Micael's POV
*Tapat ng sinehan*
" Happy monthsarry Beb! " Sabi ni Bella at nag-abot ng paper bag. Hindi ko agad inabot kase natulala ako sa kanya.
" Ang ganda mo. " Napayuko siya. Cute talaga ng mahal ko. Haha. Tiningnan ko ulit yung paperbag at kinuha na. " Wow. Akala ko ba walang regalo? "
" E di ko kaya e. Haha. "
" Grabe. Thank you! "
" Mamaya mo na buksan. " Pigil niya sakin nang akmang bubuksan ko na. " Tara na? " Yaya niya.
" Tara. " Papasok na kami nang mapatingin ulit ako sa suot niya. Dress na pula na kapit na hapit sa katawan niya. " Hulaan ko. Si Nikka pumili ng damit mo? "
Tango lang isinagot niya na ikinatawa ko. " Okay lang naman e. Ganda mo nga e. " Yuyuko sana siya pero pinigilan ko siya. Namumula siya.
" Cute mo talaga kapag nahihiya ka. Haha. Bella, dapat hindi ka nahihiya kapag sinasabihan ka ng maganda ka. Dapat proud ka. "
" E! Hindi ako sanay e. "
" Bakit? Wala bang nagsasabi sayo na maganda ka? "
" Meron naman kaso kapag ikaw kasi nagsasabi nakakahiya. "
" Oh? Bakit? Anong meron sakin? "
" Ewan ko! Basta! " Natawa na lang ako.
" Tara na upo na tayo. "
Pagkatapos naming manood, kumain kami at ngayon, nakaupo na kaming dalawa sa sea side. Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko.
" Ang ganda ng dagat no? "
" Oo. Kung hindi lang marumi. " Sabi ko nang natatawa.
" Hindi yung ibig ko sabihin, sira! Haha. Ibig ko sabihin, ang ganda niya kase parte siya ng nature. Tapos ang lawak-lawak niya. Andaming isda na umaasa sa kanya. "
" Oo. Tapos sinisira lang nga tukmol na nagtatapon ng basura. Nakikita mo ba yon? " Turo ko sa lumulutan sa dagat. " DIAPER! "
" Yuck! " Nandidiring sabi ni Bella pero natatawa rin.
" Alam mo dapat sa mga taong nagtatapon ng basura sa dagat pinuputulan ng kamay e. "
" Ang sadista mo! Haha. "
" E kasi naman. Kakasabi mo lang kanina, andaming isdang umaasa sa kanya. Pano na lang yung mga isdang may pamilya diba? Napanood mo ba yung Finding Nemo? Pano makikita ni Merlin si Nemo kung puro diaper at plastic yung haharang sa kanya? " Pagtingin ko sa tabi ko, tumatawa siya. " Bakit? "
" E kasi pati sila Nemo dinadamay mo e. Hahaha. "
" Kasi naman diba? Sila kaya? Siguro feeling ni Nemo ngayon pinabayaan na siya ng tatay niya. " Biglan natahimik si Bella. " Oh? Bakit? "
" Huh? Wala naman. "
" Bakit nga? "
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. " E kasi naalala ko na naman bigla tatay ko. "
" Ay. Sorry. "
" Hindi. Baliw! Haha. Di mo naman kasalanan. Naisip ko lang bigla. Para siguro kong si Nemo. Inaantay ko yung tatay ko kaso ang pinagkaiba, mukang di naman ako hinahanap ng tatay ko. Pinabayaan niya na talaga kami. " Natahimik ako. " Ang drama ko na naman! Hahaha. " Natatawang sabi niya pero hindi abot sa mata.
" Malay mo naman para ring si Merlin yung papa mo? Natabunan lang ng basura yung daanan niya kaya di ka niya mahanap? " Natahimik ulit siya sa sinabi ko. " Oh? Bakit na naman? "

YOU ARE READING
#Torpe
Fiksyen RemajaThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!