[19]: Hanap Hanap

438 24 3
                                    

#19: Hanap Hanap

ICE's point of view.

Kanina pa ako naglalakad dito sa hallway. Ang alam 'ko kasi, dito siya laging mahahanap. Kung wala naman dito, sa classroom nila. Pero wala 'don!

"Asan na ba yung babaeng 'yon? Tsk." Bulong 'ko sa sarili 'ko.

Sa lahat ng ayaw 'ko, ung naghihintay ako. Yung hinahanap 'ko pero hindi 'ko naman makita!

Kaya sumusuko agad ako. Pero bakit ngayon hindi agad ako sumuko? Ang malala, sa isang taong kinaiinisan 'ko pa. Tsk.

"Kyaaaahhh! Si Rich! Mas lalong gumagwapo!"

"Inlove kasi!"

"Malamang, nililigawan na niya si Krystal eh!"

"Hayyy ang haba ng hair ni Krystal!"

"Parang noon isa lng siyang fangirl, look at her now? Siya na ang nililigawan!"

Napatingin ako sa direksyon ng mga babaeng nakapalibot sa isang hallway sa gilid. Tili ng tili wala namang magagawa yang pag tili niyo!

Tignan lng natin kung sinong lalake ang mas titilian nila kapag lumapit ako doon.

Nagmadali akong naglakad papunta doon at may nakakita saakin kaya sumigaw siya.

"Omg! Ang ating prince!"

"Give way to prince Ice!"

"Waaaaaahhhhhhhh!!!!!!"

"I love you Ice!!! Please be mine?!"

"Everyday hot!"

Hindi 'ko sila pinansin. Naglakad ako palapit sa dalawang tao na sina Gonzalvo at Krystal.

"Enjoying his company?" Tumingin saakin si Krystal, "Pati yung announcement hindi mo narinig kaya hindi ka pa nadating doon?"

Kumunot naman ang noo ni Krystal, "H-Huh? Anong announcement, Ice?" Tanong niya.

Seriously? Kapag kasama niya yang Gonzalvo na 'yan, nagiging ganyan siya? Tsk.

Hinawakan 'ko ang wrist niya at hinila siya palapit saakin. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat but I don't give a damn.

"Mrs. Leslie announced something and called your attention, hindi mo talaga narinig?" Umiling lng siya.

"Uhm Ice, b-bitawan mo naman ung wrist ko.. ang h-higpit ng h-hawak mo.." Sabi niya saakin.

Napatingin ako sa kamay niya at binitawan iyon. Nakita kong namumula nga ang kanyang wrist. Mahigpit na 'yon?

(A/N: Bumakat na nga diba? Malamang!) oo na. -__-

Hinila siya pabalik ni Gonzalvo, "Wala kang karapatan gawin sakanya yon, kung wala ka ng ibang sasabihin, we'll go ahead."

Hindi 'ko pinansin si Gonzalvo. I don't talk to strangers.

"Let's go, pupunta pa tayo sa office ni Mrs. Leslie." I said at hinila na siya papunta saakin. "Wag ka ng umangal." bulong 'ko.

"Sanford! Give her back." Sabi ni Gonzalvo.

"I don't want, magisa ka. May pupuntahan kami." Sagot 'ko at binilisan ang paglalakad para hindi na din kami maabutan ni Rich.

"T-Teka lng Ice.. uhmm, saan ba tayo pupunta?" Ang kulit din ng lahi nitong bestfriend ni Danelle. -_-

"Kakasabi 'ko lng, we're going to Mrs. Leslie's office." Sagot 'ko, "Next time, makinig ka. Tss."

***

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon