Chapter 28: TORPE # 1

15 1 0
                                    


Kim's POV

Nandito ko ngayon sa terrace namin. Nag-iisip. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko yung sinabi ni Christelle. May point siya e. Dapat siguro makita ko na si Shawn personally. Pero pano? Ayoko naman magsimula. Baka isipin niya wala kong tiwala sa kanya. Baka isipin niya kaya ako nakikipagkita sa kanya kase nagdududa ko sa pagkatao niya. Haay. Di ko na alam. Pero deep inside gusto ko siya makita. Gusto ko siya makita kase hindi na sapat sakin yung text, chat at tawag lang. Oo nga't nakikita ko siya sa pictures. Pictures lang. Gwapo siya. Chubby nga lang pero gwapo siya. Mala-John Lloyd yung datingan niya. Hindi man macho pero gwapo.

Huminga ko ng malalim bago nagsalita. " Kelan kaya tayo magkikita Shawn? " Bulong ko sa hangin. Maya-maya tumunog phone ko. Number lang.

Hi! Pinapasabi pala ni fatboy na wala siyang load. Magkasama kami ngayon. May ginagawa lang kaming school stuff.

Sino to? Classmate siguro ni Shawn. Nag-reply ako.

Hello. Okay lang. Pakisabi sa kanya mag-ingat siya pauwi. Salamat.

Nag-reply naman ulit yung number.

Okay na. Nasabi ko na. Ako nga pala si Juan Jacob Del Villar. You are Kimberly right? You can call me Jacob or Jake. Kahit anong gusto mo. Haha.

Naaaliw naman ako sa taong to. Ang daldal. Haha.

Ah. Oo. Nice to meet you Jacob.

Meet me? Hindi pa kaya tayo nagkikita! Haha. Pero alam mo, mas maganda nga kung magkita tayo.

Huh? Bakit naman?

E ikaw yung bebe ng kaibigan ko e. Dapat kilala kita. Haha.

Natawa ako sa BEBE. Haha. Nakaktuwa talaga to. Protective friend. Parang si Kim. Wait gusto niyang magkita kami. Chance ko na to.

Pano mo naman ako makikilala?

Edi let's meet! I'll set the date.

Parang hulog naman ng langit tong lalaking to. Haha. Kung kelan ako namomroblema sa pag-aaya kay Shawn, bigla naman siyang dumating. Hindi na ko nagdalawang isip. Nag-reply na ko.

Sure! Just text me. Thank you!

Okay! See you soon!

Dahil sa excitement tinawagan ko si Kim.

" Teeeeeeeel! "

" Aray ko! Ano ba?! Wag ka sumigaw! "

" Teel! Magkikita na kami! "

" Ni Shawn?! Kelan?! Teka. Antayin mo ko. Magbibihis lang ako. "

" Hoy! Wag kang excited! Hindi pa ngayon. Haha. "

" Kelan nga? Bilis para maihanda ko yung itak ni tatay. "

" Ano ka ba naman Christelle?! Haha. OA neto. Wala pang date. Si Jacob na daw gagawa ng paraan. "

" Sino naman si Jacob? "

" Yung classmate ni Shawn. "

" Pano mo naman nakilala yun? "

" Nag-text lang bigla. "

" Ano?! Pinamimigay nung Shawn na yon number mo kung kanikanino?! Lagot talaga sakin yan! "

" Hindi! Naki-text kasi siya tapos ayun nagkausap kami ni Jacob. "

" Kahit na! "

" Hayaan mo na. Ang mahalaga magkikita na kami! Yiiiie! " Tili ko.

" Aray ko! Kim isa pang tili mo susugurin kita jan sa inyo at hahatakin ko esophagus mo! "

" Brutal mo talaga! Hahaha. "

" Ganun talaga. Haha. " Nagkatawanan na kami. Nag-usap pa kami saglit tapos binaba ko na.

Tumingin ako sa phone ko. " Magkikita na tayo Shawn. Malapit na. "

Shawn's POV

*Sa Canteen*

Nakita ko sila Jacob sa isang table na may kasamang babae. Yun yata yung pinopormahan ni Cael. Maganda siya. Siguro napakadali lang sa kanila makakuha ng babae? Lalo na si Jacob. Sobrang lapit sa tao. Minsan nakakaramdam ako ng inggit sa kanya. I mean, he can express whatever feelings he want. Hindi siya natatakot sa sasabihin ng iba. Mas madalas wala siyang pakialam pero hindi ibig sabihin non wala talaga siyang paki sa ibang tao. Hindi niya lang pinapansin yung sinasabi nila at ngayon masaya siya. Napatingin ako sa phone ko. Ako kaya Kim? Matanggap mo kaya ko kapag nagkita tayo?

" Layuan mo na siya habang maaga pa. " Eto na naman siya.

" Bakit ba? Ano bang problema mo? "

" Wala akong problema. "

" Wala pala e bakit nakikialam ka? " Natigilan siya pero maya-maya nakabawi rin.

" Ako si Freeman De Vera. "

" Shawn. " Nagkamay kami. " Ano bang problema't gusto mo kong palayuin sa kanya? "

" Hindi ka ba nawiwirduhan sa kanya? "

" Nawiwirduhan. "

" E bakit kinakausap mo siya? Bakit ka nakikiapagkaibigan sa kanya? "

" Nawiwirduhan din ako sayo pero ngayon kausap kita. "

" Pare. Hindi mo siya kilala. "

" Bakit? Ikaw? Kilala mo siya? " Tumahimik siya. " Ano bang problema? "

" Wala. Basta sinabihan na kita. Bahala ka na. " Tapos umalis na siya.

" Ano bang problema ng lalaking yun? " Bulong ko.

Okay. Aaminin ko. Sa mga biglaang mga sinasabi niya, napag-iisip ako. Oo nga mabait si Jacob sakin pero may punto si Freeman. Hindi ko pa siya gaanong kilala. Pakiramdam ko, may tinatago siya. Tumingin ako sa pwesto nila Jacob. Nagtatawanan siya nang mapalingon siya sakin. Kumaway siya. Nginitian ko siya at kumaway rin ako. Ano nga kayang tinatago mo Jacob?


#TorpeWhere stories live. Discover now