DANELLE's point of view
Nandito ako ngayon sa may bintana nakaupo. Nag tuturo lng ang prof namin at sobrang boring ng tinuturo niya.
Nakakainis lng dahil hindi 'ko classmate si Krystal. Akala 'ko pa naman classmate kami eh kaso C-4 pala siya. Kasama niya si Allen! oh diba?
Pero alam niyo ba classmate ko si--- "Danelle, samahan mo nga ako sa canteen." napatingin ako sa katabi 'ko.
Hinanap 'ko si Cindy at wala nga pala siya. Absent siya ngayon at thank God hindi 'ko classmate ang queen beetch na iyon. Tsk.
"Ice, alam mo naman yang mga fangirls mo diba? Baka i-bash pa nila ako." Bulong 'ko sakanya.
Tama kayo ng basa. Classmate 'ko nga si Nathan Ice Sanford, yung kinababaliwan ng aking bestfriend na si Krystal Rivera. Tsk. Minsan nga nagseselos ako dito kay Ice eh! grabe ba naman? halos hindi na ako pansinin ni bestie dahil sa kakastalk niya kay Ice. Nakakainis lng! >_<
At isa pa nga pala, kanina pinasalamatan niya ako dahil ni- "save" 'ko daw siya sa mga fangirls niyang adik. Bestfriends na din kami. Speed lng! Paano? At Bakit? Eto na magfa-flashback na ako.
#MYFLASHBACK
"Darling, let's go." Tawag saakin ni daddy. Hinihintay na niya kasi ako.
"Yes dad! i'm coming." Sigaw 'ko pabalik.
Kinuha 'ko na yung phone 'ko at nagtatakbo na pababa sa living room kung saan naghihintay si daddy.
Nang makababa na ako, hinalikan 'ko na si mommy sa cheeks at lumabas na kami ni daddy.
Sumakay na kami at umandar na din ang kotse. Sumandal lng ako habang nakaupo ako dito sa passenger's seat.
Take note, nakasuot din ako ng shades. Bakit? ang init! ang sakit sa mata, hindi 'ko kaya. Kaya ito, naka shades ako ngayon.
"I heard, class transfer niyo ngayon?" Tanong ni daddy pero naka focus parin siya sa road.
"Opo, sana nga classmate 'ko si Krystal eh." Sagot 'ko kay daddy at pinagkrus ang aking dalawang daliri. "Lord, pleaseee~" bulong 'ko naman.
"Don't worry, magiging classmates kayo ni Krystal." Sabi niya sabay pat sa ulo 'ko, "Btw Danelle, tell Krystal we have dinner next week, Tuesday." napatingin ako kay daddy, "Alam na nila ipa-remind mo nalang kay Krystal, okay?"
"Yes dad." Sagot 'ko kay daddy at pumikit nalang at humarap sa may window.
Nakasandal parin ako. Pagod ako eh, gusto ko pang matulog sana kanina pero gusto ko namang makasama si Krystal mag jogging. Unexpected nga at kasama pala namin si.. Allen.
Bigla akong napamulat. Allen. Siguro kasama niya si Krystal ngayon? Kasi ang alam 'ko wala ang driver ni Krystal eh kasama si tito.
So it means.. sumabay na siya kay Allen? Nag insist si Allen? Ganon ba? Pero bakit ganito? Wala naman akong--
Teka.. si Ice 'yon ah?! Inangat 'ko ang aking ulo at tinapik tapik si daddy. "Dad dad dad! stop the car!" sambit 'ko sakanya, "Stop it!" biglang nagpreno ang kotse at buti may seatbelt ako kaya hindi ako napasubsob.
Mabilis akong bumaba at tumakbo palapit kay Ice na ngayon ay halos hindi na makahinga gawa ng mga fangirls niya.
"Stop it!" Sigaw 'ko sakanila, "Lubayan niyo nga si Ice? Ayan oh, halos hindi na makahinga!" pilit kong pinagtutulakan ang mga babaeng ito palayo kay Ice pero ang lalakas nila.