Christelle's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto. Iniisip ko si Shawn. Hindi ko alam pero sobrang nagi-guilty talaga ko kase ni-reject ko siya kanina. Feeling ko may gusto siyang i-share. Muka siyang masaya tapos na-disappoint ko siya. Haaaay. Maya-maya tumunog phone ko.
" Si Shawn! " Masiglang sabi ko tapos sinagot ko.
" H-helllo? " Sabi niya.
" Hello. "
" G-gising ka pa? " Sabi niya " Ay siyempre nga naman gising ka pa. sinagot mo nga e. tanga ko talaga. "
Natawa ko. " Oo. Haha. Gising pa ko. Bakit? "
" Ah. W-wala. Sige tulog ka na. Goodnight. " Tapos binaba na niya.
Natulala ako. Anong problema nun? Tinawagan ko ulit.
" Hoy! Ano ka ba?! Tatawag tawag ka tapos bababaan mo ko? Sa susuno wag ka nang tatawag kung wala kang sasabihin ah! " Tapos binaba ko. Kainis! Akala ko pa naman may sasabihin.
Maya-maya tumatawag ulit siya.
" Hello?! " medyo inis na sabi ko.
" Uy! Sorry. A-ano kase. A-akala ko k-kase b-busy ka. " Nauutal. Natawa ko. " Bakit ka tumatawa? "
" Maganda kasi ako. Haha. " Biro ko. " Oh? Bakit ka nga napatawag? "
" Ah. Ano. Oo. "
" Anong oo? " Aning ba to?
" O-oo. Ma-maganda ka nga. " Sabi niya na ikinabigla ko. Pakiramdam ko umiinit yung muka ko. " Hello? Christelle? Anjan ka pa ba? "
" O-oo. A-andito pa ko. "
" Ayun. Ano. Ahm... Tumawag ako kase ano. Kanina kasi di tayo nakapag-usap. Sabi mo may klase ka. " Oo nga pala. Na-guilty na naman ako.
" Ah. Oo. May sasabihin ka non diba? Ano yon? "
" Ah. Oo. Ayun. Okay na kami ni Jacob. "
" Talaga? That's nice! Buti naman okay na kayo. Sayang friendship niyo e. "
" Onga e. Ang tanga ko kasi. Naniwala ako sa kwento-kwento. "
" Alam mo hindi mo naman lahat kasalanan. Kasalanan ko rin. Sorry nga pala ulit. "
" Hindi! Hindi ikaw. Si Freeman. Siya kasi yung nagkwento nang nagkwento ng kung-anu-ano sakin. Ang tanga ko lang kasi naniwala ako. "
" Ah. Nako. Dapat jan sa Freeman na yan tinatahi yung bibig e. Chismoso. "
Natawa siya. " Hahaha. "
" Oh? Bakit? "
" Ang brutal mo kasi e. "
Natawa rin ako. " Sorry. Haha. Nakakainis lang kasi. "
" Yeah. Pero hayaan mo na. Okay naman na kami ni Jacob e. "
" Tama. " Naalala ko yung sa TV. " Ay oo nga pala! Yung sa balita? Anong nangyari don? "
Kinwento niya sakin lahat ng nangyari tungkol don. Tawa ko ng tawa.
" Grabe! Hahaha. Nagawa ni Jacob yon?! Grabe naman pala magalit yun. "
" Oo nga e. Hahaha. "
" Pero nagawa niya yun kase pinrotektahan niya si Cael at Bella. "
" Oo. Grabe siya no? Pinagdudahan na siya pero sila pa rin yung inisip niya. "
" Ikaw rin naman diba? "

YOU ARE READING
#Torpe
Novela JuvenilThis story is about four different types of boys with different personalities but they all have one common characteristic... LAHAT SILA TORPE!