Shawn's POV
*Sa Bahay*
Tinatawagan ko si Jacob pero hindi siya sumasagot. Nanonood ako ngayon ng TV nang makita ko siya sa balita. Nang sumuko na ko, biglang tumunog ang phone ko.
" Hello? "
" Shawn, si Christelle to. "
" Oh? Bakit? "
" Nanonood ka ng TV ngayon? " Alam rin pala niya.
" Oo. Nakita mo rin? "
" Oo. Anong nangyayari? "
" Hindi ko nga rin alam e. "
" Okay lang ba si Jacob? "
" Ewan ko. Sana. "
" Sana nga okay siya. " Tapos mga ilang segundong katahimikan tapos huminga siya ng malalim. " Ikaw? "
" Anong ako? "
" Okay ka ba? I mean, okay ka na ba? "
" Hindi ko rin alam e. Nasaktan ako, oo pero mas nangingibabaw ngayon yung guilt na nararamdaman ko e. "
" Okay lang yan. Magiging okay rin kayo. "
" Yun na nga yung nakaka-guilty lalo e. Okay lang sa kanya. "
Huminga ulit siya ng malalim. " Importante talaga kayo kay Jacob no? "
" Kaya nga nakakapanghinayang kung magagalit siya at masisira friendship namin e. "
" Hindi naman siguro mangyayari yon. Dun sa nakita ko, hindi si Jacob yung tipong magagalit agad. Hindi ko siya kilala pero sa paraan ng pag-handle niya sa galit mo noon, iba. Inuna niya yung nararamdaman mo bago yung kanya. "
" Exactly! Nasapak na siya ni Cael, sinuntok ko pa siya. Pinagbintangan na sa loob, pinagbintangan pa paglabas. Grabe. Ang hirap ng ganito. "
" Grabe mga pinagdaanan niyo. Ilang taon na ba kayong magkakaibigan? "
Natawa ko. " Wala pang taon. Wala pa nga ring kalahating taon e. Haha. We became friends nung kinausap niya ko. Sobrang FC kaya nun! Haha. "
Ikinuwento ko sa kanya lahat ng mga pinaggagagawa naming ni Jacob.
" Grabe pala! Sobrang galing naman pala ni Jacob at bait pa! Biruin mo? Sa kodigo, sa mall. Dalawang beses ka niyang nahuling pinagdududahan siya pero okay lang sa kanya. Lalo na nung huling gabi. Andami niyang pinagdaanan pero hindi pa rin yung feelings niya inalala niya. "
" Oo nga e. He is the best friend anyone could ever have. "
" I agree. Haha. Hindi kami close pero magaan loob ko sa kanya. "
" E sakin? " Natigilan siya. Ewan ko kung san galing yon pero bigla na lang lumabas.
" Okay ka rin naman sana e. "
" Sana? "
" Oo. Kaso kase ang pangit ng first meeting natin. Gera agad! Haha "
" Oo nga e. Haha. " Nahiya ako ng konti. " Edi palitan natin! "
" Huh? "
" I mean, magkita tayo ulit. This time, wala nang away. Just you and me. " Natigilan ulit siya.
" I.. don't.. know. "
" Oh. " Medyo disappointed na sabi ko. " It's okay. I understand. "
" Hey. Hindi dahil to sa nangyari ah? Naiintindihan kita don. Kaya lang kasi... ayokong mag-isip ng masama si Kim. "
" Oh. Yeah. Kim. " Oo nga pala. Magkaibigan sila. " I completely understand. "
" You sound disappointed. "
"Medyo. Haha. " Pag-amin ko.
" Okay. Ganito na lang. We can get to know each other through texts or calls. Pwede naman siguro yun diba? "
Nabuhayan ako sa sinabi niya. " Yeah. Yeah. That will be great. "
" Okay. " Sabi niyang medyo natatawa.
" Okay. Bye! "
" Hey! If you see Jacob pakisabi sa kanya sorry talaga. "
" I will. "
" Sige. Salamat! "
" Sige. " Pagkatapos ng tawag. Nakangiti akong pumasok sa kwarto.
Christelle's POV
Katatapos ko lang kausapin si Shawn nang dumating sa bahay si Kim.
" Tel! Napanood mo ba?! "
" Yung balita? Oo. "
" Nandun si Jacob! "
" Oo nakita ko nga. "
" Ano kayang nangyari don? Tel puntahan naman natin siya oh. "
" Kim! Ano ka ba? Manila yon! Hindi yon isa o dalawang kanto lang na pwede mong mapuntahan kahit tuma-tumbling lang. "
" Eeee naman eee. Sige naaa. "
" Hindi Kim. Ano ka ba?! The last time na pumunta tayo don nagkagulo. "
" Pero tapos na naman yon diba? "
" Kahit na. Malayo pa rin yon! "
" Sige na Tel. Please? Pano kung may nangyaring di maganda kay Jacob? Pano kung dahil sa nangyari sa kanya nagrebelde siya?! Pano kung-- "
" Kim! Ano ka ba?! Ang sabi hinuli yung mag-asawang may illegal na negosyo. You don't think Jacob has parents like that, do you? "
" Siyempre hinde! Gusto ko lang talaga makasiguro na ligtas siya. Na okay siya. "
" We'll know. Hindi na natin kailangan pa pumunta don. "
" Pano? "
" Shawn will call. "
" Si Shawn? Bakit? " Natigilan ako.
" Ah. E—e kasi ma-magkaibigan si-sila. Ta-tapos a-alam niya na-na concern ka kay J-Jacob. " Nauutal na sabi ko pa.
" Tama. Oo nga. Tatawag yun. " Nanlaki yung mata niya nang may maalala. " E teka! Pano tatawag yun e galit nga sakin yun?! "
" Sakin... sakin siya tatawag. "
" Sayo? " Naguluhan siya. " Bakit? "
" Ah.. kase ano.. kase diba galit nga siya sayo, so sakin mo na lang siya patawagin. Ganon. "
" Ahhh. Oo nga no? Haha. " Niyakap niya ko. " Thanks Tel! " tapos umalis na siya.
Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan niya tapos huminga ko ng malalim.

YOU ARE READING
#Torpe
Dla nastolatkówThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!