Chapter 16: TORPE # 1

30 2 0
                                    


Micael's POV

*Sa Classroom*

" Sino ang unang nakadiskubre sa Pilipinas? " – Prof. History

" Sir! Si Magellan po! " – Sagot ng kaklase ko.

" No Sir! Mga Negritos po. " – Si Unggoy.

" Anong Negritos e hindi pa naman Pilipinas tawag sa bansa natin nung nakarating sila? " – sagot ng kaklase ko.

" E sabi ni sir unang nakadiskubre, nadiskubre ni Magellan tong bansa natin may mga nakatira na. Pinatay nga siya ni Lapu-Lapu diba? "

" Oo nga pero si Magellan pa rin. Inikot nga nila yung mundo e. " Nako po kang bata ka. Kung ako sayo titigil na ko. Hindi magpapatalo yang unggoy na yan.

" Ano ngayon kung inikot nila? Ang tanong sino nakadiskubre di naman kung sino yung umikot e. Hahaha. " Nagtawanan mga kaklase ko sa sagot ni Unggoy.

" Tama na yan. " Sabi ng prof. " Tama si Mr. Del Villar. Mga negritos nga ang unang nakadiskubre sa Pilipinas. "

" Tss. Bida-bida. " Bulong nung kaklase namin na napahiya. Natawa na lang ako.

" Oy. Bakit ka tumatawa? " – unggoy

" Wala. Haha. "

" Paktay na! May sapak ka na. "

" Tanga. Wala. Natatawa lang ako dun sa kaklase natin na nakipagtalo sayo. "

" Ah. Bakit? "

" Bumulong kasi. Bida-bida ka daw. Hahaha. "

" Ah. Oo. Narinig ko. Haha. " Narinig niya pala.

" Okay lang sayo? "

" Bakit naman hindi? Haha. "

" Ewan ko sayo. Haha. " Kakaiba talaga tong unggoy na to.

Nang matapos ang klase, nagpaalam si Unggoy na aalis daw siya at magka-cut ng klase.

" Sige magkikita rin muna kami ni Bella. "

" Okay. Bye bro! "

" Ge. Ingat. "

Tinext ko na si Bella na magkita kami sa canteen.

Bella's POV

" Girls, punta muna ko canteen. Kain lang kami ni Cael. "

" Okay. " Sabi nila Nikka.

Papunta na ko ng canteen nang makasalubong ko si Jerome.

" Hi! " Bati niya.

" Hello. " Sabi ko. Naiilang talaga ko sa lalaking to.

" San ka pupunta? "

" Sa canteen. Nandun boyfriend ko e. "

" Ah. Samahan na kita. "

" Ah. Hindi na. Sige. Salamat na lang. " At nagmadali na kong naglakad. Sinusundan niya pa rin ako at bigla niya kong hinawakan sa braso.

" Iniiwasan mo ba ko? "

" Huh? Bakit kita iiwasan? " May toyo ba to?

" Hindi kita nakikita netong mga nakaraang araw e. "

" Huh? Dapat ba magpapakita ako sayo? Hahaha. " Natawang sabi ko pero naiinis na ko.

" Hindi mo ko pwedeng iwasan Bella. " Huh? May toyo nga yata to? Napatingin ako sa paligid. Nandito pala kami sa ghost hallway. Kakamadali ko hindi ko na napansin na dito na ko napunta.

" Akin ka lang Bella. " Sabi niya at sabay itinulak ako sa pader at akmang hahalikan.

" Teka! Teka Jerome ano ba?! Jerome! Tulong! Tulungan niyo ko! " Sinikmuraan niya ko.

" Hoy! Tarantado ka! " Yun na lang ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.

*Sa Clinic*

Unti-unti kong dinilat yung mata ko. Tumingin ako sa paligid. Clinic. Nakita ko si Cael na nasa gilid ko.

" Okay ka na ba? " Tanong niya.

Pinakiramdaman ko sarili ko. " Oo. Okay ako. Nawalan lang naman ako ng malay. Sa kaba na rin siguro. "

Nakita kong nakakuyom yung kamay niya. May pasa siyas a pisngi at dugo sa damit. Bukod don, wala na.

" Si Jerome? Asan na siya? "

" Wala na yung hayop na yon. Sinabi ko na sa nurse ang nangyari. Baka ngayon nasa dean's office na yon at ie-expell. "

Tiningnan ko ulit siya. " Ikaw? Okay ka ba? May pasa ka oh. "

" Bella, muntik na. "

" Anong muntik na? "

" Muntik ka na mapahamak kanina. Kung di pala ko umalis ng canteen baka kung ano na nagawa ng g*gong yun sayo! "

" Hayaan mo na. Okay na naman e. Naligtas mo nga oh. " Nakangiting sabi ko para mabawasan yung galit na nararamdaman niya. " Pogi ng superhero ko! " Tapos hinalikan ko siya sa pisngi. Umiwas siya ng tingin. Ayan na naman siya. Haha. Cute! " Wag ka na magalit. Okay naman na ko. "

" Subukan niya lang ulit gawin yon—"

" Hindi na mangyayari yon kase expelled na siya. " Napatingin kaming dalawa sa bagong dating na nurse. " Nakitaan siya ng Marijuana sa bag niya at halata sa kanya na gumamit siya non ngayong araw. "

" Grabe naman pala si Jerome. "

" Buti nga sa kanya. " – Cael

" Miss Alvarez, kung okay na ang pakiramdam mo, pwede ka nang umuwi. "

" Okay po. Salamat po. " Sabi ko sa nurse. " Tara na Beb. "

" Tara. " Hinawakan niya yung kamay ko at lumabas na kami ng magka-holding hands.

Paglabas namin ng school, nakita namin si Jacob.

" Jake! "

Nagulat pa siya nang tawagin naming siya. " Uy! Andito na pala kayo. "

" Oo. Okay ka lang? "

" Yeah. Ahm... B? "

" Bakit? "

" Anong mararamdaman mo kung isang beses makita mo tatay mo? " Nagulat rin ako sa tanong niya. At bigla akong kinabahan.

" Bakit? "

" Okay. B, first of all. I want to say sorry if I overstepped but I want you to understand that he only wants what's best for you. "

" Anong ibig mong sabihin Jacob? " Kinakabahan na talaga ko.

" Pare anong nangyayari? " – Cael

Tumingin muna siya saming dalawa. Palipat lipat at huminga ng malalim. " B, you're father is here. "


#TorpeWhere stories live. Discover now