#MYFANGIRL 2

890 32 6
                                    

#2

KRYSTAL's point of view

Maaga akong nagising dahil magja-jogging pa ako. Ganito ako lagi. Maagang gumigising para makapag jogging tapos babalik ako dito sa bahay para magpahinga saglit at maka pag bihis at pasok na sa school. Syempre maliligo din no!

"Good Morning, Ice!" Bati 'ko sa pictures ni Ice.

Some of you might find it weird but yes, you read it right. May picture-- 'Pictures' ako ni Ice na naka dikit sa wall 'ko. Naka form siya ng heart. Tapos sa bed side table 'ko naman, may frame na picture ni Ice ang laman. Well, life of a fangirl.

Nagtataka siguro kayo kung ano ang inire-react ni mommy or daddy kapag papasok sila dito sa kwarto 'ko?

Sa una, nawi-weirduhan si mommy dahil may pictures ako ni Ice. Si daddy naman, okay lng talaga sakanya dahil kung saan daw ako masaya, suportado siya. Pero si mommy, habang tumatagal nasanay na siya kaya hindi na siya nawi-weirduhan.

#THANKYOULORD!

Pumasok na ako sa c.r at ginawa 'ko na ang dapat kong gawin. Nang matapos na ako dumiretso ako sa walk in closet 'ko at sinuot ang jogging attire 'ko.

Lumabas na ako mula sa walk-in-closet 'ko at pumunta sa terrace. Medyo maaraw na naman.

Napatingin ako doon sa bahay na katabi nito. Mansion din siya at alam niyo ba kung sino ang nakatira doon? Si Ice.

Pero siyempre joke lng. Sana nga si Ice nalang ang nakatira diyan. Si Danelle ang nakatira diyan. Ang saya 'no? Mag kapit bahay kami ng bestfriend 'ko!

Maigi kong pinagmasdan ang bintana ng kanyang kwarto. Hindi pa ito naka bukas, it means, tulog pa siya. Kung gising sana siya, kasama 'ko siya mag jogging. Kaso nga lng tulog mantika eh, kesyo lagi daw siyang pagod. Sino ba ang hindi?

Napailing nalang ako at pumasok na ulit sa loob ng kwarto 'ko. Sinara 'ko ang pintuan ng terrace at inayos ang kurtina.

Lumapit ako doon sa table 'ko kung saan naroroon ang mga make up, and etc 'ko na may malaking mirror para sa mukha at upper body 'ko.

Tinitigan 'ko ang mukha 'ko. Every feature ng mukha 'ko, pinagmamasdan 'ko. Naisip 'ko kasi..

Ang dami 'ko palang kulang kaya hindi ako magustuhan ni Ice. Bukod sa may "pilit na" girlfriend siya, hindi niya ako napapansin. 'yon yung masakit eh. Sobra.

Ilang sandali 'ko pang tinitigan ang mukha 'ko ng biglang mag buzz ang phone 'ko.

Tumayo naman ako at naupo sa gilid ng kama 'ko at kinuha ang aking phone na nakapatong sa bed side table 'ko.

Pagtingin 'ko, Twitter notification pala galing kay Allen. Oo kay Allen! napansin niya ako. Ang saya nga dahil kahapon kahit papaano nakapag usap kami, malamang sasaya ako, bestfriend niya crush 'ko eh!

So si Ice nalang talaga ang hindi pumapansin saakin. Kailan niya ba kasi ako balak pansinin? Kapag namatay ako at maging issue sa school? baka nga hindi niya pa pansinin eh.

Napailing nalang ako at binasa ang twitter notification 'ko from Allen.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon