KAI's point of view.
Maaga akong nagising dahil biglang nag alarm ng malakas ung phone 'ko. Hindi 'ko nga alam kung paano nag on 'yon? Sa pagkakatanda 'ko naman, hindi ako nagaalarm.
Dahil maaga akong nagising. Nag ayos na ako, naligo na at kumain ng breakfast.
"Why so early, son?" Napatingin ako kay dad na ngayon ay kumakain palang ng breakfast niya. "Your mom left already." napatango nalang ako.
"Me and my friend will jog dad, since my alarm went on so early." Page-explain ko. Tumango lng siya, "Bye dad." lumabas na ako at nag sumakay saaking kotse.
Sa totoo lng, hindi alam ni Krystal na magja-jogging kami. Nakita 'ko lng kasi sa twitter niya na everyday siyang nagja-jogging at ganitong oras, nagre-ready na siya.
Surprise visit kumbaga pero magja-jogging kami.
Ilang minuto lng ay nakarating na ako sa labas ng baha nina Krystal. May naka park na kotse sa labas kaya nagtaka ako kung sino 'yon.
Yung mga kotse kasi nila, nasa loob at wala dito sa labas. Posible bang kay Ice 'yon?
Teka. Ayaw nga ni Ice kay Krystal tapos magiging kanyan yung kotse? Bobo mo Kai!
Pinatay ko nalang ang makina at bumaba para sunduin na si Krystal. Nag doorbell ako at maya maya, pinagbuksan ako ng gate.
"Sino po ang hanap nila, sir?" Bungad saakin ng maid.
"Si Krystal po?" Hanap 'ko naman.
"Kakaalis niya lng po sir eh. Nag jogging na po diyan sa park sa labas ng subdivision."
Napatango nalang ako at nagpasalamat tapos ay sumakay na ulit sa kotse 'ko.
Nauna na pala siya? Pero kaninong kotse 'yan?
Teka. Bakit 'ko ba tinatanong, huh? Wala naman akong pakielam sa kotseng 'yon. Tsk.
Pinaandar 'ko na ulit ang kotse at lumabas na ng subdivision. Mabilis kong pinatakbo ito para makita 'ko agad si Krystal
I'm coming, Krystal.
KRYSTAL's point of view.
Andito kami ngayon ni Allen sa park. Usual park na pinagja-jogging-an 'ko
Dahil nga sa magkaklase kami napagisipan niyang araw arawin na din ang jogging kasama ako.
Hindi niya dinala ang kotse niya dahil mas maganda daw kapag nilakad nalang namin itong park kaya naiwan ang car niya sa labas ng bahay namin.
"Allen!" Sambit 'ko, "Wait lng. Pagod na ako." Sabi 'ko at dahan dahang tumigil tapos ay naghanap ng bench.
Mabilis akong naupo sa bench at huminga ng malalim. Uminom ako ng tubig at ganun din si Allen.
Pinahidan niya ng towel ang mukha niya.
"Hindi ka ba magpapahid?" Tanong niy saakin.
Lumimgon naman ako sakanya at umiling na lamang. Mamaya na. Mapapawisan pa din naman ako mamaya. Ano pang use ng pag pahid 'ko ngayon, diba?
"Suit yourself." Nagkibit balikat din siya at umakbay saakin. "Saan tayo kakain ng breakfast?"
"Uhm, your choice." Sagot 'ko, "Anywhere's fine with me." dagdag 'ko at ngumiti.
Tumango nalang siya at nagpahinga pa kami dito saglit.
Maya maya, tumayo na ulit kami para mag jog ma ulit.
"Racing tayo. Dito papunta doon, ano game?" Hamon niya saakin.
Ako pa ba ang humindi? syempre--- "Ayoko. Alam 'ko namang matatalo ako."--- ayoko. (A/N: Hahaha!)
