Shawn's POV
Paggising ko. Chineck ko agad phone ko. Nadismaya ko nang walang text. Bumangon na ko.
" Ligo na nga ko. "
" Christian, kailangan mo daw umuwing Batangas. "
" Bakit daw po? "
" May ipapakuha ang daddy mo. "
" Si kuya na lang nay! "
" Hindi pwde ang kuya mo. May trabaho. "
" E bakit ako? May pasok ako. "
" Sige na Shawn. Ikaw na! " Sabi ni kuya na nakangisi. Walang pasok to e!
" Si kuya na lang Nay! Wala namang pasok yan ngayon e! " Nanlaki mata ni kuya.
" Totoo ba yon JayJay? Wala kang pasok?? "
" Opo. " Sagot ni kuya.
" Ayun naman pala. Ikaw na ang lumuwas ng Batangas. " Napangisi naman ako sa sinabi ni Lola
" Oho. Ako na. " Nilapitan niya ko sabay batok.
" Aray! Nay oh! Namamatok si Kuya! " Natatawang sabi ko.
" Hindi nay! Sinungaling yan! "
" Anong hindi! Aaray ba ko kung wala? "
" Nako! Magtigil nga kayong dalawa't kay aga-aga! Ikaw Christian, maligo ka na't may pasok ka kamo diba? "
" Opo Nay. " Bago ako pumasok ng banyo, binatukan ko rin muna si kuya sabay takbo.
" Humanda ka sakin Shawn! Wag kang lalabas ng banyo! "
Naligo na nga ako ng tumatawa.
Nang matapos akong maligo, tumingin muna ko sa labas. Wala si kuya. Pumasok ako sa kwarto para magbihis.
Paglabas ko, biglang may tumamang bote ng dalawang litrong sprite sa ulo ko tapos nakita ko si kuyang tumatakbo palabas. " Araaay! " Parang bata! Haha. Maya-maya tumunog yung phone ko. Dali dali kong pinulot at nadismaya ako ng si Kim lang pala ang nag-text.
Hi Shawn. Kamusta?
Hindi ko siya ni-replyan. Lumabas na ko ng bahay at pumasok na sa school. Bago pumasok ng classroom, nilipat ko sa vibrate mode ng phone ko.
Maya-maya, nag-vibrate. Pagtingin ko, si Kim pa rin. Nakakainis.
Shawn, alam ko galit ka pa rin. Sana mapatawad mo na ko.
Ano ba problema ng babaeng to? Binaba ko na phone ko. Maya-maya nag-vibrate ulit. Hindi ko na tiningnan pero biglang may kamay na kumuha galing sa likod ko.
" Shawn, sorry talaga. From Kim. Uy! Si Kim nag-text oh! "
" Akin na nga yan. " Kinuha ko na.
" Ooops! Someone's grumpy. Hahaha. "
" Pakialamero mo kasi. "
" Parang binasa lang. Haha. So, why? Galit ka pa sa kanya? "
" Hindi. Wag ka na nga muna makulit Jacob. " At tumigil nga siya.
Paglabas namin ng classroom, lumapit si Jacob.
" Bro, okay ka lang ba? "
" Hindi. "
" Why? "
" Ewan ko. Hindi ko rin alam e. "
" Tara bilis. Canteen tayo usap. Habang kumakain. " Nakangiting sabi niya.
YOU ARE READING
#Torpe
Teen FictionThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!