Chapter 8: TORPE # 1

32 3 0
                                    


Micael's POV

" Pare! Pumunta ka dito sa restaurant malapit sa sinehan ngayon na! Bilis! " Sabay patay ng phone. Mga kalahating minuto rin ang lumipat at nakarating na siya. Isang oras pa bago ang usapan naming ni Bella pero nandito na ko sa mall.

" What? "

" Hindi ko kaya. "

" Hahahahahaha! "

" Sige tawanan mo ko. "

" Sorry. It's just that sabi mo kasi kanina hindi mo kailangan ng tulong ko e. Hahaha. "

" Oo na. Oo na. Sorry na. So panong gagawin ko? "

" Wala kang gagawin. "

" Anong wala? Labo naman nito oh! "

" Dude. If you're still not ready then don't push yourself too hard. "

" E pano ngang gagawin ko? "

" Just be yourself. Be honest and be--- "

" komportable. Alam ko na yan pero hindi yan yung kailangan ko ngayon e. "

" Hey! Look at me. " Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat ko. " You've gone this far. I mean, close na kayo diba? Pumayag siyang makipag-date sayo. That means may pag-asa ka. "

" Ayokong umasa pare. "

" Edi wag kang umasa! Haha. You know what? You're making things complicated just by thinking too much. "

" Ang hirap kaya! Ikaw kaya dito! "

" I would love to be in that position kaso di ako tumatalo ng tropa e. Sorry. Hahaha. " Sinamaan ko siya ng tingin. Balak nga talaga niyang agawin si Bella sakin? Teka. Sakin? Di naman kami.

" Look Bro. Stop thinking and start doing. I mean, don't think too much. Just calm yourself and everything will follow. "

" Oo na. Oo na. Susubukan ko. "

" Okay. " Nakangiting sabi niya.

" Hoy! Teka. San ka pupunta? "

" Nasa mall na rin naman ako, edi magwi-window shopping. "

" Sama na ko! Wala pa naman si Bella e. "

" Tara na! "

Gaya ng sinabi niya, naglakad lakad nga kami. Maya-maya huminto siya at may tinitigan. Sinundan ko yung tingin niya. Nakatingin siya sa isang babaeng naka-t shirt na brown? Yun yung babaeng sabi niyang may gusto sakin dati sa classroom.

" Anong tinitingnan mo? "

" Bro! Nakita mo ba yon?! Ang ganda nung sapatos sa likod nung babaeng naka-brown oh! " Ay mali pala ko.

" Ah. Oo nga. Bilin mo na. "

" Dude. Englishero lang ako pero di ako mayaman. "

" Hahahaha. Lakas mo mag-english wala ka naman palang pera. "

" Whatever. " At naglakad na lang ulit kami.

Maya-maya tumunog yung phone ko.

" Si Bella. Nasa restaurant na daw siya. "

" Oh? Great! Puntahan mo na. "

" Osige. E ikaw? "

" I came here alone. I can go home alone. Hahaha. " Nakangiting sabi niya.

" Salamat pare ah? " Sinserong sabi ko.

" You are very much welcome. Sige na. Go. Go. Go. Magkaiyakan pa tayo dito e. Hahaha. " At tuluyan na nga siyang umalis.

Bella's POV

*Sa Restaurant*

" Bella! "

" Cael. "

" Napaghintay ba kita ng matagal? Sorry. "

" Hindi naman. Okay lang. " nakangiting sabi ko.

Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. " Wow. Ang ganda mo. " Naramdaman kong uminit yung muka ko.

" Sa-salamat. " Naka-dress akona kulay peach. Si Nikka talaga pumili neto e. Feeling ko nga ang OA kasi sa mall lang naman kami manonood ng sine. Pero at least nagutuhan ni Cael.

" Ah. Teka. Kumain muna tayo. Anong gusto mo? "

" Ikaw na lang umorder sakin. "

" Osige. Wait ah? Pila lang ako. "

" Okay. " Tiningnan ko siya hanggang sa makalayo siya. Grabe. Mukang hindi lang pala ako yung nag-ayos para sa date na to. Ang guwapo niya sa suot niyang long sleeved denim at black jeans na sinabayan pa ng mid-cut chuck taylor. Bakit kaya walang girlfriend tong lalaking to? Guwapo naman siya.

Maya-maya lang dumating na siya dala yung order namin. Habang kumakain, nagkwentuhan lang kami na ang madalas na topic pa e yung buhay ko. Ang unfair naman yata.

" Cael, bakit wala kang girlfriend? " Biglang tanong ko.

" Ah. Wala pa kasi akong nagugustuhan. " Ah. Wala pa pala siyang nagugustuhan. Teka. Bakit parang na-disappoint ako sa sagot niya? " Nagkaron ako dati. " Sabi niya nang mapansin niyang napatahimik ako.

" Oh? Anong nangyari? Mahabang storya e. "

" Ah. " Mukang ayaw niyang pag-usapan. Ayoko naman siyang pilitin.

" Tara na? " Yaya niya sakin.

" Tara. "

Micael's POV

*Sa Sinehan*

Nagsisimula na yung palabas pero hindi ako nanonood. Pano? E katabi ko ngayon ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa balat ng lupa. Grabe. Ang swerte ng magiging boyfriend niya. Maya-maya napansin kong parang nilalamig siya. Dahan-dahan kong hinubad yung long sleeves ko.

" Oh. Suot mo muna to. " Abot ko sa kanya ng long sleeves ko.

" Huh? Teka. " Naguguluhan pa niyang tanong. " Pano ka? Malamig kaya. "

" Ano ka ba? Okay lang ako. "

" Salamat. " At nanood na ulit siya at nanood na rin ako.

Habang kumakain ng popcorn, aksidente kong nahawakan yung kamay niya. Nagkatinginan kami. Walang bumabawi ng tingin. Eto na naman. Ganitong ganito yung nangyari noon sa kalsada kila Joyce.

Unti-unti kong nilapit yung muka ko sa kanya at gaya nga dati pumikit siya. Pumikit rin ako.

" Hoy! Ano ba yan?! Ulo naman oh! " – sigaw nung lalaki sa likuran namin.

Nabigla kaming dalawa kaya bumalik na lang kami sa panonood. Dahil sa hiya, natawa ko. Napansin kong natatawa rin si Bella. Nagkatinginan ulit kami at sabay na natawa.

" Hoy ano ba yan?! Ang ingay oh! "

" Sorry! " Sabi ni Bella sa nasa likod namin.

Nakita kong halos magkalapit na yung kamay namin. Hinawakan ko yon nang hindi tumitingin sa kanya. Nakita ko sa peripheral vision ko na tiningnan niya yung kamay namin tapos sakin tapos nanood na ulit siya. Hindi niya binawi yung kamay niya. Hindi niya binawi. Napangiti ako.

Nang matapos ang movie magkahawak kaming lumabas ng sinehan at naglakad sa mall.

" Maggagabi na. Hatid na kita? " Sabi ko sa kanya.

" Tara. "

Nag-commute lang kami dahil wala naman akong sasakyan. Pagdating sa kanila, akala ko papasok na siya pero huminto siya at nagsalita. " Cael. "

" Hmm? "

Humarap na siya sakin. " Salamat. Nag-enjoy ako. "

" Ako rin. Salamat. "

" Sige. Pasok na ko. Ingat ka pag-uwi. "

" Sige. Goodnight. "

" Goodnight. "

#TorpeWhere stories live. Discover now