[29]: REST IN PEACE
3months later....
NO ONE's POV
Puti at itim.
Malakas na hangin ang yumakap sa kanilang mga katawan. Hapon na at umiiyak ang mga taong nakatayo sa harap ng isang... kabaong.
Hindi nila inaakala na mangyayari ito. Malakas na tao siya, napaka bait at hindi mo makikitang sumuko.
"H-Hindi ko.. *sniff* m-matanggap.. tanggap ito! Hindi pwede ito! Huhuhuhu"
"Tahan na, tita." Pagpapatahan sakanya ni Allen, "H-Hindi naman natin ginusto eh.. ito na talaga ang araw na pinauwi siya ng Diyos." Huminga siya ng malalim at sumulyap sa kabaong. "Her soul is now resting in peace."
May tumulong luha mula sa kanyang mata at mabilis niya itong pinahid. "Sige tita, doon muna ako kay Danelle."
"Sige i-ijo."
Lumapit na si Allen kay Danelle at niyakap niya ito. Mahigpit na yakap.
Kahit papaano, gusto niyang patahanin si Danelle pero hindi niya magawa. Malapit sakanya ang taong naka higa ngayon at masakit mamatayan ng isang kaibigan.
"A-Allen.. Ang sakit. Hindi ko matanggap tanggap 'to.. ang sakit..."
"Cry as long as you want, i'm here."
"Thank you Allen... But can you leave me alone first?"
Tumango ang binata at iniwanan na si Danelle doon. Gusto niya mang manatili sa tabi niya pero naisip niya pa din na siguro mas gagaan ang loob ni Danelle.
"Avy...." Bulong ni Danelle.ALLEN's point of view
Iniwan ko muna si Danelle. Siguro nga kailangan niya munang mapagisa.
Ikaw ba naman, mawalan ng kaibigan? Hindi ba masakit?
Kahit ako. Hindi 'ko din naman matanggap tanggap, hindi din ako makapaniwala na may namatay ng ganon ganon lng.
Kinuha ko ang phone 'ko para maicheck kung may text ba saakin si mama.
At meron nga.
Mama:
Nasa hospital ako nak. I'll see you here, bring food. Take care!
Binalik 'ko na ang phone 'ko sa bulsa at nagpaalam na sa mga tao dito. Sinabi 'ko din kay Danelle na magkita nalang kami mamaya.
Lumabas na ako at pinaandar na ang kotse 'ko. Nagpalit muna ako ng pangitaas bago mag drive.
Pinlay 'ko ang radio at sakto pa, See you again ang kanta. Nanadya ba talga ang tadhana?
Habang pinapakinggan 'ko ang kanta, may tumulong luha mula saaking mata.
Hindi 'ko tanggap. Nanghihina ako. Hindi 'ko manlang siya nakausap bago siya mawala.
Hindi 'ko na nakita ang magandang ngiti niya. Hindi 'ko na siya nakausap. Hindi 'ko na nayakap.
Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi man ganun katagal ang pagsasama namin, pero sobrang lapit niya para saakin.