#13
KRYSTAL's point of view
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung magkita kami ni Ice sa SM.
Sa loob ng tatlong araw na 'yon, ganun pa din ang takbo ng araw 'ko. The usual.
Gising sa umaga, jogging, abang kay Ice, class, vacant, nood sa practixe nina Allen, uwi, kain, tulog.
ayun lng. At ngayon, andito kami sa gym ng Peyton.
Oo ngayon na ang game nila. Excited na din naman kami. Confident kaming Willford ulit ang mananalo.
Syempre naman 'no! Kasali si Ice, isama mo pa si Allen. Tapos dumagdag sina Kai and Adrian, si Derrick and Ken. Sus lahat sila! kaya win lng.
"Aish kainis hindi 'ko machi-cheer si Ice." Pagmamaktol 'ko.
Bakit kasi ganun?! Ang dami pang kaaertehan. Hindi nga kami taga Peyton tapos Peyton ichi-cheer namin?
They are not even worth cheering for. Tss.
"Chill ka na Avy, okay lng 'yan. At least makikita mong maglaro ulit si Ice, diba?"
Hindi 'ko pinansin si Danelle. Dahil mag bestfriend sila it's easy for her to say that. Mag bestfriend kasi sila!
eh ako? ang hirap para saakin dahil kahit kaibigan, hindi mangyari samin ni Ice.
Ako na kawawa. Oo ako!
"Girls! wala yung banner natin, nakita niyo ba? Kanina pa namin hinahanap, eh." biglang sumulpot sa harap namin ni Danelle sina Megan.
Paanong wala? Ang pagkakaalam 'ko, iniwan namin dito 'yon dahil sabi ni Xyrie na sabi daw ng teacher nila eh iwanan nanamin dito.
"Sige ako na maghahanap, dito nalang kayo." Sabi 'ko.
"Teka sasama na ako sayo Krystal, baka kung ano nanaman gawin sayo ng mga 'yon, eh." Nag cling saaking braso si Danelle.
Inalis 'ko iyon at ningitian siya, "No it's okay, pli-practice niyo nalang ang cheer para hindi magkamali. Yung water and towels ng Peyton, ayusin niyo na." sagot 'ko, "Ako na bahala sa banner, sige na."
"Are you sure Krystal?" Tumango lng ako kay Danelle.
I understand that she's worried pero I can handle myself naman. Ayoko namang all the time lagi niya akong tutulungan, I want to stand for myself too.
"Oaky. Ingat ka, call me if somthing happen." Sabi niya at tinap ang balikat 'ko.
"Sige." Lumabas na ako ng gym.
Pupuntahan 'ko nalang yung arts room. 'Don namin iniwan 'yon dahil sa arts room kami nag gawa ng banner.
Imposible namang wala ang banner doon? Eh hindi naman namin iyon nilabas ng Peyton iyon.
Or maybe may naglipat? Ay ewan! hindi 'ko pa naman nahahanap. Hanapin 'ko muna.
Nakarating na ako sa building ng Fine arts. Pumasok ako sa Arts room at binuksan ang ilaw dito.
Walang tao kaya mas mapapabilis ang paghahanap 'ko.
Nagsimula akong maghanap sa cabinet. Just incase nandoon 'yon or may naglipat doon.
Pero nung hinanap 'ko wala doon. Sunod naman sa tables, kaso wala din. Hanggang sa lahat na ng sulok ng arts room napaghanapan 'ko na ay wala paring banner ang makita.
Nako patay kami nito! >O< hindi pwedeng wala yung ginawa naming banner.
Malalagot kami sa coach ng Peyton. Ayoko namang mapagalitan o mapahiya kami dahil siyempre nakakahiya kasi Peyton ito hindi Willford.