Chapter 21: TORPE # 1

19 1 0
                                    


Micael's POV

*Sa classroom*

Pinagkatiwalaan ko siya. Tinuring ko siyang kapatid tapos aahasin niya lang pala ko?!

*Flashback*

Pauwi na sana ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Bella. Nakita ko siya sa tapat ng school.

" Beb? Bakit? Okay ka lang? "

" Beb, may sasabihin ako sayo pero pangako mo muna na hindi ka magagalit sa kanya. Hindi mo siya aawayin. "

" Huh? Anong wag magagalit? Sinong wag awayin? "

" Beb, may mga nagbibigay sakin ng regalo. Nung una, roses. Isang white, isang yellow at isang red tapos may note in English. " Huminga siya ng malalim. " Nung una hindi ko pinansin dahil akala ko si Jerome na naman pero naulit ulit. "

" Si Jerome? Expelled na siya diba? At wala na sila dito. "

" Kaya nga. Nung Sabado, nakatanggap ako ng regalo. Dress. Yung dress na yon yung dress na nakita namin ni Jacob sa mall. Tinanong niya ko kung gusto ko yon, sabi ko oo. Nung pauwi na kami sabi niya magsi-CR siya tapos nung bumalik siya may dala na siyang paper bag. Nung tinanong ko siya kung para kanino yon, sabi niya para daw sa isang espesyal na tao. "

" Tapos? " Kinabahan na ko.

Huminga ulit siya ng malalim. " Yung paper bag na dala ni Jacob pagkatapos niya umihi, yun din yung paper bag na nasa likod ng gate namin. " Naikuyom ko yung kamay ko.

" Nasan siya? " Naglakad na ko papasok ng school.

" Beb! Beb teka lang. Hindi pa naman naming siguradong sigurado e. "

" Bella! Roses! Yung roses pa lang siya na! "

" Pano? "

" Nung pumunta tayo kila Joyce. Binigyan kita ng bulaklak. Tatlo rin. Isang yellow, isang white, isang red. Si Jacob bumili non para ibigay ko sayo. " Nagulat siya sa sinabi ko.

" Pero... pero... ma-magka-i-ibigan ka-kayo. " Halos hindi lumabas sa bibig niya yung mga salita dahil naiiyak na siya. Niyakap ko siya. " Beb, wag mo siyang sasaktan please? Wag mo siyang aawayin. Kaibigan natin siya. "

" Hindi ko siya sasaktan Bella. Kakausapin ko lang siya. " Pagkasabi ko non, pumasok na ko sa loob ng school.

" Hey Bro! Akala ko umuwi—" Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil sinuntok ko na siya. Buti na lang iilan na lang ang estudyante sa classroom dahil hindi naman pumasok yung prof namin. " What the hell was that for?! "

" Hindi mo alam?! "

" Kung alam ko, itatanong ko ba?! "

" Wag kang na magmaang maangan demonyo ka! Alam kong mahal mo si Bella! "

" What the f*ck man?! Oo mahal ko si Bella pero hindi gaya ng iniisip mo! "

" Tama na unggoy! Tama na kasinungalingan! " Akmang susuntukin ko dapat siya nang dumating sila Bella kasama sila Nikka at Joyce.

" Beb! Beb! Please? Tama na! " Inawat niya ko.

" Bella what's this?! "

" Jacob ano ba?! Hindi ka pa rin ba aamin?! " – Nikka

" Anong aaminin ko?! "

" Binigyan mo ng roses si Bella diba? Isang white, isang yellow, isang red. Diba? "

" Si Micael ang nagbigay non. Ako lang ang nagbayad! What the hell?! Big deal sa inyo yon?! "

" Hindi yon! " Iritadong sabi ni Nikka. " Nung sabado, bumili ka sa boutique sa mall kung saan may nagustuhan dress si Bella para sa special someone mo diba? "

" Oo! Anong kinalaman non?! "

" Dress yung laman non diba? Yung dress na gustong gusto ni Bella tapos iniwan mo sa gate nila? With matching English notes pa. "

" The hell?! Bakit ko bibilan ng mamahaling damit si Bella nang walang okasyon?! Mayaman ba ko?! I bought a shirt on that same dress para sa ate ko! English lang ako ng English pero hindi ibig sabihin non mayaman ako!! " Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

" Nung Sabado. Yung sinasabi nilang nag-mall kayo ni Bella, bakit hindi mo sinabi sakin yon?! " Sabi ko.

" I didn't know na hindi mo alam! "

" Beb, akala ko tinawagan mo siya para samahan ako? "

" Actually, Bella, ako yung tumawag sa kanya non. " - Joyce

" Ano?! " Sabay na sabi namin ni Bella. " Bakit hindi mo agad sinabi?! " Galit na sabi ko kay Joyce.

" Hindi ko rin naman alam na hindi mo alam e! Ang nakwento lang sakin yung sa mga regalo! Tinawagan ko si Nikka non, sabi niya nasa Makati daw siya. Tinawagan rin kita busy. "

" Oo. Tinawagan nga ko ni Joyce non para samahan daw si Bella kaso may pinuntahan kami ni mama. Alam din ni Bella yon. " – Nikka

Lahat kami napatingin kay Jacob. " What?! Ano pang ibibintang niyo sakin? "

" Sorry Jake. " Sabi ni Bella.

" You should be. " Sabi ni Jacob bago umalis.

" Oh? Ayan. Anong napala natin? Nga-nga! " – Nikka

" Ang tanga ko. " Sabi ko.

" Alam namin. Sugod ka kasi agad ng sugod e! " – Joyce

" Wag na tayong magsisihan. Lahat tayo may mali. Lahat tayo pinagbintangan si Jacob. " Sabi ni Bella.

" Beb, ang tanga ko. Lahat ginawa nung tao para maging okay tayo pero anong ginawa ko? Pinaniwalaan ko si Sheena. "

" Sheena? Bakit naman napasok sa usapan dito yung babaeng yon. "

" Nung Sabado, pinuntahan niya ko sa bahay. Sinabi niyang magkasama kayo ni Jacob sa mall nga tapos andami niya pang sinabi na nakapagpagulo lalo sa utak ko. Sinabi niya pang inlove daw sayo ni Jacob. Guso ka raw agawin sakin. "

" At naniwala ka naman agad? " – Joyce

" Sumakto kasi lahat. Lahat ng nangyayari iisa ang sinasabi. Na tama siya. "

" Oh? Ano? Pano ngayon yan? " – Nikka

" Kailangan natin humingi ng tawad kay Jacob. Lahat tayo. " – Bella

" Lalo na ko. " Sabi ko.


#TorpeWhere stories live. Discover now