#17
ICE's point of view.
Isang buwan na ang lumipas at madaming nagbago.
Nag break na kami ni Cindy pero hindi pa din niya ako tinitigilan. Ako yung nakipag break dahil sawa na ako. Naiinis lng ako sakanya dahil pati si Danelle dinadamay niya.
Kasama din ni Cindy lagi sina Kai at Adrian but mostly Adrian. Nakakatagal si Adrian sa ugali ni Cindy?
Si Allen, Madalas wala dahil laging tumatawag sina tita sakanya at sinasabing kailangan niya daw umuwi.
Alam na din niya na nililigawan ni Gonzalvo si Krystal. Hindi siya pumayag pero wala na din siyang nagawa.
Speaking of Krystal, medyo nagbago na siya. Mas lalo siyang guman-- I mean hindi na niya ako napapansin minsan.
Pag nadadaanan namin ang isa't isa, hindi niya ako binabati. Minsan nalang. Kasama niya kasi lagi si Gonzalvo.
Si Danelle naman, no.1 fan daw nila Krystal at Rich. Hindi naman sila ah!
This is bullsh*t! tsk.
"Ice naman, pansin 'ko isang buwan ka ng ganyan. Ano bang nangyayari sayo huh?" Kasama 'ko ngayon si Danelle, as always.
"Wala. I'm fine." sagot 'ko at pinatay ang tv.
"Are you sure? 1 month kang wala sa mood, eh." Umiling lng ako.
Tumayo ako at pinatay ang aircon sa kwarto 'ko. Wala kaming pasok ngayon at pinapunta 'ko dito si Danelle.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Hindi lng ako. Pupunta tayo ngayon sa mall, pasyal muna tayo." Sabi 'ko at hinila na siya palabas.
Wala ngayon sina mama, nasa Korea. Because of their business masyado silang busy.
"Ah okay! Samahan mo ako mag shopping, okay?" Tumango lng ako.
I'll do everything.. anything just for her. Danelle's already my life. She's nof my girlfriend but she's my bestfriend. Para 'ko na siyang kapatid.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse 'ko. Pinaandar 'ko na at pinatakbo na din.
Habang nasa loob kami ng kotse, panay Krystal at Rich niya. Kinekwento niya kung gaano kabagay sina Gonzalvo at Krystal. Tss.
"Slow down naman Ice! gusto mo na ban mamatay? Tyaka yang manubela, nasasaktan na."
Hindi 'ko pinansin si Danelle. Puro kasi siya Rich at Gonzalvo. Tss.
"Ice!"
"Fine." Cold kong sagot at binagalan ng konti ang pagtakbo 'ko para hindi na kabahan tong si Danelle.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa mall. Madaming tao ngayon dahil walang pasok at Friday.
"Saan muna tayo?" Tanong 'ko kay Danelle.
Siya na bahala kung anong gusto niyang gawin at kung saan niya gustong pumunta. Sasamahan 'ko lng siya.
"Nood muna tayo sa cinema! Hindi 'ko pa napapanood ang This Time ng Jadine. Hindi kasi available si Krystal, laging kasama si Rich hihi." Rich nanaman.
"Okay." Hindi ako umangal dahil sa totoo lng kahit anong gusto ni Danelle, okay lng saakin.
Ang hindi lng okay saakin ay ang iwan niya ako.
"Tara na! baka madami pang pila eh maubusan ng ticket waah >_<"
Hinila na niya ako at naglakad na kami papunta sa cinema. Inakbayan 'ko nalang siya at inalok ng kung anu-anong snacks na pwedeng kainin sa loob.
