Chapter 26: TORPE # 2

18 1 0
                                    


Shawn's POV

*Lunch*

Wala pa rin siyang text.

" Hey! Okay ka lang? "

" Huh? Bakit? "

" I-text mo na kasi. "

" Sino? "

" Sino bang inaantay mo mag-text? Haha. "

" Ah. Wala. "

" C'mon. I'm not blind. Kanina ka pa kaya tingin ng tingin jan sa phone mo. " Kanina niya pa pala napapansin.

" Ewan ko. "

" Anong ewan mo? Haha. "

" Di ko alam sasabihin ko e. "

" How about HI? Haha. "

" Hindi ganun e. "

" Bakit ba? "

" Galit kasi. "

" Galit pala bakit hindi suyuin? "

" Ginawa ko na. "

" E bakit hindi pa rin kayo okay? "

" Hindi pa nga rin kasi nagte-text. "

" Dude, when the teapot is whistling what do you do? "

" Ewan. Turn off the stove? "

" Exactly! "

" Oh? Bakit? Anong connection? "

" Ay. Wala ba? Hahaha. "

" Alam mo ang wirdo mo. "

" Well, you are not the first person to tell me that. Haha. "

" Bakit ka ba ganyan? "

" What do you mean? "

" Lagi kang... hyper? "

" HAHAHA! " Natawa siya. " Hyper ba ko? Ewan ko lang. Ganito ako e. "

" Wala kang balak baguhin? "

" What for? Haha. "

" Ewan ko. Para maraming matuwa sayo. "

" Dude, hindi ko pinangarap maging clown. Haha. "

" Hindi yun ibig ko sabihin. "

" Okay. Ganito. Ikaw? Bakit ka mataba? "

" Kase malakas ako kumain? "

" Wrong. Mataba ka kase you chose to be fat. You can always work out pero you choose to eat and eat and eat and eat a lot. Haha. "

Natawa na ko. " I get your point. "

" Good! So? I-text mo na kung sinong ite-text mo. Kapag ayaw, tawagan mo na! Malay mo nega ka lang tapos di naman pala galit? Hindi ka makakakuha ng sagot sa kakahintay lang. Maiinis ka lang kakaisip. Haha. "

" Okay. Eto na. " Nagsimula na kong mag-dial.

" Okay. Gotta go. Magkikita pa kami ni Cael. Bye! "

Sinagot! " Hi mahal. " Sabi ko.

" Uy! Mahal! Sorry di ako makapag-text. Wala kong load plus sobrang daming ginagawa sa school. "

" Ay. Okay lang. Kumain ka na ba? "

" Hindi pa. ikaw? "

" Hindi pa rin e. Dami pang ginagawa e. Sabay na tayo. "

" Pano? Haha. "

" Edi jan ka sa school niyo. Dito ko samen. Haha. " Natatawang sabi niya.

Nag-usap pa kami ng mga ilang minuto.

" Mahal, sige na. malapit na next class ko. Magpapa-load na lang ako pagtapos ng klase. "

" Sige mahal. Ingat ka. "

" Ikaw rin. Bye! " Tapos pinindot ko na ang end button.

Tama nga si Jacob. Negative nga lang ako. Haha.

*Hallway*

" Hoy. " Sigaw sakin nung maliit na tao sa tabi ko sa classroom.

" Bakit? "

" Kaibigan mo ba yung baliw na madaldal sa likuran natin? "

" Oo. Bakit? "

" Bakit? "

" Anong bakit? "

" Bakit mo siya kaibigan? "

Naguluhan ako sa tanong niya. " Pakialam mo? "

" Layuan mo yon kung ayaw mong gumulo buhay mo. "

" Anong pinagsasasabi mo? "

" Bahala ka. Basta sinabihan na kita. " Tapos pumasok na siya sa classroom. Wirdo talaga nun.

Pagpasok ko ng classroom nandun na si Cael. Wala si Jacob. Late na naman siguro. Pero kausap ko lang yun kanina e. Umupo na ko.

" Cael. Si Jacob? "

" Ewan ko dun. Hayaan mo yun. "

" Ah. Sige. " Di ako nakapagpasalamat sa kanya. Mamaya na lang kapag pumasok siya.

Tiningnan ko yung katabi ko. Nakatingin ulit siya sakin tapos umiling. Ano bang problema neto? Lumipat ako sa pwesto ni Jacob dahil mukang hindi naman siya papasok.

" Bakit ka lumipat? "

" Bawal ba? "

" Hoy taba. Si Jacob lang nagsabing kailangan ka namin maging kaibigan pero hindi ibig sabihin non pumayag ako. "

" Oo na. May itatanong lang ako. Dami mong sinasabi. "

" Ano yon? " Lumapit ako sa kanya para bumulong. " Teka pre! Di tayo talo! "

" Kapal mo! May bubulong lang ako! " Mahingang sigaw ko. " Kaibigan niyo ba to? " Tinuro ko yung maliit na tao sa harap niya.

" Hindi. Wala naman yatang kaibigan yan dito e. Bakit? "

" Ah—wala lang. "

" Type mo? " Natatawang asar niya.

" Sapakin ko kaya muka mo? "

" Bakit di mo subukan? " Di ko na lang siya sinagot at bumalik na sa pwesto ko. Tumingin ulit ako sa katabi ko. Nakikinig siya sa prof. Bahala na siya sa buhay niya.

#TorpeWhere stories live. Discover now