38: MARINA CAMP PT3
Maaga akong nagising. Mga 5:00 palang ay nakakain na ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Aga natin magising ah?" Si Kai yon.
Halatang bagong gising lng dahil sakanyang magulong buhok at antok pang mga mata.
"Hindi ko nga din alam kung bakit." Sagot ko.
Nanonood ako ng tv ngayon wala akong magawa eh. Mamaya pa kami magaactivities.
Andaming pakana ng school namin. Siguraduhin lng nilang masaya at walang masasaktan. Tsk.
"Hala baka.. may nagmumulto sayo?"
Binato ko siya ng tsinelas. "Aray!"
"Baka sayo meron." Sabi ko at pinatay ang tv. Lumapit ako sakanya para kunin ang tsinelas na tinapon ko at lumabas na.
Sumalubong saakin ang malakas na hangin. Aga aga ang hangin.
Pumunta ako sa cabin nila Danelle. Gusto ko malaman kung gising na ba siya.
Hindi na ako kumatok dahil hindi uso saakin iyon. Nang makapasok na ako ay may dalawang taong nanonood ng tv.
Napatingin naman sila saakin at nakita kong si Danelle pala yung nakahiga at si Adrian. "Ice? Bakit ka nandito?" Tanong saakin ni Danelle.
"Goodmorning captain, aga ah?" Bati saakin ni Adrian.
Sinamaan ko lng siya ng tingin at lumapit sakanila. Naupo naman ako sa tabi ni Danelle at pinisil ang kanyang pisngi.
"I wanted to check on you," sabi ko at tumingin kay Adrian, "Baka machansingan ka eh."
Natawa naman si Adrian sa sinabi ko. "Sus captain di ko hahayaang machansingan yan, pati si Xyrie. Kabilin bilinan ni Xander wag ko daw ipagalaw sa iba yang mga yan. Kahit kuko, wag."
Tumingin ako kay Danelle, "Siguraduhin mo lng. Puputulan kita ng dila kapag hindi mo pinanindigan." Sabi ko, "Kumain ka na ba Danelle? Ipagluluto kita?"
Natuto akong magluto gawa niya. Tinuruan niya ako at masaya din.
Umiling si Danelle, "Nakakain na kami ni Adrian, maaga kasi kami nagising tapos parehas kaming gutom." Sagot niya.
Tumango nalang ako at nakinood sakanila.
***
Nandito na kami ngayon sa labas ng mga dorms namin. Sinabi saamin ng prof namin ay mag hi-hill climbing daw kami. Yung pinaka mataas na hill, hindi ung hill na dinayo namin kahapon.
"Eh pero sir! Masakit ang paa ko."
"Hindi ko na problema yan. Ang maiwan dito ay mumultuhin."
Tumayo ng maayos ung lalake na kateam nila Cindy, "Sir sabi ko nga titiisin ko." Tapos ay sumaludo pa siya.
Man up, dude.
"Ang team na mauna makataas ay ang mananalo. Bawat teams na mananalo sa activities ay makakaligtas sa pagkain ng nakakasukang pagkain. Mamaya niyo malalaman iyon."
Nagsimulang magbulungan ang iba. Ung ibang babae ay nagiinarte na dahil sakanilang narinig kay sir.
"Kaya kung ako sainyo, do your best!"