[40]: Marina Camp pt5

282 20 0
                                    

Hello! So gusto kong i-fast forward nalang kasi makukulangan ung story. Malapit na kasing matapos ang My Fangirl, but may Book 2 naman ito. :)

40: MARINA CAMP PT5

Krystal's point of view

One week and 3 days na ang lumipas at Wednesday na ngayon. Bukas na ang balik namin sa school and excited na akong makahiga sa kama ko.

"Krystal, nakabihis ka na?"

Si Rich yon. Nasa kwarto ko kasi ako at nakaupo sa dressing table. Nagaayos lng ako ng itsura. Kakaligo ko lng eh.

"Ah oo! Lalabas na ako." Sigaw ko pabalik.

Nawala na siya doon at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Meron kaming last game na lalaruin at yun ay ang Marina Hunt.

Para siyang treasure hunt pero ang hahanapin ay isang station. Ang unang makahanap nung station ay dapat magawa ang challenge na naghihintay sa station.

Walang sinabi saamin si prof kung anong itsura nung station, kung anong kulay or what basta daw ay may prof kaming naghihintay doon at may nakalagay na, "Marina Station"

Nang matapos na akong mag ayos ay lumabas na ako. Iniwan ko ang jacket ko dito dahil mainit talaga ngayon. Naka shorts lng ako at ung team shirt namin.

Nakaupo ang mga kasama ko sa sofa at nanonood ng tv. Mukhang hinihintay ako eh.

"Ready ka na?" Tanong ni Kai, "Gusto mo pala?" Inalok niya ako ng chips at kumuha naman ako. Potato chips, my fave.

Naupo ako sa solo couch at nakinood sakanila, "Hindi pa tayo lalabas?" Tanong ko, "Baka tayo nalang hinihintay ha?"

Baka kasi mamaya nanood lng kami dito at chill lng tapos sila nakaipon na pala doon sa labas. Mapagapitan pa kami ni prof.

Umiling si Rich, "Mamaya pa ang calltime, 8:00." Sabi niya.

Tumango lamang ako at napansing si Ice ay nakatingin saakin. Seryoso ang kanyang mga titig at feeling ko ay namumula ako dahil doon.

"M-May problema ba?" Tanong ko.

Simula nung nadaplisan ako nung ini-stir ko ay hindi niya na ako pinansin. The whole week, he's cold and quiet maliban nalang kung si Danelle ang kausap niya.

Hindi siya sumagot. Imbes ay nilipat ang kanyang tingin sa tv at tahimik na nanood nalang. Ako naman ay natahimik lng din at nagkibit balikat.

"Buti hindi tayo nag shorts? Daming lamok dun eh sabi ni prof." Bigla namang nagsalita si Ice kaya nagtinginan kami sakanya, "Tapos madalas daw nasusugutan ang mga tao doon kasi nadadaplisan ng kahoy sa katawan. Buti nalang talaga naka pants ako, baka magkasugat pa ako sa.... hita o kaya sa binti."

"Ha?" Sabi ni Kai, nagpalit palit siya ng tingin saakin at kay Ice, "Eh naka shorts si Krystal oh, baka masugatan o kaya makagat siya?"

Napatingin naman ako sa suot ko. Naka shorts nga ako.

"Ah eh magpapalit nalang ako?" Sabi ko at tumayo.

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon