A/N: hello! This is it, ending na ng book 1. Masaya ako na kahit papaano ay may mga sumusupporta at nagbabasa nito. Nakaka tuwa rin ang mga nag me-message saakin dito at nagsasabing gustong gusto daw nila ang My Famgirl at sobrang nakakakilig daw. Thankyou! Sana sa book 2 ay supportahan niyo parin ito, mas nakaka excite doon kasi madami talagang mangyayari at thrill doon. Sana abangan niyo, thankyou Fangirls!
[45]: ENDING
Third Person's Point Of View
Madaming estudyante ang nakakalat sa labas ng mga building ng University nila. Lahat sila ay nakangiti, masaya at talagang magaganda't gwapo.
"Finally! Today's the day." Masayang sabi ni Misty habang naka hawak sya sa kamay ni Kai. "Sobrang saya 'ko dahil gagraduate na tayo and magkakasama parin tayo. We survived the last year of our college."
Masaya silang magkakaibigan, sobra. Madaming nangyari sakanila, bawat isa sakanila ay may pinagdaanan din ngunit nalampasan nila iyon at nakatapos ng pagaaral.
"Attention students! Please be advised that we will start in 5 minutes. Please fall in line," Pagaannounce ng isa nilang professor, "Wear that sweet and victorious smile of yours. I am proud of you, my students. Congratulations!"
At dahil sa kanilang professor ay mas umingay sila dahil sa saya. Nabuhayan pa sila lalo dahil sa sinabi nung professor nila.
"Hindi ko inaakalang makaka graduate si Chase at Adrian......." biro ni Allen.
Nagsitinginan ang dalawa kay Allen at nagtawanan naman ang lahat. "Ako nga rin eh." Natatawang sabi ni Krystal.
"Luh matino naman kasi ako. Si Chase lng naman hindi." Lumayo si Adrian kay Chase at inakbayan si Cindy, "Syempre sinong hindi magtitino at magsusumikap kung ang girlfriend mo ay si Cindy Lopez?"
Namula naman si Cindy dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan. "Hay nako bola! Tara na nga, pumila na tayo." Nakangiting sabi ni Cindy at hinila na sya para makapila na.
Nagsipilahan na rin ang iba at talagang malalaki ang kanilang mga ngiti. Pano nga ba naman, tapos na ang kanilang pagaaral. Malaya na sila at pwede ng magtrabaho.
"It's starting."
***
"Let us hear from our valedictorian, Krystal L. Rivera." The Mc announced.
Tumayo na sa pagkakaupo si Krystal at nagpalakpakan naman ang lahat. Habang naglalakad sya pataas ay nakangiti ito. Syempre, dahil siya ay masaya.
Nang makarating na ito, nginitian sya ng mc and her profs. Pumwesto na sya at nagsimula ng magsalita.
"Greetings po sa inyong lahat. I am Krystal Lee Rivera. First of all, gusto 'ko munang sabihin sainyo ang mga pinagdaanan 'ko buong college life 'ko. Kung paano 'ko iyon na overcome and how I became successful." Huminga sya ng malalim at ngumiti uli ito. "Nung unang year 'ko pa lng as a college student, inaamin 'ko na sobrang nerbyos 'ko. Inaakala 'kong hindi ako makakapasa. Babagsak ako, lahat na ng negative naisip 'ko. But then, my friends, my family especially my parents told me na kaya 'ko iyon. Hindi pa naman iyon ang huli, marami pang years. Danelle my bestfriend, on the other hand, gave me an advice na wag daw akong matakot. Wag daw akong kabahan at lalong lalo na, wag daw ako sumuko. Lahat naman daw kasi dadaanan ang college. She told me na matalino daw naman ako at may patience ako kaya kayang kaya 'ko ang college. So, dahil doon I was full of determination. Naging positive ako, I became focused." Tumingin sya kay Danelle at nginitian sya ng pabalik ni Danelle, "Danelle.. lagi syang nasa tabi 'ko. Kahit mainit ang ulo 'ko, lahat na! We've been together through ups and downs. Lagi kaming naroroon para sa isa't isa to help eachother. I'm glad i've met someone like her, I am very thankful."