Micael's POV
*School*
Palakad-lakad ako sa hallway ng building nila Bella. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya o dapat ko bang sabihin sa kanya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko dapat kong sabihin sa kanya. Nasan ba yung unggoy na yun kapag kailangan siya?
" Cael? " – Bella.
" Uy! Ah... Hi? "
" Anong hi? Haha. Kanina ka pa ba jan? "
" Uhh. Hindi naman. Kararating ko lang. " Pagsisinungaling ko.
" Anong ginagawa mo jan? Kumain ka na ba? Tara sabay na tayo mag-lunch! "
" Ah. Sige. Tara. "
Nakatingin lang ako sa kanya at pinanonood siyang kumain. Ang ganda niya talaga.
" Huy! Baka naman matunaw ako niyan? Haha. " Biro niya sakin nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya.
" Ah. E. Sorry. Ang ganda mo kasi e. " Nag-iwas siya ng tingin dahil sa sinabi ko. " Cute mo kapag nahihiya ka. Haha. " Napansin kong parang namumula siya.
" Micael tigil tigilan mo ko ah? " Kunyaring galit na sabi niya.
" Bakit? Totoo naman kasi. "
" Oo na. Salamat. "
" Ah... Bella? "
" Hmm? "
" May tiwala ka ba sakin? "
" Oo naman. Haha. Bakit? "
" Ah. Wala. " Nginitian ko na lang siya. Konting paghihintay lang Bella. " Bella, pagtapos kumain may klase ka pa? "
" Alam ko di papasok prof ko e. isang subject na lang yun. Bakit? "
" Alis tayo. "
" San tayo pupunta? "
" Sa Zoo. "
Bella's POV
*Sa Zoo*
" Grabe! Ang tanda ng elepanteng to oh! Tingin mo hanggang kelan na lang yan mabubuhay? " Sabi ko.
" Grabe ka. Haha. Tataningan mo talaga yung elepante? "
" Hindi sa ganon. Hahaha. Ang tanda na kasi niya e. Siyempre mamamatay rin yan. "
" Oo nga pero wag mo naman taningan. Mamaya magkatotoo kawawa naman yung elepante. Haha. "
" Anong kawawa? Ayaw mo nun? Hindi na siya mahihirapan? Hahaha. "
" Minsan may pagkasadista ka rin e no? "
" Hindi naman! Haha. Tara dun tayo sa tiger! "
Naglibot-libot pa kami. Sumakay rin kami sa bangka. Grabe! Ang saya talaga dito. Naalala ko tuloy dati lagi kaming pumupunta nila mama dito.
*Flashback*
" Ma! Dun tayo sa lion Ma! " yaya ko kay mama.
" Teka anak. Dahan-dahan at baka mabitawan ko tong kapatid mo. "
" Ang laki-laki na kasi niyan ni Tristan e. Ibaba mo na lang siya. "
" Hindi pwede anak. Iiyak to. Tara na dun sa lion. "
" Yehey! "
" Bella. Huy Bella! "
" Ay. Ano yun? " Nakasakay pa rin kami sa bangka.
" Kanina ka pa nakatulala diyan. Hahaha. "
" Ay. Sorry. Naalala ko lang nung maliit pa kami ni Tristan lagi rin kasi kami pumupunta nila mama dito. Favorite kong puntahan yung lion. "
" Lion? Sayang matagal nang walang lion dito e. "
" Oo nga e. Alam mo ba? Nung araw na namatay yung lion nandito kami non. Iyak ako ng iyak. Sabi ko kay mama kawawa naman yung mga anak niya. Maiiwanan niya. Tapos sabi ni mama okay lang yon anak. Nanjan pa naman yung mga tigers. Friends naman daw sila. Tapos iiyak ulit ako tas sasabihin kong hindi pwede yun kase magkaiba sila ng pamilya. Hahaha. Nakakahiya pala ko non. "
" Iyakin ka pala nung bata. Hahaha. Nasan nga pala papa mo? "
" Ah... wala e. Bata pa lang kami nung iniwan niya si mama. Baby pa si Tristan non. Sabi ni mama lagi raw ako nasa pintuan non. Araw-araw ko raw inaantay si papa. Antay lang ako ng antay hanggang sa isang araw napagod na siguro ko. Isang araw nagising na lang ako na tanggap ko na na hindi na babalik si papa. "
" Ay. Sorry. "
" Hindi. Okay lang. Matagal na naman yun e. Haha. " Nabigla ako nang hawakan niya yung kamay ko.
" Bella... ako... hindi kita iiwan. " Seryosong sabi niya.
" E paghihintayin? Matagal mo rin ba kong paghihintayin? " Nagulat siya sa sinabi ko. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yon. Siguro masiyado na kong naging sentimental kaya lumabas na yung nararamdaman ko. Nagulat ako ng bigla niya kong hilahin at yakapin.
" Sorry Bella. "
" Okay lang. Ano ka ba? Haha. Kung hindi ka pa handa, okay lang. " Tiningnan niya lang ako. " Tara uwi na tayo. " Yaya ko sa kanya.
Pagdating samin pinigilan niya ko bago akopumasok. " Konting hintay lang Bella. Konting hintay. " Sabay yakap at halik sa noo ko. Maghihitay ako Cael. Kahit matagal. " Sige na. Baka gabihin ka pa. Ingat. "
" Sige. " Magiging okay tayo Bella. Pangako.

YOU ARE READING
#Torpe
Fiksi RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!