman itanong kaya isang beses sinundan ko siya. Nakita kong pumasok siya sa isang restaurant sa mall. Sinundan ko siya don. Nakita kong may nilapitan siyang matandang lalaki. Sino kaya yon?
Inantay ko siya hanggan sa matapos silang mag-usap nung lalaki. Medyo matagal rin silang nag-usap pero bigla siyang lumayo sa lalaki at may kinausap sa phone niya. Para masiguro ko kung tama nga hinala ko, tinawagan ko number ni Kim. Busy. Sabi ko na nga ba magkausap sila. Inantay ko pa rin siya.
Nang matapos sila mag-usap, nakita kong pumasok ng CR si Jacob. Sinundan ko siya. Pagpasok ko nakatayo siya sa pintuan.
" Why are you following me? " Patay! Huli!
" Uy! Jacob! Andito ka pala? "
" Don't play dumb Shawn. Kanina pa kita napansin. Papunta pa lang ako sa mall. Why are you following me? " Seryoso siya. Ibang Jacob ang kaharap ko ngayon.
" Okay. You caught me. Sinundan kita kase... " Anong alibi ko? Ah! Alam ko na. " ...kase Jacob may problema ko. "
Lumambot yung expression niya. Sabi na kakagat to e. " Oh. Ano yon? Dapat tinext mo na lang ako e. "
" I-importante kasi. "
" Okay. Spill. "
" Dito talaga? "
" Oh! Haha. " Na-gets niya. " Tara dun tayo sa labas. Kwento ka habang naglalakad. "
" Okay. "
Gaya nga ng sinabi niya, naglakad kami.
" Now what? " Sabi niya.
" Ganito kasi. Si Kim kase. Nagiging malamig na siya sakin. " Nagulat siya.
" Huh? Why? "
" You don't know?! "
" Hindi. Bakit? "
" Nagkaka-text ba kayo? "
" Ahm... " Nagdalawang isip muna siya bago nagsalita. " Why? What's wrong? "
" Jacob, pakiramdam ko may iba na siya. "
" What?! She won't do that to you. She loves you. "
" Pano naman nasabi? "
" Feeling ko lang. " Sabi niya pero umiwas siya ng tingin sakin.
" Jacob, ayoko sa lahat yung niloloko ko e. Ayoko sa taong sinungaling. Malaman ko lang talaga kung sino yung hayup na yon... siya kaunaunahang taong masasapak ko. "
" If that happens, makikisapak rin ako. " Nakangiting sabi niya. Naguluhan naman ako don.
Christelle's POV
*Sa Classroom*
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Kimberly sakin. Nandito kami ngayon sa science lab. Pagkatapos naming mag-usap sa bahay nila, hindi na kami nag-usap pa ulit. Hindi naman ako galit sa kanya e. Ang sakin lang magpakatotoo siya. Nakakasakit siya ng tao e. Hindi ko man kilala yung Shawn na yon pero alam ko yung pakiramdam ng niloko. Alam ko yung pakiramdam na pinapaasa kang mahal ka, tapos hindi naman pala. Masakit. Sobra.
" Christelle, hindi mo talaga ko kakausapin? " nakalapit na pala siya.
" May dapat ba tayong pag-usapan? "
" Okay. Christelle. Ayoko na ng ganito tayo. Best friend kita e. "
" Best friend mo ko pero naglilihim ka sakin? Kakaiba pala definition mo ng best friend. " Sabi ko sa kanya sabay irap.
" Ano bang gusto mong sabihin ko? Sorry? Okay. Sorry na. "
" Bakit ka nagso-sorry sakin? "
" E kasi pinaglihiman kita. "
" Oh. Edi umamin ka rin. "
" Okay class, alam niyo na kung anong mga kailangan niyong gawin. Pass your assignments next week. You may go. " – Prof. Unti unti nang laglalabasan mga estudyante.
Lalabas na rin sana ko ng pigilan ako ni Kim.
" I'm inlove with Jacob. " Nagulat ako sa sinabi niya.
" What?! "
" Hindi ko alam kung anong nangyari Tel e. " Naiiyak na siya.
" Kim! Hindi pwede yan! Pano si Shawn? Kahit hindi kami magakakilala, alam ko yung mararamdaman niya. Sobrang sakit maloko Kim! "
" Alam ko naman yun e. Kaya lang hindi ko kasi alam kung pano sasabihin kay Shawn. Ayoko rin naman siyang saktan e. These past few weeks hindi ko na siya masiyadong kinakausap. Walang chat. Text. Gusto kong makalimutan niya na ko. "
" Tingin mo ganun lang yon kadali kim?! Ano ka ba?! He deserves to know. "
" Pano? "
" Hindi ko alam. Pasabi mo kay Jacob. "
" Huh?! Hindi pwede! Hindi alam ni Jacob to. "
" What do you mean hindi alam ni Jacob?? "
" Ako lang. Ako lang yung may gusto sa kanya. " Nagulat ulit ako. Patay. Mali ako.
" Teka, e bakit lagi kayong magkausap sa phone? Bakit lagi kayong magka-text? "
Kinwento niya sakin lahat. At tama nga ako. Tama akong mali ako. Maling mali ako sa ginawa ko.
" Lagot na. " Sabi ko.
" Anong lagot na? "
" Nung araw na nasa inyo ako, tinawagan ko si Shawn non. Sinabi kong bantayan niya kaibigan niya. "
" Ano?! " Gulat na sabi niya.

YOU ARE READING
#Torpe
Fiksi RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!