Kim's POV
*Sa Classroom*
" Kim, sino yun? " - Christelle
" Ah. Si Shawn. "
" Boyfriend mo? "
" Ahm... ewan? "
" Anong ewan? Boyfriend mo hindi mo alam? "
" Hindi sa ganon. Magulo kasi. Komplikado. "
" Ay alam ko na to. MU? "
" Parang ganon? "
" Ano bang MU sayo? Malabong Usapan sakin e. Hahahaha. " Tumawa siya ng malakas.
" Hoy! Kahit kelan ka talaga. Wag ka nga maingay. "
" Ano ka ba? Ayos lang yan. "
" Kahit na. Nakakahiya. "
" Sus! Marami namang dumaan sa ganyan. "
" Huh? Hindi yung samin baliw! Yung tawa mo nakakahiya! Makatawa kala mo walang bukas! "
" Ay. Hahaha. Sorry naman. " Natawa na rin ako. " Teka, kelan mo ba ipapakilala samin yan? "
" Ewan. Kapag nagkita na kami. "
" Ano?! Hindi pa kayo nagkikita?! "
" Ah... e... hindi pa. " Napayuko ako.
" Ay nako siya! "
" E bakit? Okay naman siya e. "
" Malamang okay yan. Text yan e. Lahat naman ng lalaki okay sa text e kase lahat sila magaling lang sa salita. Lahat sila manloloko. Lahat sila dadaanin ka sa text tapos kapag nahulog ka na, iiwan ka! Ganyan yang mga lalaking yan! "
" Teka Tel. Kami pa ba yung topic dito? "
Natigilan siya. " Ah. Ano? "
" Humuhugot ka na e. "
" Hindi ah! Ang ibig ko sabihin, bakit ka nakikipag-MU sa taong hindi mo pa nakikita? "
" Ano namang masama don? "
" Masama yon kase hindi mo siya kilala. "
" Kilala ko naman siya... konte. "
" Sige. San siya nakatira? "
" Sa Batangas pero sa QC sila nakatira ngayon. "
" Okay. Anong favorite color niya? "
" Pink. "
" Pink?! Tignan mo?! Bakla yan!! "
" Ano ka ba naman Tel? Bakit? Anong masama sa pink? "
" Sige. Anong mga pangalan ng mga magulang niya? Anong trabaho? Anong pangarap niya sa buhay? Mayamn ba sila? Kaya ka ba niyang buhayin? "
" Teka. Teka. Isa-isa lang! " Putol ko sa kanya. " Kailangan ba alam ko lahat yon? Hindi naman kami ikakasal! Ni hindi ko pa nga boyfriend e! "
" Kahit na. Dapat pa rin nag-iingat ka! "
" Oo na. Oo na. "
" Siguraduhin mo lang Kimberly ah! Kapag ikaw umiyak dahil sa lalaking yan, habang umiiyak ka, kinukutusan kita. "
" Ang brutal mo naman. "
" Aba! Kailangan mo yon para di ka na maging tanga. " Lumayo siya ng konti. Nakatalikod sakin. " Para kapag naulit, alam mo na. Para kapag niloko ka, handa ka na. Tulad ko... " Patay. Magkkwento na naman siya ng masalimuot niyang love stories. Unti-unti akong umatras at saka lumabas ng pinto.
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!