Chapter 14: TORPE # 1

29 2 0
                                    



Micael's POV

*Tapat ng School*

" Bella pumunta ka please? Pumunta ka. " Sabi ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa kong nag-antay. Pero wala pa ring Bella na dumarating.

" James!! "

Kung sino pang ayaw mo makita yun pa yung nagpakita.

" Anong ginagawa mo dito?! " Sigaw ko kay Sheena.

" Totoo ba?! Kayo na?! "

" Anong pinagsasasabi mo?! Umalis ka na nga! "

" Micael. "

" Bella... " Napatingin ako sa kasama ko tapos kay Bella ulit. " Bella, hindi. Ano. Wala to. Inaantay kita dito tapos—"

Hindi niya ko pinansin. " Hi! Sheena, right? " Irap lang sinagot ni Sheena sa kanya. Natawa si Bella. Naguguluhan na ko.

" Sheena, wala ka bang ibang magawa? " Malumanay na tanong ni Bella.

" Wala kang pakialam. "

" Ah. So ikaw pwedeng makialam samin ng boyfriend ko? "

" Boyfriend?! – Sabay na sabi naming ni Sheena.

" So, totoo nga? Kayo na nga? " Mas sakin nagtatanongsi Sheena.

" Oo. At pwede ba? Tantanan mo na kami. Matagal na kayong tapos. Iniwan mo siya, ngayon akin na siya. "

Huminga ng malalim si Sheena at nagdadabog na umalis. " Hindi pa tayo tapos! " Pahabol pa niya na nakatingin ng matalim sakin at tuluyan nang umalis.

Tiningnan ko si Bella. Nagtataka ko. Hindi ko alam sasabihin ko.

Tumawa siya. " Oh? Ano? Tititigan mo na lang ako? "

" Ah—e. Yung si-sinabi m-mo ka-kanina? "

" Alin don? " Natatawang sabi niya pa.

" Yu-yung bo-bo-boyfriend m-mo ko? A-ano? To-to-totoo ba yun? "

" To-to-totoo yun! " Sabi niya sakin na ginagaya pa yung pagkautal ko.

" Pe-pero di-diba—"

" Hay nako James Micael Villareal! Ang angas-angas mo pero napakaTORPE MO! Halika na nga dito! " Hinatak niya ko at sabay hinalikan. Nabigla ako pero agad ding nakabawi. Tinugon ko yung halik niya.

" Oyoyoyoyoyoyoy! Bawal yan dito! PDK yan! Public Display of Kalandian! " Napahinto kami at napatingin sa nagsalita. Si unggoy pala.

" Panira ka talagang unggoy ka! " Kunyaring iritang sabi ko sa kanya.

" Hala! Anong sinira ko?! " Kunyaring walang alam na sabi niya.

" Yung muka mo. Mamaya sisirain ko. " Kunyaring pananakot ko sa kanya.

" Joke lang. To naman di mabiro e. " Hahaha. Nagkatawanan na kaming lahat. " Looks like okay na kayo. My job's done! "

" Anong your job's done? "

Lumapit siya samin ng konti at akmang bubulong. " Satin-satin lang to ah? Anak kasi ako ni Kupido. Isa akong anghel na galing sa langit na nahulog sa lupa tinuka ng manok na nanggaling pa sa bundok. Dok. Dok. Dok. " Sabi niya na ginagaya pa yung tono ng larong pambata na ' I want to be a tutubi. ' " Aray ko! " Binatukan ko. " Nakakarami ka na sakin ah! " Asar na sabi niya.

" Hahahaha. Siraulo ka kasi e. "

" Mas sira kaya ulo niyong dalawa! "

" Oh? Bakit nadamay ako? " Nagtatakang tanong ni Bella.

#TorpeWhere stories live. Discover now