Bella's POV
*Lunch*
Dumaan yung mga araw mas naging close kami ni Micael. May mga pagkakataon na siya na yung nagyayaya samin. Mas napapadalas na yung pagtawa niya. Kapansin pansin talaga yung pagbabagong nangyari sa kanya pagkatapos nung araw na galing kami kila Joyce. Tulad ngayon sabay kaming kumakain. Kaming dalawa lang.
" Huy! Ano? Nakikinig ka ba? " Sabi niya.
" Huh? Ano nga yung sinasabi mo? "
" Ay nako po. Di naman pala nakikinig. Hahaha. " Ang sarap pakinggan ng tawa niya. " Ano bang iniisip mo? "
" Ah. Eh. Wala naman. May naalala lang ako. Wag mo ko pansinin. "
" Ah. Okay. " Tapos ngumiti lang siya. Ang gwapo niya talaga. " Ahm... Bella.. " Maya-maya sabi niya. " May gagawin ka ba mamayang after class? "
" Wala naman bakit? " Sagot ko.
" Ah. Kase binigyan ako ng Jacob ng ticket sa sine. Hindi daw sisipot yung ka-text niya kaya binigay niya na lang sakin. "
" So, gusto mong tayo na lang gumamit ng ticket? Parang date? " Tanong ko.
" Ah... ano.. hindi naman date. Kasi ano—"
" Sure! "
" Okay lang sige. Next time na lang. "
" Anong next time na lang? Sabi ko sure! "
" Ha? O-oo nga. Pu-pumayag ka. Ha-ha-ha. " Alanganing tawa niya.
" Hahaha. Ang cute mo talaga kapag nahihiya ka. " Sabi ko na ikinapula ng muka niya.
" Hey guys! " – Jacob
" Hi! " Sabi ko.
" Hey! Jake thanks sa tickets na binigay mo ah? "
" What tickets? " nagtatakang tanong niya.
" Yung tickets na binigay mo kay Cael. Ano pala nangyari sa ka-date mo? "
" Ka-date ko? Sinong--- Aray! "
" Oh? Bakit? "
" Ah. Wala. Wala. Sinipa kasi ako ng langgam e. " Ano daw? Sinipa ng langgam? Wirdo rin talaga minsan to si Jacob e. " About the tickets. Yeah. Yeah. Sure! Enjoy kayo. " Nakangiting sabi niya pero hindi sakin nakatingin.
" Okay. Maiwan ko na muna kayo boys. May klase na ko e. See you! "
" Okay. See you! " – Jacob
" Hatid na kita sa room mo. " – Micael
" Hindi. Okay lang. kasabay ko naman sila Nikka. Kumain ka lang jan. Salamat! " Sabi ko at umalis na.
Micael's POV
" Sa susunod na gagawa ka ng kwento na dawit pangalan ko siguraduhin mo namang alam ko. " – unggoy
Tiningnan ko yung paligid kung nakaalis na ba talaga Bella at nang malaman kong secured na yung lugar, nilapit ko yung muka ko sa muka ni unggoy.
" Oy. Teka pare. Teka. Alam ko gwapo ako pero di tayo talo! "
" Manahimik ka! May ibubulong lang ako! "
" Ah. Okay. " Nilapit niya na rin ulo niya. " Ano yon? " Bulong niya.
" Aaminin ko na sa kanya. Sasabihin kong gusto ko siya at liligawan ko na siya. "
" WAY TO GO MAN! ISA KA NANG GANAP NA SPARTAN!! " Nagtinginan yung mga tao sa paligid naming kaya napayuko na lang ako. Di talaga marunong mahiya tong unggoy na to!
" Umupo ka na nga! "
" Okay. Haha. I'm just happy for you man. Hindi ka na torpe! "
" Salamat ah! " Sarkastikong sabi ko.
" You're welcome dude! Anytime! " Nakangiti pa tong unggoy na to.
" So, what's the plan? "
" Anong what's the plan? Walang plano. Hindi ka kasama sa plano. "
" What?! Why?! "
" Kase ayoko lang. "
" Aww man! This is one of the most unforgettable moments of your life tapos hindi ako kasama? " Nag-pout pa.
" Hoy! Tigilan mo ko sa kaartehan mo. Hindi mo kina-kyut yan. Basta. Kaya ko na to. " Hindi ako sigurado pero tingin ko kaya ko naman na to... siguro.
" Okay! I'm only one call away if you need anything. " Nakangiti na siya. Isa to sa gusto ko sa taong to e. Magtatampo pero maya-maya okay na pero unggoy pa rin siya sa paningin ko.
" Hey bro. I met some guy kanina. "
" Sabi ko na nga ba bading ka e. "
" Tanga! Hindi ganon. Actually, classmate natin siya. Malaking tao. Malaki ng konti yung tiyan. "
" Oh? Anong meron sa kanya? "
" Wala naman. Kinaibigan ko rin. Hahaha. "
" Hindi ka na ba mahal sa inyo kaya kunsino sino na lang kinakaibigan mo? " Natigilan siya sa sinabi ko pero ngumiti rin naman maya-maya.
" He's a LOL player din. Kaso just like you, hindi rin yata sanay sa tao yun. "
" Hoy! Sanay ako sa tao! "
" Whatever. My point is, he needs us. "
" Pano mo naman nasabi. "
" Feeling ko lang. Hahaha. "
" Bahala ka. Kaibiganin mo kung gusto mo. Basta ko, may date mamaya. " Na-excite ako sa date naming ni Bella mamaya.
" Wow. Who are you?! What did you do to my friend?! " Nanlalaki matang sabi niya.
" OA mo. Hahaha. " Sabi ko nang natatawa at natawa na rin siya.

YOU ARE READING
#Torpe
Novela JuvenilThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!