Bella's POV
*Sa School*
" Girls, anong nangyari kay Jacob kagabi? "
" Di nga rin namin alam e. " – Nikka.
" Sabi niya something unexpected came up daw. " – Joyce
" Sayang. " Bulong ko.
" Sayang? Hoy! Anong sayang ha?! " – Nikka. Kahit kelan talaga. Talas ng pandinig ng babaeng to.
" Wala. "
" Dali na chups! Sabihin mo na! " – Nikka.
" Wala naman. Kasi kagabi tinanong ko si Micael kung galit ba siya saten. Saken. Sabi niya hindi naman daw. "
" Bakit nga naman siya magagalit saten. Sayo? " – Joyce
" Kasi nga diba? Nung tinawag ko si Jake dun sa room nila napalakas yata sigaw ko. Nagising ko yata siya. "
" Ang babaw naman niya kung nagalit siya dun. Pero sabi niya hindi naman daw diba? Edi hindi. " – Nikka.
" Hindi galit pero laging nakasimangot o kaya di namamansin? "
" Affected ka naman masiyado girl. Hahaha. Bet mo talaga no? " – Joyce
" Hindi naman sa ganun. Medyo curious lang ako. " Yeah. Curious nga lang ako.
" Kami ba kinukumbinsi mo o ang sarili mo? Hahaha. " – Nikka. Tapos tiningnan niya ko ng nakakalokong tingin.
*Lunch*
Nasa canteen na kami ng may lumapit samin. " Hi! "
" Ah? Hello? " Alanganing sagot ko.
" Ikaw si Bella diba? Isabella Nicole? "
" Ah. Oo? Bakit? "
" Ako nga pala si Jerome. Jerome Garcia. Ka-batch niyo ko nung high school. "
" Ay. Talaga? Sorry. Di kita maalala e. "
" Okay lang. Haha. Pwede ba kong tumabi sa inyo? "
Tiningnan ko sila Nikka. Mukang ayaw nila. Makaganti nga dahil sa pang-iiwan nila sakin sa bar kahapon. " Sure! " Nginsian ko sila Nikka.
" Thanks! Hello. Ikaw si Dominique diba? Ikaw naman si... Ahm... "
" Joyce. Joyce Hernandez. " Sabi ni Joyce na nakangiti ng alanganin. Halatang naiirita. Hahaha.
" Joyce tara. Nawalan na ko ng gana. Punta na lang tayo sa library. Nguya tayo papel. " - Nikka
" Teka di pa ko tapos kumain e. " – Joyce.
" Hayaan mo na yan. " Sabay hatak kay Joyce. Iniwan na naman nila ko. Galing talaga.
" O... kay. So, Bella, anong course mo? "
" MassCom. Ikaw? " Muka naman siyang mabait. Bakit kaya parang inis sila chups sa kanya?
" Engineering. Civil Engineering. "
" Wow! Puro math! Haha. "
" Yeah. Mukang mali nga yata ko ng pili e. Dapat pala nag-MassCom ako. Haha. "
" Huh? Bakit naman? Maganda naman yung course mo ah? "
" Kase nasa MassCom ka. " Nagulat ako sa sagot niya. Nakatitig siya saken. Di ko alam pero naiilang ako sa titig niya. Di katulad kay... Nako. Siya na naman.
" Hi there! " Biglang may umupo sa tabi ko. Si Jake pala. Biglang libot yung mata ko sa paligid.
" Wala siya. Nasa room pa. Kausap ni prez. "

YOU ARE READING
#Torpe
Genç KurguThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!