[43]: Avalon Hwang

289 18 1
                                    

Krystal's point of view

Tatlong araw na ang lumipas simula nung birthday ni Danelle. At sa tatlong araw na yun ay hindi ko na din nakita si Ice. Tatlong araw siyang hindi pumapasok at isali niyo na ngayon dahil absent parin siya pero ano bang pake ko?

Masaya ang party niya pero hindi ko inaakalang uuwi kami ng may nasasaktan. Nakita ako ni Riko doon sa sulok at talagang nagulat siya nung makita ako.

Sinamahan niya pa ako pabalik sa mga kasama ko. Nagpumilit ako na wag na muna akong bumalik dahil magagalit si Allen sa nangyari saakin at magaalala sila.

Pero dahil sa pinilit talaga ako ng bongga ni Riko ay nagpabuhat na ako sakanya dahil hindi ko na talaga kaya mag lakad nun.

                           #FLASHBACK

Iyak lng ako ng iyak dito sa sulok at walang nakakakita saakin. Patuloy ring umaagos ang dugo mula saaking tuhod pero hinayaan ko lng iyon. Wala naman akong magagawa eh, wala akong first aid at masyadong masakit para gumalaw ako.

"N-Nakakainis ka Ice s-sobra..." bulong ko.

Ang sakit talaga. Gusto ko ng tumigil sa pagiyak pero hindi ko magawa. *sniff*

Ilang oras na ata akong naiyak dito at wala maya maya ay may narinig akong palapit. May kausap siya pero mukhang si......

"Wala sa reception si Krystal, baka naman nag ho– KRYSTAL?!"

Inangat ko ang ulo ko at nakitang nakaluhod na siya sa harap ko at bakas sa mukha ang kanyang pagaalala, "R-Riko.."

Pinahidan niya ang luha ko, "Who the hell did this to you?" Hindi niya makapaniwalang tanong. "Paano nangyari yan?!"

Hindi ako sumagot. Tumigil na ang pagiyak ko pero humihikbi parin ako.

"Alam mo tara na bumalik na tayo don. Hinahanap ka namin eh," Akmang itatayo niya na ako nung sumigaw ako dahil sa sakit. Agad naman niya akong inalalayan, "Fvck sorry Krystal. Dahan dahan kang tumayo." Sabi niya.

Umiling ako. "Ayoko b-bumalik Riko i-ikaw nalang. Masakit gumalaw tyaka baka mag–"

"Babalik tayo dun. Kailangan nilang makita 'to." Pagpilit niya.

Nagmakaawa akong siya nalang at wag ng sabihin sakanila ang nangyari pero sinabi niyang malalaman at malalaman din nila ito dahil makikita nila ako. Kaya wala na akong nagawa kundi pumayag at sumama sakanya.

"Hindi mo talaga kaya?" Tanong niya kaya tumango ako, tumalikod naman siya at slight na naupo sa harap ko. Nagets ko naman ang ginawa niya kaya dahan dahan akong sumakay sa likod niya. "Masakit? Dahan dahan lng."

Nakasakay na ako sa likod niya at pinipilit kong wag igalaw ang binti ko. Masakit sa may siko ko dahil naka pulupot ang braso ko sakanya pero tiniis ko nalang. Malapit lng naman ang pool eh.

Naglakad na siya pabalik sa pool habang pasan pasan ako at nung nakita nila ako ay nagunahan silang umahon at pumunta dito.

Inupo ako ni Riko sa mahabang upuan at nilapitan nila akong lahat. "What happened Krystal?!" Nagaalalang tanong ni Misty, "Anong nangyari sa pinsan ko Riko?" Lumapit pa siya saakin at tinignan ang dumudugo kong tuhod.

"God! She's bleeding!" Sambit ni Val, "Kumuha nga kayo ng first aid or something dali!" Utos niya sa kaibigan namin.

Tumakbo naman paalis sina Adrian at Chase habang ung iba ay naiwan na dito. Kumuha ng tubig si Xander.

"Sinong may gawa nyan?" Tanong ni Allen. Kinabahan na ako, seryoso ang pagkakasabi niya at bakas sa mukha ang kanyang galit. Oh no. "Wag mong sabihin na si Ice ang may kagagawan niyan?"

My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon