Shawn's POV
*Sa School*
Inagahan ko ang pagpasok ng school ngayon para makausap si Jacob. Pakiramdam ko hindi pa rin okay ang lahat e. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. All he ever wanted was for me to be happy but I doubted him. I accused him.
Pagpasok ko ng classroom nakita ko si Cael. Mukang siya rin inagahan ang pasok. Wala pa si Jacob. Tumingin siya sakin.
" Wala pa si Jacob? " Tanong ko.
Iling lang ang sinagot ni Cael.
" Siguro late lang. Lagi namang late yun e. Haha. " I was trying to lighten up the mood kaso hindi effective. " Okay na ba kayo? " Maya-maya ay sabi ko na ikinagulat niya. " Nakita kong sinuntok mo siya. "
" Hindi pa. " Nang makabawi.
" Kami rin e. " Sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
" Bakit? "
" Hindi mo alam?? " Gulat na sabi ko.
" Ang ano? "
" Sinuntok ko rin siya kahapon. "
" Ano?! " Napatayo siya.
" Chill ka lang! " Napatayo rin ako.
" Bakit mo siya sinuntok?! Anong karapatan mo?! " Galit na sigaw niya sakin.
" Ikaw may karapatan tapos ako wala?? " Medyo naiinis na sabi ko. Natigilan naman siya. " Gaya mo, akala ko inagawan niya rin ako pero nagkamali ako. Maling mali ako. "
" Mali ka talaga! Hindi kayang gawin ni Jacob yon! "
" Sabi ng taong unang nagduda at sumapak sa kanya?? "
" Oo na! Mali na nga ako e. Alam ko na yon. "
" Ako rin naman e. Alam kong mali ako. Maling mali. Kaya nga inagahan ko pasok ko ngayon para mag-sorry sa kanya e. " Tumingin ako sa upuan niya. " Kaso wala siya. " Tapos umupo na ko.
" Hoy! " Tawag niya sakin. " Para sabihin ko sayo, pareho lang tayong walang karapatan na suntikin siya. "
" Alam ko. Teka, naalala mo nung hinahanap ko ng kodigo si Jacob? Nagalit ka sakin non. " Tumawa ko ng pagak.
" Anong pinapalaba mo? " Medyo napikon na sabi niya.
" Chill ka lang. Wala kong masamang pinaparating. Ang sinasabi ko lang, nakalimutan ko yon. Dapat siguro hindi ko inalis sa utak ko yon. " Hindi siya sumagot. " Tingin mo magiging okay pa kami? "
" Ewan ko. "
" Siguro hindi na. " Sabi ko tapos huminga ng malalim. " Alam mo yung sinapak mo na nga siya tapos pinagdudahan tapos paglabas niya ng school, inulit ko pa? Haha. " Tumawa ko ng walang saya. " Ang sama ko. "
" Kung humihingi ka ng comfort sakin, mali ka ng taong nilapitan. " Sabi niya.
" Ang sungit mo, alam mo yon? "
" Hindi ikaw ang unang nagsabi niyan. "
" Bakit ka ba ganyan sakin? May nagawa ba ko sayo? "
" Ganito ako sa lahat ng tao. Wag mong isiping espesyal ka. "
" Tss. Yabang. " Haharap na ko sa board nang pumasok si Freeman.
" Hoy ikaw! " Sigaw ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako tapos diretcho umupo na sa upuan niya. " Hoy! Kinakausap kita! Dahil sayo kaya inaway ko Jacob! Kasalanan mo kung bakit hindi kami okay ngayon! " Hindi niya ko pinansin.
YOU ARE READING
#Torpe
Fiksi RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!